Dingdong met Marian’s whole family?

MALAPIT NA PALANG matapos ang Telebabad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at pinag-uusapan na nga ngayon na si Marian na raw ang gagawa ng Darna.

Wala pa namang alam si Marian dahil hindi pa raw siya sinasabihan ni Wilma Galvante kung ano ang susunod niyang gagawin. Ang pagkakaalam ko lang, wala munang project na pagsasamahan silang dalawa ni Dingdong.

Ang sabi naman ni Dingdong nu’ng last taping day nila ng Tadyang, meron daw siyang malaking project na gagawin pero saka na raw niya sasabihin kapag sure na sure na talaga.

Si Marian naman, naghihintay lang kung ano ang susunod niyang gagawin sa GMA 7. Kung sakaling Darna na nga, paghahandaan daw niya ito nang husto. Siyempre seksi-seksihan siya dapat diyan, dahil naka-two-piece ang costume ni Darna.

Marami nang nakapansin ng sobrang closeness nina Dingdong at Marian pero wala pa silang inaamin kung sila na talaga.

Basta say naman ni Dingdong, hindi naman daw nila itatago kung talagang meron na. Pero siyempre, sa mga kilos pa lang nila, kailangan pa bang itanong iyan?

Wala naman daw tinatanggap na manliligaw ngayon si Marian at si Dingdong naman ay hindi nail-link kung kaninong girl at si Marian lang, kaya ano na nga ba ang ibig sabihin niyan?

Naikuwento nga ni Dingdong na nu’ng nakaraang Holy Week, dinalaw raw niya si Marian sa bahay nito sa Cavite at nag-enjoy raw ito sa menudo na niluto ng lola ni Marian.

Tamang-tama, nandu’n daw ang iba pang kamag-anak ni Marian at may tita siyang dumating galing Espanya, kaya naipakilala niya si Dingdong.

Sabi ng aktor, nang makilala niya ang buong pamilya ni Marian, doon daw niya lalong nakilala ang ka-loveteam niya. Siyempre lalo niyang minahal, ‘di ba?

Kinikilig lang si Marian at nakikita na sa mga mata nito kung ano ang naramdaman niya kay Dingdong.

Nakikiusap naman pala si Marian na huwag na itong intrigahin kay Carla Abellana, ang bagong talent na ginu-groom ng GMA 7.

Hindi maiwasang intrigahin sila dahil pareho silang galing ng La Salle. Itong si Carla ay La Salle Benilde at cum Laude pa, samantalang si Marian ay La Salle Dasmariñas pero wa honor! Sabi naman ni Marian, hindi naman isyu iyon at huwag na raw sanang intrigahin sila ni Carla.

Isa pa nga si Marian sa nag-welcome kay Carla at nu’ng nakaraang trade launch ay nagkakilala raw sila. Nagpa-picture pa nga raw si Carla sa kanya at naikuwento raw nitong avid follower daw noon si Carla ng Marimar niya.

Abangan na lang ang pagtatapos nitong Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at siguro mababalitaan naman natin kung si Marian na nga ba ang gaganap na Darna.

Malalaman din natin kung kanino susunod ipa-partner si Dingdong.

PHOTOS COURTESY OF LOLIT SOLIS
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Kuha ang mga litratong ito nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa last taping day ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Previous articleManny’s War: The Battle of East and West
Next articleFocus: Away, Away, Away na ‘to!

No posts to display