Dinukot na binatilyong kano, nakatakas sa Abu Sayyaf

NAKATAKAS ANG 14-anyos na Amerikanong si Kevin Eric Lunsmann mula sa pagkakabihag ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Barangay Bolingan, Lamitan, Basilan.

Ayon kay ARMM Police director, Chief Supt. Bienvenido Latag, nasa kustodiya na nila si Lunsmann makaraang makatakas sa mga kidnapper.

Natagpuan ang biktima Sabado ng gabi.

Ayon naman kay AFP-Western Mindanao Command spokesman, Lt. Col. Randolf Cabangbang, nakita ito sa Barangay Bulingan sa Lamitan City.

Hindi naman matiyak ni Cabangbang kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng biktima.

Matatandaang dinukot si Lunsmann kasama ang kanyang inang si Gerfa Yeats Lunsmann at pinsang si Romnick Jakaria noong Hulyo 12 sa Tictabon Island.

Pinakawalan si Gerfa noong Oktubre 2, gayundin si Jakaria noong Nobyembre.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.