Dinukot na Bata, Natagpuan sa Laguna

ISANG 8-TAONG gulang na bata na hinihinalang dinukot sa Maynila ang natagpuan sa San Pedro, Laguna kamakalawa ng gabi.

Nanghihina at inaantok pa nang matagpuan ng isang kawani ng Philippine Air Force sa Sampaguita Ave. ang batang si Danica.

Batay sa salaysay ng bata, taga-Maynila siya at anak nina Junie at Norminda Elosentales pero isinama umano siya ng isang lalaki hanggang sa nakatulog at inabandona sa natu-rang lugar.

Agad itinurn-over ang bata sa mga opisyal ng barangay na ipinasa naman sa kustodiya na ng San Pedro, Laguna Police.

Sinabi ni Police Supt. Chito Bersaluna, officer-in-charge ng San Pedro, Laguna PNP na hinala nila ay kinidnap ang bata para gawing miyembro ng sindikato.

Nananawagan ang mga awtoridad sa magulang o kaanak ng bata na maki-pag-ugnayan sa kanila para makauwi na si Danica.

Samantala, ipapasuri rin siya sa doktor bago ilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.