Direk Cathy Garcia-Molina, high school crush ang bagong BF!

KAHIT WALA sa plano, nag-double birthday celebration kami ni Fernan Sucalit (photographer) last Tuesday, June 19, sa Music Box, Timog sa tulong ng aming mga kaibigan. Birthday blowout ito sa amin nina Madam Cynthia Sol, Sheila Vidanes, Sheila Quieta, Mayor Sandy Javier (Javier, Leyte) at ang asawa niyang si Karen Javier. Na-touch naman kami ni Fernan sa support na ibinigay nila sa amin.

Na-surprise kami sa pagda-ting ni Direk Cathy Garcia-Molina kasama ang bago niyang boyfriend na agad na ipinakilala niya sa amin. Ikinuwento niya na matagal na silang magkakilala, magka-klase sila noong high school.

“Nagkaroon ng class reunion kaya nagkita uli kami. Crush ko na siya noong nasa high school pa kami,” tsika sa amin ni Direk Cathy.

Obvious na very much in love ngayon si Direk Cathy. Iba ‘yung glow na nakikita namin sa kanyang mga mata ng mga sandaling ‘yun. Napaka-sweet nila sa isa’t isa habang nanonood ng show. Kahit magkatabi na sa upuan magka-holding hands pa ang dalawa. Naalala tuloy namin ang binitawang salita ni Direk Cathy, “Ang love hindi hinahanap. Kusang darating kung siya talaga ang nakatakda para sa ‘yo.”

Kinumusta naman namin si John Lloyd Cruz kay Direk Cathy na very close sa actor kung ano ang masasabi niya sa intrigang Lloydie at Angelica Pa-nganiban?

“Tahimik lang si Lloydie. Eventually, mawawala rin ‘yung issue tungkol d’yan,” matipid na sabi ng box-office director.

Siyempre, hindi puwedeng mawala sa special na okasyon na ‘yun sina Dani Flores (Pinoy Parazzi, entertainment editor), Mario Hernando (MTRCB Board Member, Malaya columnist), Ricky Calderon, Agie (Cherry Mobile), Dok Ernie Santos (Makati Medical), Gem Manuel, Charles Yulo, mag-asawang Madam Lyn & Direk, Sheila Q., and Sheila V, Oskar Peralta (fashion designer), Allan Sancon, Peri Diaz (fashion designer) at Justin Ledesma. Through the years, nand’yan pa rin sila bilang mga tunay na kaibigan. Salamat sa inyo…

 

NANG MAGKITA ka-mi ni Madam Cynthia Sol sa birthday party ng asawa niyang si Geoff Cole sa Meanwhile, Balibago, Angeles City, masaya nitong ikinuwento ang first encounter niya kay Lovi Poe sa Hong Kong. Nagkaroon ng special event ang mga negosyante Pilipino na base sa Hong Kong na ginanap sa isang five-star hotel at special guest nila si Lovi. Sosyal ang event dahil HK$1,000 per ticket.

Bago umakyat ng stage si Lovi for her song number, binigyan ni Madam Cynthia ng Gucci lipstick ang actress. Natuwa lang ito dahil pinapanood niya ang teleserye nitong Legacy ng GMA-7. Pagdating sa stage, gusto sana ng dalaga na pasalamatan si Madam Cynthia pero hindi niya nakuha ang pangalan ng dating artista ng LVN Production.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita uli sina Lovi at Madam Cynthia sa Penthouse bar ng hotel. Sa sobrang tuwa ng actress, nakipagkuwentuhan ito at nakipag-inuman hanggang ma-daling-araw. Sila na nga raw ang nagsara ng bar, ayon kay Madam Cynthia.

“Napakabait na bata at napaka-down to earth. May mga kuwento pa nga na para na lang sa aming dalawa. Ha! Ha! Ha!” Nakakaintrigang sabi pa ng aming matalik na kaibigan. ‘Yun na.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Direk Cathy Garcia-Molina, high school crush ang bagong BF!

Leave a Reply

Your email address will not be published.