Dinugo nang i-pap smear
Virgin na GRO, nagreklamo

INIREKLAMO NG isang guest relations officer (GRO) ang isang nurse sa Social Hygiene Clinic sa Aklan Provincial Hospital matapos umano siyang piliting i-pap smear kahit sinabi nito na siya ay virgin pa.

Sinabi ng GRO na nagngangalang “Nene”, nagtatrabaho sa isang night club sa Barangay Bulwang, Numancia, Aklan na dinugo siya ma-tapos gamitan ng nurse ng spectrum na ipinasok umano sa kanyang ari para sa pap smear procedure.

Matapos indahin ang pagsakit ng kanyang ari ay itinuloy pa rin siyang i-pap smear ng nurse at pagkatapos ay niresetahan lamang siya ng gamot dahil sa pagkakaroon umano nito ng infection, ani Nene.

Bagong recruit pa lamang siya kung saan noong Nobyembre siya dumating sa Aklan, paliwanag pa ni Nene.

Matapos nito, sinupladahan daw siya ng nasabing nurse kasama ang iba pang GRO.

Samantala, nilagnat umano siya matapos ang naturang pap smear.

Parang natatakot naman umano ang GRO na bumalik sa nasabing clinic dahil sa insidente.

Ngunit wala umano siyang magagawa dahil required sa kanilang trabaho na sumailalim sa pap smear linggo-linggo upang mabigyan ng pink card.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.