Director sa DTI, Patuloy na Inirereklamo (Ika-2 sa 3 Bahagi)

ISA PANG HALIMBAWA ng pang-aabuso ni Myrna M. Sunico, PDDCP sa kanyang puwesto bilang Executive Director ng Product Deve-lopment and Design Center of the Philippines (PDDCP), isang ahensiyang teknikal ng Department of Trade and Industry (DTI), ay ang hindi pagbibigay importansiya at lantarang pambabastos sa mga empleyado nito.

Isang araw nagulat na lang ang mga empleyado ng ahensiya na may magaganap palang strategic planning workshop para sa PDDCP. Si Director Sunico ay nag-imbita ng kanyang selected participants mula sa labas ng ahensiya para mag-participate sa nasabing planning workshop. Dahil ang kanyang liham-imbitasyon na ipinadala sa kanyang selected participants ay walang nakasaad na specific agenda o activities kung kaya’t ang ilan dito ay hindi rin nakadalo. Mabibilang sa daliri ng kamay at paa ang mga dumalo sa nasabing gawain. Sa araw din mismo ng nasabing activity, saka lamang nalaman na mga technical staff ng PDDCP na sila pala ay kasama rin daw, ni wala man lamang official na paanyaya o memo sa mga empleyado. Pakiramdam daw ng mga staff ay pampadami lang sila ng bilang ng mga tao sa nasabing activity.

Ang hindi pa katanggap-tanggap sa nasabing planning workshop ay ang personal niyang pag-hire ng consultant at workshop facilitators na hindi na dumaan sa proseso ng gobyerno para sa pagha-hire o contract of services. Mas ninais pa ng director na ito na gumastos ng libu-libo para sa isang araw na activity na kung tutuusin, kung ito ay napagplanuhan at napaghandaan nang tama ng isang project team, hindi na kinakailangan gumastos ang ahensiya nang malaki at maga-gamit pa sana ang pondo para sa ibang pro-jects o pagbibigay serbisyo-publiko. Pero dahil ito ay kanyang personal na activity at plano, kung kaya’t kung ano ang gusto niya, ito ang nasunod.

Karagdagang paglalarawan ng pang-aabuso ni Director Sunico sa kanyang posisyon ay ang pag-alis niya sa isang senior technical staff bilang Officer-in-Charge (OIC) ng isang division nang walang due process.

Isang hapon, bigla na lang nakatanggap ang kaawa-awang empleyado ng office order na siya ay tinatanggalan na ng designation bilang OIC ng kanyang division. Hindi man lamang nagbigay ang mapang-abusong director ng tamang panahon upang makapaghanda at makapagpulong ang senior technical staff na ito at ang kanyang team sa ganitong biglaan pagbabago o change of leadership. Ang katawa-tawa pa sa nasabing office order ay ang pagtatalaga mismo ng nasabing director ng kanyang sarili na mag-supervise sa nasabing division.

Abangan sa susunod ang konklusyon ng ulat na ito tungkol sa pang-aabuso umano ni Director Sunico sa kanyang posisyon na ini-rereklamo ng mismong kanyang mga tauhan.  (Pinoy Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.