Direk Joel Lamangan, very proud kina Tom, Lovi at Erich sa “The Significant Other”

Direk Joel Lamangan

MAKABAGO ang story ng “The Significant Other” na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Erich Gonzales and Tom Rodriguez ayon kay Joel Lamangan. Kuwento ito ng dalawang successful top fashion models – Nicole (Erich) and Maxene (Lovi) who are two friends who realized that they are romantically involved with the same man – plastic surgeon Edward (Tom).

“Ito yung istorya ng magagandang tao. I have worked with Lovi so many times na. I give her Best Actress in FAMAS. Choice ko din si Erich, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makatrabaho,” sabi ni Direk Joel.

Pinagusapan ang sampalan nina Lovi at Erich. Totoo palang nagkasakitan ang dalawa. Dumugo pa nga ang tenga ni Lovi dahil sa lakas ng sampal na pinakawalan ni Erich sa mukha ng magaling na actress. Paliwanag ni Direk Joel, “Totoong may sampalan talaga sa eksena,  sampalang nagkatotoo .Nagkasakitan sila para lumabas na makatotohanan ang scene.”

Kinausap ni Direk Joel kina Lovi at Erich before the take na kailangan ‘yung scene maging realistic. “Dinidescribe ko yung role nila, kailangang magsampalan sila. Nadala sila sa eksena kaya ganu’n ang nangyari. Sinabi ko sa kanila gawin ninyong makatotohanan kung hindi ipapaulit-ulit ko sa kanila. Masakit ‘yun kung paulit-ulit nilang gagawin ang sampalan. Ang nangyari, sa lakas ng sampal ni Erich kay Lovi sumabit sa hikaw ni Lovi ang kamay ni Erich na may dugo.”

Pinatotohanan ni Lovi ang kuwento ni Direk Joel. “After

Erich Gonzales, Tom Rodriguez and Lovi Poe

the take exit na kami pareho tahimik sa set. After an hour, nagusap na kami ni Erich na parang walang nangyari,” tsika ng dalaga. Parehong palaban ang dalawa sa aktingan kaya naman natutuwa ang award-winning director dahil magagaling ang kanyang mga artista.

May kakaibang twist ang “The Significant Other” compared sa mga  pelikula ganito ang tema.“Yung twist ng story hindi ko sasabihin dahil ‘yun ang gustong malaman ng manonood. Sexy ang film, I think this is a serious role for the 3 actors. First time ko makatrabaho si Tom Rodriguez and Erich Gonzales. Tom is a very intelligent actor. Kailangan lang  sasabihin mo sa kanya ang eksenang kukunan. Alam nilang tatlo kung ano ang kailangan sa eksena at ano ang hinihingi ko sa kanila and they give it,” dugtong pa ni Direk Joel.

Lovi as an actress ? “Si Lovi hindi na siya baguhan, hindi mo na siya kailangang turuan. Maganda ang approach niya in every scene..pinagaaralan niyang talaga. At pag-take na, mayroon siyang  kakaibang gagawin , seryoso siyang artista. Si Erich naman sumusunod sa instruction without asking question, ” pagmamalaking turan ng magaling na director.

 Naging topic din namin ni Direk Joel ang sex. Active pa din kaya ang sex life nito?

“Of course, boring ang life without sex. Super active ang sex life ko, “ ang mabilis nitong sabi. Super active nga raw ang sex life niya. “Nakaka-excite kapag may date ka, magaayos ka, magpapaganda ka  maraming seremonya bago ka makipag-date. Ewan ko ba, at my age alive na alive ang sex life ko,” natatawang sambit ni Direk Joel.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.