Dingdong Dantes was offended by staff of Mel Tiangco’s show?

NAPAMURA PALA TALAGA si Dingdong Dantes dahil sa matinding galit nang pakia-laman ang mga bagay sa kanyang sala nang mag-set ng interview ang isang show ng GMA News TV.

Nagulat ang actor nang makita niyang nabago ang ayos ng kanyang sala matapos itong pakialaman ng staff ng GMA-7. Sa tindi nga raw ng galit ng actor ay bigla itong napasigaw, napamura at kinuyumos ang kanyang kamao. Na-shock nga raw ang lahat ng GMA staff na naroon. Bigla silang tumahimik. Never daw kasi nilang nakita nang ganoon si Dingdong na kilalang matimpiin at hindi kailanman nagpakita ng galit.

Iyan ay kuwento sa amin ng isang GMA insider na naroon ng mga oras na iyon kaya hindi n’yo kami maaakusahan na nag-imbento.

Wala pa ang host ng programa na siyang mag-i-interview kay Dingdong noong mga oras na iyon at hindi na ito tumuloy pa sa bahay ng actor dahil alam niyang mainit na talaga ang ulo ng dyowa ni Marian Rivera. Ayun, na-cancel tuloy ang

taping.

Nagtataka lang kami, bakit ba pinakialaman ng staff ng GMA ang mga gamit ni Dingdong sa sala at inayos ito ayon sa kagustuhan nila? Sino ang nag-utos na gawin nila ito? Aba, kung parati nila itong gagawin na hindi alam ng kanilang iinterbyuhin ay talaga ngang magagalit ang artistang bisita nila.

Naiintindihan namin ang inasal ni Dingdong. Siyempre, talagang nakakainit ng ulo na ang mga bisita mo lamang ay makikialam sa design ng iyong sala gayong hindi naman ito ipinagpaalam sa iyo. Any which way we look at it, kawalan iyon ng respeto.

Bakit hinahayaan ng GMA na mangyari ito sa isang katulad pa man din ni Dingdong na prime ar-tist nila?

Sabi sa amin, nakausap naman si Dingdong ng host ng programa. Nag-sorry rin ang staff ng show na nakialam sa ayos ng sala ng actor.

Dapat lang, ‘no!

Eh, ano ba ‘yung show na nakialam sa bahay ni Dingdong? Ano pa kundi ‘yung Powerhouse hosted by Mel Tiangco.

Teka, bakit nga ba walang report ang GMA tungkol sa issue na iyan? Akala ko ba wala silang kinikilingan, walang pinoprotektahan? Bakit parang nagkaroon ng news blackout ang istoryang ‘yan?

 

NAKAKALULA PALA ANG naitalang rating ng last episode ng Mara Clara. Ang last episode kasi nito ay nakakuha ng 43.4%  sa National ratings of Kantar Media. Sa household rating naman ay naka-32.2% ito samantalang 18% naman ang naitala nito sa People ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila households.

So, natalbugan, kung ganoon, ng Mara Clara ang show ni Marian Rivera sa kabilang istasyon.

Teka, ‘di ba ang sabi ng defenders ni Marian ay hindi na raw nagbibigay ng 40% ratings ngayon at nagsimula raw ito nang magka-Ondoy at nang maging very active na ang TV5.

Now that Mara Clara got a whopping 43.4% rating, ano naman kaya ang masasabi ng mga Marianitas?

 

BLIND ITEM: MAY bago na naman daw apple of the eye ang tibong network executive na ito. Of course, nasa network niya ang kanyang bagong pinagpapan-tasyahan. Isa itong young actress na hindi naman kagandahan kundi maputi lang.

Ang tsika sa compound ng pinagrereynahan (pinaghaha-rian?) niyang network ay unti-unti nang nagpaparamdam ang tibo sa aktres na medyo hurting ang drama ngayon.

Kung totoo ito, hindi kami magtataka kung biglang bumongga ang career ng hitad na na-disillusion kamakailan dahil sa kanyang naudlot na proyekto. We will not be surprised kung maging kabi-kabila ang proyekto ng aktres na ito dahil nga sa kakaibang pagtingin sa kanya ng tiborsyang network executive.

Teka, paano na ang aktres na sinasabing hawak din ng lesbian na ito? Does this mean na wala na siya sa eksena?

Well, siya pa rin naman daw ang dyowa ng tomboy na ito. Kumbaga, reserve lang ang young actress para hindi ma-zero ang love life ng lesbian network executive.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

28 thoughts on “Dingdong Dantes was offended by staff of Mel Tiangco’s show?

  1. kung 50 half truths ang sinusulat ni alex bakit more than 5,000 ang nagview ng story na ito. tanga ka talaga eye of the tiger. bakit di mo sagutin kug bakit may newsblackout ang gma sa pakikialam nila sa gamit sa bahay ni dingdong. isa kang malaking IDIOT!. bakit hjindi nila itanggi ang istorya kung hindi totoo. kasi nga totoo. ganon lang naman yon bayarang eye fo the tiger.

