Direk Jason Paul Laxamana, nakadalawang Graded A films na sa PPP!

Direk Jason Paul Laxamana with JC Santos and Bela Padilla

NAKADALAWANG Graded A na pelikula na si Direk Jason Paul Laxamana na may dalawang entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Una ang pelikulang ‘The Day After Valentine’s’ nina JC Santos at Bela Padilla mula sa Viva Films.

Last Monday, August 6 ay natanggap ng T-Rex Entertainment ang magandang balita mula sa Cinema Evaluation Board kung saan nakakuha ng Graded A rating ang pelikula niyang Bakwit Boys.

Ayon kay Direk Jason, mas nais niya na magustuhan ng moviegoers na i-push at i-promote ng media ang Bakwit Boys dahil musical ito na puro baguhan ang bida na kinabibilangan nina Nikko Natividad, Devon Seron, Ryle Santiago, Mackie Empuerto at Vance Larena.

Bakwit Boys cast members

 Ang Bakwit Boys ay tungkol sa  magkakapatid na pumalaot sa mga pagsubok para marating nila ang kanilang mga pangarap bilang mga musikero.

Ang Bakwit Boys cast ay magkakaroon ng meet and greet with fans on August 11 sa magaganap na parade as kick-off ng PPP.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.