Direk Erik Matti, namroblema sa biglang pagpayat ni Sharon sa ‘Kuwaresma’

John Arcilla, Sharon Cuneta and Direk Erik Matti

DAHIL sa pagpayat  ni Sharon Cuneta habang sinusyuting ang horror flick na Kuwaresma ay hindi maiwasang mamroblema ang director ng pelikula na si Erik Matti.

Wika ng director, “For a time, nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, syinut na naming ‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.

“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makakalusot ba ‘to na kanina lang, iba yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut.”

Lahat naman daw ay nagagawan ng remedy at solusyon kaya naging okey na rin ang lahat.

Maganda ang trailer ng Kuwaresma at ayon kay John Arcilla, gumaganap na asawa ni Sharon sa pelikula, maraming ginawa ang megastar sa movie na first time na mapapanood ng mga tao.

Hindi naman idinitalya nina John at Direk Erik kung anu-ano ‘yon. Basta abangan na lang daw sa mga sinehan kapag pinalabas na ang Kuwaresma on May 15.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.