Direk Eric Quizon, pinalitan sa show, pero ‘di raw nag-resign

Eric-QuizonPINASINUNGALINGAN NI TV5 executive Wilma Galvante ang balitang nag-resign bilang director ng seryeng Positive si direk Eric Quizon.

Ayon kasi sa nakarating sa amin, nakarating daw kay Direk Eric na hindi nagustuhan ni Ma’am Galvante na sinabi raw diumano na pangit at hindi maintindihan ang istorya ng nasabing serye, kaya nag-resign kaagad ito bilang director.

“He didn’t resign. He has to leave immediately for the States because he had some some personal problem he had to attend to. In fact, nagpaalam siya. Hindi lang ang Positive ang naiwanan niya na show. Mayroon pa isa na made for TV movie na kinailangan niyang iwanan because of that US problem.

“I think, he’s now back and we’re sitting down for his next project with TV5. Promise, hindi siya nag-resign. He had to leave. We had to replace him,” paliwanag  ni Ma’am Wilma Galvante.

Nilinaw rin ni Ma’am Wilma na walang katotohanan na tuluyan nang na-shelved ang teleseryeng pagbibidahan ni Ogie Alcasid na The Gift. “‘Yung sa ‘The Gift’, pinaplano lang namin ‘yung timing niya, kasi nag-launch ng mga show, Let’s Ask Pilipinas and Madam Chairman. Because of its good performance, in-extend na namin ang dalawang programa na ‘yan. ‘Yan sana ang magiging timeslot ng The Gift. Tuloy pa rin ang teleserye ni Ogie, na-push back lang ‘yan.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.