Direk Paul Soriano, gugulatin si Toni Gonzaga sa marriage proposal

BILIB AKO sa tibay ng relasyon nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Sa kabila kasi ng mga intrigang ipinupukol sa kanila ay napapanatili pa rin nilang maayos ang kanilang samahan. They support and bring out the best of each other. Sabi nga, it takes two to tango. It is a joint effort on how to make a relationship work.

Dumalo si Direk Paul sa nakaraang star-studded premiere night ng Four Sisters and a Wedding, kung saan isa sa mga bida si Toni (together with Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, and Enchong Dee).

Larawan si Direk Paul ng isang proud na boyfriend during the premiere night. He only had good words about Toni’s performance, “She was great. She was funny. She was dramatic. I think she did really good. I’m proud of her.” Kaya naman sino ang hindi mai-inlove sa iyong boyfriend kapag ipinagyayabang ka ng ganito?

Hindi siyempre pinalagpas ng press ang pagkakataon na tanungin siya kung kailan nila planong magpakasal. Sagot niya, “She said when I’m ready we’ll sit down and plan it. But of course, I still have to ask the question muna. I guess for me when she least expects it, that’s the plan.”

Matatandaang sinabi noon ni Toni sa isang interview that her ideal age of getting married is 30 years old dahil by that time raw ay na-enjoy na niya lahat ng trabaho sa industriya. “Ang trabaho ay minsan lang dumating pero ang pag-aasawa ay anytime naman iyan.”

“Yeah, she’s 30 on January, ‘di ba? So keep your cameras on, guys. It’s happening very soon,” pagsususpense ni Direk Paul.

Wala namang problema dahil botong-boto ang daddy ni Toni, si Mr. Carlito Gonzaga, kay Direk Paul para sa kanyang anak. Sabi nga noon ni Direk Paul, he’ll leave everything to Toni. Sabihin lang daw sa kanya kung anong oras at saan, asahan ng lahat na siya ay magpapakita.

Time flies really fast at baka sa susunod ay totoong kasalan na ang ating pag-uusapan tungkol sa dalawa.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Direk Paul Soriano, gugulatin si Toni Gonzaga sa marriage proposal

Leave a Reply

Your email address will not be published.