Dingdong dating Marian while he was still with Karylle?

HINDI NA KAMI magtataka kung isa sa mga araw na ito, ang stand-up comedian na si Vice Ganda naman ang hantingin ni Rustom Padilla alyas BB Gandanghari para talakan dahil nilait-lait ang pagkatao niya lalo na sa istilo ng pananamit at ang kontrobersyal na pagkuha niya ng modelling course sa New York City.

Ayon sa maanghang na salita ni Vice Ganda, “Kumuha siya ng modelling course sa New York para saan, to pursue a modelling career? Ang tanda na niya, sinong kukuha sa kanya? Eh, nu’ng pinaglakad naman siya bilang modelo, e, ang pangit niyang maglakad? Pati pananamit niya, ang baduy, wala siyang fashion sense, siguro dapat ipahiram ko sa kanya (BB) ang stylist ko.”

To be fair with Vice Ganda, may punto naman talaga siya dahil nga expected ng lahat kay BB na kumuha nga ng modelling course sa ibang bansa, eh, dapat sossy na ang mga damit niya at kung paano siya kumilos at kung anik-anik pa, eh, wala naman daw nabago at halata na raw ang edad niya.

“At saka bakit lagi siyang naka-bandana, sarado naman ang bintana sa eroplano, ‘di ba? Bakit nu’ng dumating siya, eh, naka-bandana siya?” Dagdag pa ni Vice Ganda.

Sobrang naloka kami sa mga pinagsasabi ni Vice Ganda at dahil sobra siyang naloloka kay BB, isasama raw niya sa script niya sa nalalapit niyang show sa Metro Bar, West Avenue na may titulong Vice Ganda: Queen of Hearts sa February 13 at 14 with special guest, Jay-R Siaboc.

SOBRANG CRUSH PALA ni Pauleen Luna si Richard Poon at nagpapatulong nga raw ang GMA talent kung paano makikilala nang personal ang tinaguriang ‘Michael Buble of the Philippines.’

At dahil nagso-show din si Pauleen, dream daw niyang makasama sa isang show o concert si Richard maski na wala siyang talent fee basta magkasama lang sila at may duet pa?

Nagulat kami nu’ng i-tsika sa amin ito dahil parang hindi naman ganito ang pagkakakilala namin kay Pauleen, na hindi vocal sa mga nagugustuhan niya. Pero naisip naming posibleng totoong patay na patay siya kay Richard dahil tsinito ang singer at tsinito rin ang ex-boyfriend ng aktres na si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Kaya sa 1 for 3 4 U show ni Richard sa Zirkoh Greenhills sa Sabado (February 7), aabangan namin si Pauleen kung manonood siya at sabay na rin naming ipakikilala sa binatang single pa rin sa edad na 30.

NAKATANGGAP KAMI NG mensahe tungkol kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, “Halatang hard sell naman ‘yung pakilig-kilig nina Dingdong at Marian sa Showbiz Central nu’ng Linggo. Sinadya nilang ibuking na Yummy at Daddy ang tawagan nila para sa promo ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, kasi ang makakatapat nila ay Tayong Dalawa na number one serye ngayon ng ABS.

“Bakit hindi inamin ni Dingdong at Marian kung kailan talaga ang eksaktong date na naging sila? Bakit hindi nila aminin na may relasyon palang sina Dingdong at Karylle, eh, nagkakamabutihan na sila ni Marian?” Sabi ng isang source.

“Alam ba ni Karylle na habang ka-date niya noon si Dingdong sa Promenade, Greenhills, eh, pinasundo na ni Dingdong si Marian para dalhin sa bahay niya sa Cubao?

“At after ng date nina Karylle at Dingdong, nagmamadaling umuwi na si Dingdong dahil naghihintay sa kanya si Marian sa bahay niya? Kaya kung pansinin mo, masyado na silang relax sa isa’t isa, halatang hindi lang loveteam at MU ang relasyon nila.”

Ang tanong, apektado pa kaya si Karylle sa isyung ito, eh, mukhang masayang-masaya na siya ngayon sa piling ni Christian Bautista?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

loading...

18 thoughts on “Dingdong dating Marian while he was still with Karylle?

