Director sa DTI, Patuloy na Inirereklamo (Una sa 3 Bahagi)

NOONG NAKALIPAS NA buwan ay nailathala namin ang tungkol sa isang director ng DTI na isinusuka ng kanyang mga tauhan.  Ito ang Executive Director ng Product Development and Design Center of the Philippines (PDDCP), isang ahensiyang teknikal ng Department of Trade and Industry  (DTI).

Ang reklamo ng mga empleyado ay umabot na sa tangapan ng DTI Secretary. Bilang hakbang ng DTI, nag-utos ang DTI Secretary ng isang audit sa PDDCP. Kasabay ng nasabing kautusan ay ang pagsasailalim kay Myrna M. Sunico, Executive Director ng PDDCP mula sa administrative supervision ng Undersecretary for International Trade at ang pananatili ng mga empleyado sa kanilang posisyon o walang personnel movement at mananatili ang status quo sa nasabing tanggapan habang ginaganap ang DTI Audit.

Subalit sa kabila ng nasabing kautusan, si Executive Director Sunico ay patuloy na nagpapakita ng kawalang takot at lantarang pagsuway sa kautusan ng nakatataas sa kanya sa pamamagitan ng patuloy na pang-aabuso sa kanyang posisyon samantalang ang mga empleyado ay tahimik na umaasa na ang DTI Audit ay magbubunga ng mabuti para sa kapakanan ng mga empleyado ng PDDCP.

Isa sa mga hayagang pag-abuso ni Director Sunico sa kanyang kapangyarihan ay ang ginawa niyang pagsusumite sa DTI  ng plans and programs ng PDDCP gayundin ang kanilang Milestone at Performance Contract  para sa 2011 ng walang isinagawang agency planning o konsultasyon sa mga empleyado at Execom members ng ahensiya. Kung susuriin ang nasabing isinumiteng dokumento ni Director Sunico karamihan sa nilalaman nito ay wala at ang iba ay taliwas sa mandato ng nasabing ahensiya at kung ito ay rerepasuhin ng DTI, ito ay tuwirang makaaapekto sa regular na pagbibigay-serbisyo sa mga MSMEs, na siyang direktang kliyente ng PDDCP.

Abangan sa susunod ang ilang pang-aabuso umano ni Director Sunico sa kanyang posisyon na inirereklamo ng mismong kanyang mga tauhan.         (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.