Dinukot na midwife, nailigtas na

MAKARAAN ANG DALAWANG buwan sa kamay ng kanyang abductor, nasagip ng mga awtoridad ang isang midwife na dinukot ng mga armadong lalaki sa Indanan, Sulu.

Kinilala ang biktima na si Evangelin Taversima na dinukto noong Agosto 3.

Ayon kay Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao, Director Felicisimo Khu, nailigtas si Taversima dakong ala-6 ng umaga kahapon sa Brgy. Kuppung sa bayan ng Indanan.

Nabatid na naglunsad ng joint operation ang mga tauhan ng Indanan municipal police, Sulu provincial police forces at civilian volunteer organization sa pangunguna ni Indanan Mayor Sarippuddin Jikiri.

Sinabi ni Khu na makalipas ang ilang minutong pagmamatigas ng mga kidnapper, nagsitakas ang mga ito at iniwan ang biktima.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.