Director Paul Soriano has to wait 3 more years before tying the knot with gf Toni Gonzaga

 

TONI GONZAGA AND longtime boyfriend Direk Paul Soriano have been together for four years kaya marami ang curious if they already have marriage plans. Tumitindi pa ang isyu dahil sa mga forecast na may matatanggap daw ngayong taon si Toni na wedding proposal.

Kung tutuusin, wala namang problema dahil boto ang kanilang pamilya sa kanilang relasyon. Toni’s father, Mr. Carlito Gonzaga, prays na magkatuluyan silang dalawa.

Ilang tulog na lang ay June na, ang buwan ng kasalan. Hindi pa ba wish ni Toni na sana ay maglakad na rin siya patungong altar as a June bride? Muling inulit ni Toni ang kanyang sinabi noon sa isang interview that they still have to wait for three years before getting married. Alam daw ni Direk Paul na ang ideal age of marriage niya is 30 years old. “27 pa lang ako so, maghihintay pa ako ng three years para ma-enjoy ko naman iyong mga opportunities na dumarating ngayon,” paliwanag ni Toni.

Kamakailan ay nagsalita rin si Direk Paul tungkol sa isyu when he was interviewed by The Buzz on the set of Star Magic’s Station ID shoot na siya ang direktor. “She wants three years then three years I’ll wait. I pray every night that she’s the one I’ll spend my life with. I think we’ve invested four years of our lives together – through the tough times and the good times and we’re still here together happy as ever. I definitely pray three years later it’s us. If she says three years then I’ll wait. Siya ang boss, eh.”

Bilib ako sa tibay ng relasyon ng dalawa. They are an amazing match. Direk Paul loves Toni so much that he’s willing to wait for her kahit abutin pa ng tatlong taon ang kanyang paghihintay. Pero sabi nga ng isang kasabihan, kung may tiyaga may nilaga. Ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa at masaya sila kapag magkasama.

Sinasabing gusto raw nila sa Taytay ganapin ang kanilang kasal. “Taytay is like a second home to me. If she wants to get married in Taytay, we’ll get married in Taytay. I’ll leave the wedding to her. Just tell me what time, where and I’ll show up. For me talaga the wedding is about her. I’ll just be there,” Direk Paul said.

Sinagot din ni Direk Paul kung totoo ang balita na nagpapatayo na siya ng bahay para kay Toni. “Am I building a house for her? No, not yet. That’s definitely something in my future plans.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

18 thoughts on “Director Paul Soriano has to wait 3 more years before tying the knot with gf Toni Gonzaga

  1. Nakakatawa naman ang iba rito. Nagpalit kunwari nang username pero ang avatar, pareho rin.

  2. ANG GUWAPO NI DIREK PAUL. ARTISTAHIN TALAGA. MAY PINAGMANAHAN NAMAN. BAKIT AYAW MAGARTISTA ? COMPLETE PACKAGE NAMAN SIYA. TAMA SI TONI. MAGHINTAY MUNA AT HUWAG PABIGLA BIGLA SA PAGPAPAKASAL. AT AGREE AKO SA TAYTAY ANG KASAL PARA NAMAN MAPANOOD NANG MGA FANS. HUWAG LILIPAD NANG . . . .INDIA. . ., OK !

  3. Huy, in fairness tumabo sa takilya yung TUMae ha. may second run nga eh sa Rica theater sa Pasay Taft. Sigurado lalagyan ito ng singit na x-rated

  4. Tama si Tum-ba Tum-ba, father Tropa. Ikaw si Mariel. Galing mo pa ring manginsulto dahil sa INGGIT. . . .

  5. perfect Christian couple… ^_^ i like their upbringing… pefect for each other. . . hayyyyyy…

  6. Cute din sana iyong kay Robin at Mariel kung papayag si Robin na magkaanak sila. Anyway, Fr. Tropa, hindi off topic ito dahil ang point ni Sarah Geronimo ay ang pagiging gentleman ni Paul kumpara kay Robin. Sana naman respetuhin rin ni Robin si Mariel dahil kabata bata pa, kalbaryo na.

  7. Nakakainggit naman ang dalawang ito. In love na in love si Paul kung willing maghintay. Ang ganda ni Toni at guwapo ni direk. Siguradong cutie pies ang mga babies nila.

  8. my hats go off to paul. must be painful for him to wait 7 years before toni will even sleep with him! must be torture, especially when he sees those beautiful legs everyday! 

  9. Huy Paul, wag mo na intayin yang si dokleng iwanan mo na yan sayang ka 3 years daw. Hanap ka na ng iba.
    Ano ba yung comment kay Robin parang off topic dito

  10. Sayang. Sana man lang, maambunan nang konting pagka maginoo si Robin Padilla. Kawawang Mariel. Napanood namin ang interview niya. Tinanong kung may balak sila ni Mariel na magkaanak in the near future, Sabi niya, saka na,. Marami na siyang anak. Nang tanungin kung napaguusapan nila ni Mariel ang pagkakaroon nang anak. Ang sagot ni Robin, napaguusapan pero HINDI NIYA INI-ENTERTAIN . Nagulat kaming lahat sa sagot ni Binoe. Galit na galit ang lola namin. Salbahe raw at walang galang sa babae. Maski sa harap nang camera, walang galang kay Mariel at hindi niya binigyan nang importansiya ang damdamin nang asawa. LOLA, RELAX LANG. MATATAUHAN RIN SI MARIEL.