Diplomatic Posts sa Middle East, Babalasahin ng DFA

NANGAKO SI Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert Del Rosario nang malawakang revamp sa mga diplomatic post ng Pilipinas sa Middle East.

Ito’y sa gitna umano ng pagkakadawit ng ilang opisyal ng embahada at personnel sa umano’y “sex-for-fly” scandal.

Una rito, personal na humarap sa kalihim ang apat na Pinay overseas workers para patunayan ang alegasyon laban sa mga opisyal ng embahada.

Sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na halos magkakapareho ang naging testimonya ng mga Pinay na nagbunyag sa naturang sex trade scheme.

Partikular na tinukoy sa nasabing reklamo ng overseas Filipino worker (OFW) ay ang pang-aabusong sekswal ng Philippine labor official na nakabase sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nitong nakaraang linggo, walo pang ambahador ng bansa sa Gitnang Silangan ang pinauwi ni Del Rosario para tumulong sa ginagawang pagsisiyasat.

Inihayag ni Asec. Hernandez na tutulong na rin sa fact-finding investigations ang mga consular officials mula sa Saudi Arabia, Qatar, Oman, United Arab Emirates, Bahrain, Egypt, Libya at Lebanon.

Samantala, una nang pi-nabalik ng bansa ni Del Rosario sina Charge d’Affaires Nestor Padalhan mula sa Syria, Ambassador Olivia Palala mula sa Jordan at Charge d’Affaires Raul Dado mula sa Kuwait, matapos idawit ni party-list Rep. Walden Bello sa kanyang expose ang ilang embassy personnel sa nabanggit na mga bansa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.