  1. hi,mariane i lyk u kc natural ugali mo at prangka luv ka nmin d2 sa nagoya jpan ur so pretty kcng pretty ko hehehehe we luv mr

  2. hello! leave dingdong and marian alone…they look good together and cant you see they are perfect for each other! tantanana na yang sulutan issue na iyan…sa totoo yan ang kacheapan na issue! IT TAKES TWO TO TANGO! hindi naman asawa ni dingdong si karylle no kya kung si marian man ang napili nya over karylle wala na magagawa si karylle doon at lalong hwg tayo makialam lahat!!!

  3. Si Marian Baliw……aagawin din sa kanya si dingdong ng iba, tulad ng ginawa niya kay karylle..tatanda rin siya, mas maraming bata at mas maganda sa ginagalawang mundo ni dingdong…..at si dingdong marami pang babaeng makikilala sige dong mag-explore ka lang….laspagin mo si Marian…..lalake ka naman walang mawawala sa iyo…….sa bandang huli babalik at babalik ka rin kay Antoinette….

    • baka bibg mo sabihin e nakarma si karylle sa pagiwan ni dong sa kanya…frnds si K at Antonette Taus b4 nung umalis ng bansa si AT don naman pumasok ang relasyong DD at K…o di ba mas masagwa? kasi kaibigan ni K si AT……

  4. Fuck buddy lang cla dingdong and Marian.. Wlang relasyon kz nagsimula lang sa tawag ng laman… kaya comprtable na cla sa mga love scenes nila…

    Pang kama lang c Marian ni Dingdong at hindi pangseryosohan! Kaht magabang pa cia di cya papatusin at seseryosohin ni dingdong…

    eh di sana matagal ng cla!! at sinseryoso na yan ni ding dong… hello layo naman karylle at Marian…. para sa mga taste ng gf ni dingdong noh!!

    kawawang Marian! Magaabang ka lang…

  5. yama_sake, so okay lang sayo na manulot ang mga babae ng mga kahit may asawa na? ALL IN THE NAME OF LOVE? My god! Bakit pa naimbento ang kasal?!

  6. richard g forever, hindi manunulot si marian. ipinaglaban niya lang ang feelings niya kay dingdong kahit alam niyang may nyowa pa ito…ganyan talaga pag umiibig, ginagawa ang lahat makuha lang ang object of love no…

  7. Haler Andrea Almazan, ang artista ngayon hindi lang umaarte. Modelo rin sila ng kabataan. Kaya nasa lugar ang mga tao dito para laitin si Marian! Dapat lang hindi siya tularan, lalo na gaganap siya ng Darna. magiging idolo siya ng mga bata. Paano na yan? Idolo nila manunulot ng lalake? TSK TSK

  8. Wala naman sa pinag-aralan ang ikina-sisikat ng artista.. kaya nga artista ang tawag sa kanila dahil magalilng umarte.. Kung educational background ang tinitignan ninyo ang basahin ninyo ay ang annual book nila sa alma mater nila at hindi sa mga magasin. May natapos na edukasyon o wala basta magaling mai-deliver ang pag-arte nila ay sulit ang paghanga ninyo… Pangit man ang ugali nila sila na ang magdadala nuon.. kayo itong nanggagaliiti sa galit.. sila naman ay panay ang smile lalo na sa harap ng mga fans..kayo ang pumapangit at nai-stress…

  9. Pintas kayo ng pintas sa mga artista, ano ba ang tingin ninyo sa sarili ninyo… Mga artista iyan, maganda o pangit basta nabibigyan ng kaligayahan ang mga nanonood. Kayo pa nga ang gumagastos para lang sumikat sila, tapos pintas kayo ng pintas.. hindi na kayo makuntento na nasisiyahan kayo sa magandang pag-arte nila, at least sulit ang ibinabayad ninyo sa sine at sa kuryente para mapanood sa tv at ma-satisfy kayo sa pag-arte nila.

  10. nka graduate na kuno pero la nman sa kilos at gawa. bitter na kung bitter c k, at la nga sa kagandahan ni marian.. pero ang kgandahan,.. nawawala pagtanda. ang ugali at tamang asal, pinag aralan ay habambuhay.

  11. maganda nga si marian pero wlang breeding!! mas may appeal pa din ang babaeng edukado kesa sa babaeng mukhang lumaki sa kanto!

  12. No lies

    Right! Hindi lang mas maganda si Marian, she’s totoong tao rin, has a bubbly personality and malambing pa.
    Who would’nt be in love with her, kung naging lalaki ako I will choose her over K.

Leave a Reply

Your email address will not be published.