Direk Joey Reyes, dismayado sa mga teleserye sa TV!

AS COUNTLESS AS her acts of generosity, hindi na rin mabilang ang mga hosting hallmarks ng kaibigang Cristy Fermin, the latest of which was her exclusive interview with Rosario “Ayong” Quintano, ina ni Janelle Manahan na nobya ng pinaslang na si Ram Revilla, in last Sunday’s edition of Paparazzi.

Sa dalawang bahagi ng naturang panayam—na ayon mismo kay Cristy ay tinrabaho niya nang isang linggo upang mapapayag ang kanyang alumpihit na subject—mas nangibabaw ang perspektibo ng pagiging isang ina ni Ayong.

Ina sa ina ang paghaharap na ‘yon, Cristy found an appropriate pasakalye, ‘ika nga, bago niya inilatag kay Ayong ang mga tanong na suwabe muna sa simula, pero patungo sa direksiyong sapul ang damdamin ng isang nanay na namimighati sa kalunus-lunos na sinapit ng kanyang nag-iisang anak.

In showbiz circles, hindi ikinakaila ni Cristy ang kanyang buong pagmamalaki sa pagkakaroon ng isang natatanging anak, she shares the same feeling with Ayong who’s  only blessed with a child, na sa panahong dapat sana’y malaya na itong nakapamumuhay nang masaya sa piling ng isang mapagmahal na nobyo ay saka naman dumating ang matinding pagsubok.

Bilang live audience ng hapong  ‘yon sa Paparazzi, natabunan ng aming atensiyon ang aspetong legal kalakip ng kasong frustrated murder kay Janelle, and such attendant factors that may result in the determination as to who were the real perpetrators  behind the gruesome crime.

May next year pa man ipagdiriwang ang Mother’s Day, pero nauna nang magpatikim ang Paparazzi ng isang natatanging kuwento tungkol sa isang ina whose love for her daughter is boundless.

 

KNOWN FOR HIS intelligent comments, binatikos ni direk Joey Reyes ang current state ng Philippine TV:  “Dismal!”

An alumnus of DLSU, sa pamantasan ding ito nagtuturo ang prolific director ng writing for TV, admittedly his number one passion next to teaching and directing. Ayon kay Reyes, nag-stagnate daw ang istado ng telebisyon as opposed to the increasing development of local cinema.

But there are exceptions though. Puring-puri ni Reyes ang May Bukas Pa at 100 Days To Heaven, the now-defunct shows of ABS-CBN that respectively starred virtually nameless child actors but were good enough materials that conversely translated to top ratings.

“But it cannot be like that forever. I’ll be sick if I see another TV show that stars another child actor, it’s like the  ‘hot pandesal phenomenon’  before,” prangkang sabi ni Reyes when we disturbed his unguarded moments bago dumating ang mga bidang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos in his—hold your breath—65th film to date, ang My Househusband:  Ikaw Na, an entry to this year’s Metro Manila filmfest.

As if his “dismal description” of the present state of TV was not enough, sinisisi rin ni Reyes ang umano’y pangmamaliit natin sa ating mga manonood.  “It’s we who make them stupid, based on the kind of  shows that we give them. And there are the bad words that the TV networks consider:  originality, innovation and development.”

While listening to Reyes, it was as if we belonged to his TV writing class. Very well said, direk.

 

BAGO PA MAN nakarating sa studio ng Face To Face, pinabaunan na ni Jennifer ng blackeye ang kanyang biyenang hilaw na si Aling Mayet.  Himutok kasi ni Jennifer, pagte-text umano ang inaatupag ng matanda kaya namatay ang inihabilin niyang anak nila ni Bryan, anak naman nito.

Kinukunsinti rin daw ng matanda ang pagiging batugan ni Bryan, kaya ang ending, sa kalye na tuloy sila nakatira. Ito ang kuwentong nakapaloob sa episode ngayon ng naturang programa na pinamagatang Jowa Kong Mama’s Boy, Hinayaan Kaming Maging Palaboy Kaya Namatay Ang Aking Baby Boy!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Direk Joey Reyes, dismayado sa mga teleserye sa TV!

