Director sa DTI, Patuloy na Inirereklamo (Ika-3 sa 3 Bahagi)

ISA PANG HALIMBAWA ng pang-aabuso ni Myrna M. Sunico, PDDCP sa kanyang puwesto bilang Executive Director ng Product Development and Design Center of the Philippines (PDDCP), isang ahensiyang teknikal ng Department of Trade and Industry (DTI), ay ang hindi pagbibigay-importansiya at lantarang pambabastos sa mga empleyado nito.

Hindi pa nakuntento ang abusadong director, makalipas ang dalawang araw, bigla siyang nagpatawag ng meeting sa nasabing division. Habang ginaganap ang kanilang meeting, bigla na lang siyang sumigaw sa harap ng mga staff.

Kanyang pasigaw na sinabi sa taong tinanggal niya bilang OIC ng division na iyon na “Excuse me, I want the table vacant!” Sabay turo sa table ng taong tinanggal niya bilang OIC. Pasigaw pa niyang ipinagmalaki sa mga staff na siya ang personal na magbibigay ng instruction sa nasabing division.

Dahil sa takot ng mga staff, nagmadali silang ilipat ang table ng da-ting OIC sa ibang lugar at dali-dali silang naghanap ng table at inilagay sa puwesto na hinahangad ni Director Sunico.

Pagkatapos mataranta ng buong staff, hindi ito ikinatuwa ng director dahil ang gusto daw niya ay ang table ng dating OIC at may pagmamalaking sinabi sa mga staff na “I am a Director and I need a big table,”

Nang mga oras na iyon, ang staff ng nasabing division ay nakaramdam ng harassment at takot sa iniasal ng nasabing director.

Ang pinagtatakahan ng mga empleyado ay kung bakit pinag-iinteresan pa ni Executive Director Sunico ang table ng dating OIC, samantalang bilang director ay may mas malaki at mas maganda siyang table sa kanyang sariling silid. Tanong ng mga empleyado: Kinakailangan ba talaga niya ng dalawang malalaking table o gusto lang niyang patunayan na siya ang makapangyarihan at masusunod sa ahensiyang ito?

Sa kasalukuyan ang mga emple-yado ng PDDCP ay patuloy na umaasa na isang araw ay may kinauukulan na kikilos upang matigil na rin ang pang-aabuso ng director na ito. Ang kanyang ginagawi bilang Executive Director ng PDDCP ay taliwas sa panawagan ng Pangulong Aquino noong siya ay manumpa sa harap ng publiko at sabihin sa taong bayan: “Kayo ang boss ko!” Na taliwas sa nagaganap sa PDDCP, dahil sa ahensiyang ito, hayagang ipinababatid ni Director Sunico sa mga empleyado na, “Ako ang boss n’yo!” (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.