Direk Joyce Bernal, natensiyon sa kanyang unang horror film

NAGPAKATOTOO SI Kris Aquino nang sabihin nitong bumili na siya ng second hand na vintage watch sa presscon ng kanyang pelikulang Segunda Mano. May nag-alok na kailangan ng pera, magaganda naman so, bulto niya ito nabili. Maging si Dingdong Dantes ay na-experience na ring bumili ng second hand na kotse. Inamin din ni Direk Joyce Bernal na nagbebenta siya sa Eloy’s ng damit para makapasok sa school, buy and sale. Si Angelica Panganiban, nakabili na rin ng second hand bag kasi, hindi pa niya afford noon na bumili ng signature bag.

Hindi nangarap si Kris na maging number one ang movie niya sa MMFF. “Gusto kong mag-number 2, segunda mano. Binibigay ko na ang number one, Ai Ai is one of my best friends. Magpakatotoo na tayo, kanila na ‘yung one. Ang pinaglalabanan na lang ‘yung second slot, sana sa amin mapunta ‘yun.”

Sa dinami-dami na puwedeng maging leadingman ni Kris, bakit si Dingdong ang napili ng Queen of All Media? “2010, napag-usapan na namin ito ni Dong during the campaign. Si Ms. Anette Gozon ang nag-open na mag-team-up kami. I still have one contract left, this is the last picture, three-picture contract with Star Cinema. Tita Malou Santos said, bakit hindi na lang si Dong ang gumawa sa akin? And ask him if he want to co-produce to be part of the production. Sinabi ko, kung lalaban tayo sa ganitong klaseng labanan dapat doon tayo sa mabibigyan tayo ng maganda at maximum exposure. Sabi ko, ngayon palang tayo magsasama, maganda na napaka-metikuloso ‘yung makakatrabaho natin. And I think, si Direk Joyce, pinaglaban talaga siya kasi ni Dong, and I was thankful of Dong because one of the best working experiences of my life was to be directed by Joyce Bernal. I feel na lumi-level talaga siya, alam ni Chito Roño ‘yun. Sinabi ko, Direk, baka anak mo si Joyce Bernal, ganoon siya kagaling,” say ni Kris.

Buong ningning na sinabi ni Kris na hindi sya ang bida sa pelikula nila ni Dingdong at Angelica Panganiban. “It’s Dingdong Dantes movie. Kung performance din lang ang pag-uusapan natin, he should be the Best Actor. Not for the festival but for the entire year.”

‘Yung character ni Dingdong na may isang anak na babae, medyo may similarity sa tunay na buhay ni Kristeta. “Nakita ko kasi kung ano ang pinagbabayaran ng anak namin ngayon. So, ‘yung line ni Dong, it something to do with his daughter and that is why… huwag na ninyo akong paiyakin, kasi Pasko. Du’n mo nararamdaman na nakakaawa talaga ang baby, not only Josh kasi kapag nakikita nila si James akala nila buong-buo sila. ‘Yun ang masakit para sa akin kasi nga hindi na kami buo. “

Napag-usapan din ang kissing scene nina Kris at Dingdong na ayon sa TV host-actress ay walang kadating-dating. “Sinabi ni Direk Joyce, hindi ako nasarapan, ulitin ninyo. Ni-reshoot talaga, ang hirap akong halikan, maganda ang girlfriend niya.”

Sinabi ni Direk Joyce na idol niya si Direk Chito nang mapanood nito ang Private Show. Nasa college pa lang siya, malaki na ang paghanga sa batikang direktor. First time gumawa ng horror film si Direk Joyce. “Takot na takot ako na baka hindi lumabas na nakakatakot ang movie namin. Sa buong buhay ko bilang director, ngayon lang ako natensiyon. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako,” seryosong tsika ni Direk.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.