Dingdong dating Marian while he was still with Karylle?

HINDI NA KAMI magtataka kung isa sa mga araw na ito, ang stand-up comedian na si Vice Ganda naman ang hantingin ni Rustom Padilla alyas BB Gandanghari para talakan dahil nilait-lait ang pagkatao niya lalo na sa istilo ng pananamit at ang kontrobersyal na pagkuha niya ng modelling course sa New York City.

Ayon sa maanghang na salita ni Vice Ganda, “Kumuha siya ng modelling course sa New York para saan, to pursue a modelling career? Ang tanda na niya, sinong kukuha sa kanya? Eh, nu’ng pinaglakad naman siya bilang modelo, e, ang pangit niyang maglakad? Pati pananamit niya, ang baduy, wala siyang fashion sense, siguro dapat ipahiram ko sa kanya (BB) ang stylist ko.”

To be fair with Vice Ganda, may punto naman talaga siya dahil nga expected ng lahat kay BB na kumuha nga ng modelling course sa ibang bansa, eh, dapat sossy na ang mga damit niya at kung paano siya kumilos at kung anik-anik pa, eh, wala naman daw nabago at halata na raw ang edad niya.

“At saka bakit lagi siyang naka-bandana, sarado naman ang bintana sa eroplano, ‘di ba? Bakit nu’ng dumating siya, eh, naka-bandana siya?” Dagdag pa ni Vice Ganda.

Sobrang naloka kami sa mga pinagsasabi ni Vice Ganda at dahil sobra siyang naloloka kay BB, isasama raw niya sa script niya sa nalalapit niyang show sa Metro Bar, West Avenue na may titulong Vice Ganda: Queen of Hearts sa February 13 at 14 with special guest, Jay-R Siaboc.

SOBRANG CRUSH PALA ni Pauleen Luna si Richard Poon at nagpapatulong nga raw ang GMA talent kung paano makikilala nang personal ang tinaguriang ‘Michael Buble of the Philippines.’

At dahil nagso-show din si Pauleen, dream daw niyang makasama sa isang show o concert si Richard maski na wala siyang talent fee basta magkasama lang sila at may duet pa?

Nagulat kami nu’ng i-tsika sa amin ito dahil parang hindi naman ganito ang pagkakakilala namin kay Pauleen, na hindi vocal sa mga nagugustuhan niya. Pero naisip naming posibleng totoong patay na patay siya kay Richard dahil tsinito ang singer at tsinito rin ang ex-boyfriend ng aktres na si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Kaya sa 1 for 3 4 U show ni Richard sa Zirkoh Greenhills sa Sabado (February 7), aabangan namin si Pauleen kung manonood siya at sabay na rin naming ipakikilala sa binatang single pa rin sa edad na 30.

NAKATANGGAP KAMI NG mensahe tungkol kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, “Halatang hard sell naman ‘yung pakilig-kilig nina Dingdong at Marian sa Showbiz Central nu’ng Linggo. Sinadya nilang ibuking na Yummy at Daddy ang tawagan nila para sa promo ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, kasi ang makakatapat nila ay Tayong Dalawa na number one serye ngayon ng ABS.

“Bakit hindi inamin ni Dingdong at Marian kung kailan talaga ang eksaktong date na naging sila? Bakit hindi nila aminin na may relasyon palang sina Dingdong at Karylle, eh, nagkakamabutihan na sila ni Marian?” Sabi ng isang source.

“Alam ba ni Karylle na habang ka-date niya noon si Dingdong sa Promenade, Greenhills, eh, pinasundo na ni Dingdong si Marian para dalhin sa bahay niya sa Cubao?

“At after ng date nina Karylle at Dingdong, nagmamadaling umuwi na si Dingdong dahil naghihintay sa kanya si Marian sa bahay niya? Kaya kung pansinin mo, masyado na silang relax sa isa’t isa, halatang hindi lang loveteam at MU ang relasyon nila.”

Ang tanong, apektado pa kaya si Karylle sa isyung ito, eh, mukhang masayang-masaya na siya ngayon sa piling ni Christian Bautista?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

2 thoughts on “Dingdong dating Marian while he was still with Karylle?

  1. hay naku makati talaga ang marian na yan! d ba 7 years na nyang boyfriend yong kahihiwalay palang na bf nya? sa seven years na yon ang dami ng nangyari..may anak na nga cya d ba? aminin!!!!

    kaya nasulot sa landi nya si DD kasi sanay na sanay na ang babaeng yan! yon na!!