Direk Joyce Bernal, walang pagsisisi sa pagtanggi sa movie nina Vic Sotto at Kris Aquino

WALANG PAGSISISI si Joyce Bernal kung tinanggihan niya ang pelikula nina Kris Aquino at Vic Sotto na pang-Metro Manila Film Festival. Mas nauna raw niyang nasagutan ang pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Nauunawaan naman daw ng Queen of All Media si Direk Joyce.

Sabi ni Kisteta, ni-request daw kasi ni Bimbi na ang box-office director ang magdirek. Magkaibigan kasi ang dalawa at malapit si Bimbi kay Direk Joyce kaya mas relax ito at makakaarte kung siya ang director.

Kung natuloy si Direk Joyce na idirek ang pelikula nina Vic At Kris, malamang ‘yung mga eksena lang ng host-actress at ni Bimbi ang ididirek niya. Ever since, si Tony Reyes ang forever director ng magaling na comedian sa lahat ng kanyang mga pelikula.

Ibinalita ni Direk Joyce na forty percent na raw ang nakukunan niya sa pelikula nila ni Robin. Happy siya sa kinalabasan nito. Nakatakda rin silang mag-shoot sa Europe, tatapusin lang niya ‘yung mga mahahalagang eksena nina Binoe at Mariel at ibang cast dito sa atin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Direk Joyce Bernal, walang pagsisisi sa pagtanggi sa movie nina Vic Sotto at Kris Aquino

  1. Kris Aquino is the beneficiary of Janet Napoles pork barrel scam! kaya pala kung mag-donate sa kampanya ni risa hontiveros noong 2010 at 2013 e milyon milyon! biyahe dito biyahe doon kasama ang napakaraming alipores sa europe, japan, at amerika! kris aquino-napoles ikaw na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.