  1. SIGURO HALOS LAHAT NG PINOY ANG INIISIP NGAYON NA TINUTUKOY NI DIREK JOEY AY ANG KAPANGITYA NETWORK……….WELL I CANNOT BLAME THE GOOD DIRECTOR………SINO BA NAMAN ANG MANONOOD NG “BINGONGO GIRL”……..YAK!!!!!!!!!!!ANG KATAPAT LANG NYAN SA GMA AY “TROPANG POTCHI”………….AMAYA PA LANG AT DALDALITA TAOB NA LAHAT NG SHOW SA DOS POR DOS………………GMA THE BEST!!!!!!!!!!!!!MARIAN UR NO. 1!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. Sabi ni Mybinondo “dalawa palang bahay ang nakita kong naka subscribe sa GMA. puro TFC d2”

    Sabi nmn ni Bheng ay, “wag kan magsalita para sa aming lahat dito sa Dubai, eewww.” O paano b yan MyBinondo mali ka s cnavi mo TATLO PLA NKSUBSCRIBE S GMATV hahahah….ako for once i tried to shift to GMAtv b4, but that was b4 thanx GOD i never did or else i will forever regret that temporary insanity. Buti nlng nkpnood ako ng GMAtv s friend ko who used to be a TFC subscriber din, sobra akong nboring kc bano umakting ang mga artists ng GMA7. Then, i told my friend n ang pangit ng GMAtv at he told me n tinry lng nya kc mura at the following month balik TFC n xa uli!!!!

  3. sus naman umasa na naman ang GMA na yan! magtigil nga kayo… oo may nanonood nga sa inyo totoo un pero jan lang yan sa manila!!! ung mga artista nyo kung hindi mga beterano, hindi kilala. dito sa dubai, NO. 1 ANG ABS. 10 years na ako dito, dalawa palang bahay ang nakita kong naka subscribe sa GMA. puro TFC d2!!!! kaya hindi nagtatataka kami pag sinasabi nyong number 1 kayo… pramis… kelan, asan, ano daw? yan ang reaction. umayos nga kayo!!!

  4. Korek kayo dyan, d2 sa TFC ABS shows lang ang pinapanood kc swak sa panlasa ng mga tao. Di badoy at walang kakwenta kwentang teleserye kagaya ng GMA & TV5.

  5. GMA7 lang naman ang nagsasabing no. 1 sila pero niloloko lang nila ang mga sarili nila. kung number sila bakit ang mga movie nila flops hindi kilala yung mga artista kasi nila, tapos sasabihin nila number 1 sila. I remember last time kailangan pang mag promote ng mga ibang starlet nila TFC (ABS-CBN) sa abroad para lang may manood ng show nila na nilalangaw. lol

  6. i agree krissy!abs lng nkakagawa niyan.sa gma minsan tlga hindi n mkuha ang istorya,kya nkakahiya na sinasabi nilang sila ang number one.

  7. agree naman ako sa ibang commentors na angat ang mga teleseryes ng abs, kahit ung hindi child actors ang mga bida like misan lang kita iibigan at ung isa pang starrer ni coco with kim at gerald at ung iba pang shows nila. sa gma7 kasi mga basura talaga, gaya na lang ng iglot na napaka walang kwenta at ung munting heredera na wala na ung story nahanap na ung heredera pero pinapahaba pa nila ang story at yung ibang low rated shows pa nila, moderate lang yung amaya pero hindi talaga high ang rating, sa mega manila lang number 1 pero sa buong luzon, visayas at mindanao. wala na. bokya na, tinabunan na ng ibang shows o teleserye ng abs.

  8. Gusto ko ang bagong teleserye ngayon sa ABS yung IKAW AY PAG-IBIG very inspiring sa akin ang mga ganung storyline lalo’t mga bata ang mga main characters..I’m sure magiging HIT ang teleserye na ito magagaling ang acting ng mga bata lalo na si ZAIJAN JARANILLA ( hope i spelt his first name correctly). More power ABS for giving us meaningful stories.

  9. Direk Joey Reyes diba lagi k sa tv5 bakit di mo sabihin kay MVP yan e puro basura mga shows nila simula umaga hanggang mag off d air

  10. kay Direk Joey Reyes parang sinabi mong “I’ll be sick if I see another TV show that stars another child actor, it’s like the ‘hot pandesal phenomenon’ before,” yong new serye na IKAW AY PAG-IBIG? hello Direk at least kahit mga “another child actors” ang mga bida it gives HOPE and POSITIVE OUTLOOK IN LIFE. mas Ok na yong mga child actors ang features nila kase remember CHILD’s HEART is PURE kaya mas tinatangkilik. kaysa naman sa ibang teleserye na basura. aminin…QUALITY ang teleseryes ng ABS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.