Direk Paul Soriano, handang-handa nang pakasalan si Toni Gonzaga

IILAN LANG ANG movie director na tipong artistahin ang dating tulad ni Paul Soriano. He got the looks na puwedeng maging heartthrob tulad nina Sam Milby, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual. Never raw pumasok sa isipan niya ang maging artista kahit ang lolo niya ay ang veteran actor na si Nestor de Villa.

“I really believe directing is what I’m good at and I’d like to stick with what I’m good at with,” say niya.

Nakilala si Paul sa pagdi-direk ng mga TV commercial and eventually pinasok na rin niya ang pelikula. Na-ngangarap din siyang mai-direk ang girlfriend niyang si Toni Gonzaga. If ever na mabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang magiging future wife niya, anong project kaya ito? “If get a chance to direct Toni, gusto ko action, mala-Angelina Jolie sa Tomb Raider.

Lahat ng pelikula ni Toni ay napanood ni Direk Paul, enjoy siya sa team-up nina John Lloyd Cruz at Toni, may kilig factor sa mga fans. Maging ‘yung tambalan rin daw nina Toni at Vhong Navarro, they have great chemistry, aliw rin daw siya. “Ofcourse, Sam Milby. You can’t go wrong with Sam and Toni. Actually, it would be nice to see them in a more mature kind of film and I think, they’re both mature actors now,” say pa ni Paul na siyang nag-direk ng Thelma ni Maja Salvador.

Disappointed pala si Direk Paul na hindi natuloy ‘yung project nina Toni at Vic Sotto na napunta kay Bea Alonzo ang Pak, Pak, My Dr. Kwak!

“Yung kay Bossing Vic, I was excited for that, but I know it didn’t work out. But I’m sure, in the future, it would be nice to see Bossing and Toni in a movie together,” turan niya.

Siyempre, tinanong namin si Direk Paul kung may plano na sila ni Toni na lumagay sa tahimik? Kapag ang singer-actress ang tinatanong tungkol sa bagay na ito palagi niyang sinasabi, three years from now. “I’m turning 30 on October, so definitely at my thirties. For me talaga, I’m ready. Honestly, ready na ako,” masayang sabi niya.

Sa totoo lang, ready to settle down na talaga si Direk Paul, si Toni na lang ang hinihintay. “I’m saving my money. I’m just waiting for her to be ready. I don’t want to rush her, kasi seryoso ang marriage,” pahayag ni Direk Paul. Almost 70 commercials na ang nagawa niya, ang latest ay ‘yung kina Kim Chiu at Sarah Geronimo. Milyones kung kumita ang guwapong direktor sa kanyang mga TV commercial, kaya mabibigyan niya ng magandang buhay si Toni oras na pumayag na itong lumagay sa tahimik.

 

HINDI PA MAN dumarating ng ‘Pinas si John Rendez, kaliwa’t kanan na ang intrigang ibinabato sa kanya. Sinasabing hanggang ngayon ay pa-bigat pa rin daw ito sa buhay ni Nora Aunor. Binibigyang-kulay ang friendship na mayroon si-lang Superstar. Tanggap naman ng singer-actor na minsan may mga pangyayari sa kanyang buhay na hindi niya inaasahan. Nasangkot sa mga controversial issues na pinag-piyestahan ng media.

Hindi lang magaling na rapper-singer si John isa rin siyang magaling na aktor. Walang masama kung nirerekomenda ni Ate Guy si John kay Mario O’Hara para sa teleseryeng gagawin niya sa TV5. Kung may pagkakamali man siyang nagawa in the past, isang karanasan ‘yun na hindi niya mali-limutan. Lahat naman tayo, nagkakamali, bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang isang bagong John Rendez na makapagsimula muli? Kilalanin bago tayo maghusga.‘Yun lang po.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Direk Paul Soriano, handang-handa nang pakasalan si Toni Gonzaga

  1. I saw Direk Paul in the Bottomline with Boy Abunda. Impressive ang interview niya. Matalino at may pinagaralan. Disenteng tao at may breeding. Ang haba ng hair ni Toni. Mahal na mahal siya ni Direk.

  2. I love toni I cant wait their wedding day,but dont over expose yourself the whole 7 days I see your face in the screen nakakasawa ka always your face tapos may movie ka pa w/ ate UGE Si ate UGE ang gusto ko makita di ikaw tv,movie nakabandera ang fez mo Toni magtago ka  paminsanminsan para excited  alis ka HYY di ka bagay don sa buzz at asap gusto kita 

Leave a Reply

Your email address will not be published.