Direk Eric Quizon, happy sa pagiging professional ni Kim Chiu

Eric Quizon

FOR AWHILE ay naka-based sa Hongkong ang actor now a film and television director na si Eric Quizon.

Sa grand media conference ng Metro Manila Film Festival 2018 entry niya na One Great Love na produced ng Regal Entertainment, nai-update kami ni Direk Eric (we call fim EQ) ng mga kaganapan sa buhay niya.

Sa Hongkong, isang immigrant siya sa dating British Colony at nakatira sa Mid-level sa Central District sa Hongkong Island and runs an event company na pagmamay-ari niya.

Lifestyle ng isang local resident si EQ kapag nasa HK siya. “Most Filipino tourist, stays in Kowloon side. They like TST (Tsim Sha Tsui) kung saan compact and left and right ang mga hotels at shopping areas,” kuwento niya.

In Hongkong: “I take the bus or subway. Mas madali. Ang hirap ng parking sa Hongkong kaya it’s easier for us resident commuting,” kuwento niya.

But for now, sa dami ng mga ginagawa niya sa Pinas (like itong One Great Love) ay most of the time nasa Manila siya.

Sa personal tsikahan namin sa kanya, excited siya sa filmfest entry nila ni Mother Lily at Roselle Monteverde.

Puring-puri niya ang kanyang mga artista na sina Kim Chiu at ang mga leading men nito na sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Kim Chiu with JC de Vera and Dennis Trillo

“I love working with her. Napaka-professional niya. Walang angal. I know it’s her first adult film na out of the box ang character na may tatlong love scenes na first time niya ginawa in her entire career na kahitniang maliit na reklamo, wala ako narinig mula sa kanya,” kuwento ni Direk EQ.

“First time ni Kim ang isang seryoso at maiinit na love scenes; sa fire place with Dennis at sa bathtub (sa isang yacht) at sa kama naman with JC na kahit ano ipagawa mo sa kanya, gagawin niya as long na ipaliwanag mo lang sa kanya,” sabi ni Direk EQ about Kim.

“Nahirapan nga daw siya sa love scene nila ni JC sa bathtub. First time na love scene sa ganung kaliit pa na space niya ginawa,” natatawang kuwento ni nEQ sa amin who is also part of the film (aside from being the director).

Dahil sa magandang karanasan ni Direk EQ sa dalaga, makakatrabaho niya muli si Kim sa isang pelikula. “I have my next film with her, Tita Susan (Roces) and Marian Rivera. Shooting starts in January 2019.

Goodluck sa MMFF entry mo Direk EQ.

           

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “Direk Eric Quizon, happy sa pagiging professional ni Kim Chiu

  1. Only goes to show that Kim has matured as a person. She loves what she’s doing and people like working with her. She gets bashed a lot but it only makes her a stronger person.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.