Direk Carlo Caparas, artist talaga sa bagong movie

GISING NA GISING ang pagiging artist ni Carlo J. Caparas sa latest movie niyang Pangarap Kong Jackpot Trilogy na idinirek niya.

All-star cast ang movie, kasama rito sina Eddie Garcia, Manny Pacquiao, Jake Cuenca, Mark Herras at Megan Young.

“Nakita n’yo si Manny Pacquiao bilang boxer. Ngayon naman, makikita n’yo si Manny bilang dramatic actor,” say ni Direk Carlo sa presscon kamakailan. Masu-surprise nga raw ang fans ng boxing champ  dahil ibang Manny ang kanila mapapanood.

Anyway, ka-join din sa movie ang dalawang anak nina Direk Carlo at Donna Villa na sina CJ at Peach.

Gustong pasalamatan ng couple ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sumuporta sa nasabing movie project bilang bahagi ng 75th anniversary ng PCSO.

Tampok sa trilogy ang Sa Ngalan ng Busabos na pinagbibidahan ni Manny Pacquiao; Hiwaga ni Lolo Hugo na si Eddie Garcia ang nasa lead role; at Hawak Kita, Hawak Mo ‘Ko starring Jake Cuenca and Megan Young.

Nakakatulog pa rin nang mahimbing si Direk Carlo kahit na binabatikos siya ngayon dahil sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga National Artist ng bansa. Ang nakakatawa sa detractors niya, kinukuwestiyon ang kanyang pagiging artist, as if wala siyang napatunayan. Eh, mas achiever pa nga si Direk Carlo kaysa sa kanila. Ha! Ha! Ha!

by Alex Brosas

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5563 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.