Direk Bobot Mortiz, masyadong lumalaki ang pamilya

Bobot-MortizLUMALAKI NA masyado ang pamilya ni Direk Bobot Mortiz, dahil limang Kapamilya comedy shows na pala lahat ‘yon.   Mayaman ang utak talaga nitong si Direk Bobot at ‘yung mga youngstars of today ay galing din sa kanyang Goin’ Bulilit.

Ang naturang kiddie show ay 9 years nang namamayagpag sa ere; ang kanyang Luv U naman ay two years na ring nagpapakilig sa mga kabataan; ang Banana Nite na gabi-gabing nagpapangiti bago ka matulog ay isang taon na pala at ang Banana Split Extra Scoop ay limang taon nang weekly ay nagbibigay-aliw sa atin.

At siyempre, ang pinakabagong sitcom na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ay laging number one sa primetime Sunday, kaya me rason kumba’t nagse-celebrate ang mga comedy shows ng ABS-CBN.

Nakakatuwa ding nagmana rin sa kanyang husay sa pagdidirek ng comedy ang mga anak niyang sina Direk Frasco Mortiz at Direk Badjie Mortiz na pawang mababait din tulad ng kanilang ama. Walang kaere-ere at nananatiling humble.

Congrats, Direk Bobot, at sabi nga ni Kuya Boy Abunda, “Ikaw na!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Direk Bobot Mortiz, masyadong lumalaki ang pamilya

Leave a Reply

Your email address will not be published.