  2. SIMONTAE, mas magaling talaga ang GMA in all aspects……….itapon mo na sarili mo dun sa ABS compound dahil sigurado ako basura ka

  3. mga kapamil-yucks talaga, basta gulo at iskandalo, kailangan ay news sa kanila. sa GMA kasi, hindi ginagawang big deal kapag nagkakaroon ng misunderstanding among talents, di tulad sa dos. palibhasa sa kapamil-yucks, kabitan ng tomboy na directora at artista nila, kailangan news, bading na executive na nag-aalaga at humahada ng mga male talents, news, bataan ng mga gay at bisexual na talents, news, bading na matinee idol na nangsyo-syota ng babae, news. Iyan ang kapamil-yucks, basta iskandalo at baho sa bakuran ng dos, BIG NEWS, at kailangan ay bino-broadcast.

  4. panahon pa ng hukbalahap tong kwentong ito, wala ka na bang ibang maisip na isulat at pati ung pinaglumaan n eh kinalkal mo pa, may maisulat ka lang, nakakahiya ka….

  5. halatang nagpakawala ang gma ng mga tauhan nilang bayaran para mag-comment. grabe. itago ba ang katotohanan. bakit di nyo itanggi kung gusto nyo. nakakaawa naman kayo. wala kayong paninindigan.

  6. naku eye of the tiger. kaw na lang kaya ang magbalita. di ba aso ka ng gma 7. halatang taga gma-7 ka naman eh. kawawa ka naman. tuta ng siyete! hahahaha. magkano? hahahahahaha. i pity your soul. imagine, binenta mo ang iyong kaluluwa sa gma. hahahahaha

  7. kung balitang ALEX malamang twisted ito. heheheh….. 50 percent ng sinusulat nitong si alex half truth. ilang beses ng palpak itong mga reports mo ALEX. tsk..tsk..

  8. hay kawawang Dingdong! pati bahay pinakialaman. tsk tsk. news blackout!!!! good yan sa image ng GMA7. para laging playing safe sila. wag na ilabas ok lang yan. :)

  9. matagal na nga ang issue na ito, pero ang issue rito bakit hindi nga binalita sa showbiz talk show ng gma akala ko ba walang kinikilingan, walang pino protektahan bakit ng ang staff ni mel tiangco ang damay naging blind item at hindi man lang nareport sa balita at sa star talk at SC,
    MALIWANAG NA MAY KINIKILINGAN SILA, hehehe lumabas din ang tunay na kulay ng gma SERBISYONG DI TOTOO

  10. si mel kc, insecure yan kay korina dati kaya lumipat yan sa gma. nataranda walang ganda nyan nung i-announced ni mar roxas na kakandidato siya as PRES dati kasi si korina pwede maging ferst leydeh! hahahaha

  11. baka sila ang gumawa ng issue kasi sila mismo ang gumawa noon. sinulat lang ng writer. ano ang problema mo. kapag binastos ka ng kasamahan mo saka mo sabihin yan. inutil ka pala eh. ang writer di gumagawa ng issue. ang mga artista ang gumagawa ng issue. meron ding mga network na gumagawa naman ng issue at gimik para mapag-usapan. isa kang hunghang!

  12. angel locsin

    new beau ay si biance manalo

    tibo executive malou santos
    mayroon din isang actress na lesibian, bea a. pero dyowa ng assistant director.

  13. hindi lang to last month…………. matagal ko na tong nabasa… namention na si DD pero yung show eh naka BI…. so now ko lang nalaman na mel tiangco show yun….pero super luma na to!!

  14. at pikon talo… this year nga ng pilot ang powerhouse pero ung issue ng writer luma na po… eh taped na po ang powerhouse FYI.

  15. old news na yan mr. writer napagusapan na noong unang panahon pa… pambihira naman mga reports mo sobrang, sobrang luma? wala ka na bang makuhang bago?
    its not really a big deal kaya di na kailangang palakihin pa yan… gumagawa ka pa ng issue eh patay na ang issue.

  16. b.i.
    di kagandahang young actress, maputi lang, may naudlot na proyekto, na hurting ang drama (katatapos lang ng break-up kay jake cuenca) = melissa ricks?
    tiborciang netwrok executive = malou santos?
    aktres na hawak din ng lesbian exec = angel locsin?
    hmmm….

  17. si Melissa Ricks ba ang bagong apple of the eye? 
    sino kaya yun tibo na tv executive? i dont want to think it’s miss charo santos ha! 

  18. hoy tanga. wala pang powerhouse last year. this year lang ang gma news tv. last year ang tawag sa kanila q tv. noong february lang ang pilot episode ng powerhouse ‘no. my god. how idiotic can you get. halatang halata ang katangahan mo. ikaw ang bilasa palibhasa galing ka yata sa fishkill. for your information and proper education, last month lang nangyari ang issue kay dingdong. jusko, sinalo mo lahat ng katangahan. di ka yata nakapag-aral. kawawa ka naman. napakaidiot mo. wag mong ikalat ang katangahan virus mo

  19. hoy alexis bilasa na tong kwento mo, last year ko pa nabasa ang blind item na to ke dingdong, ano ba yan? kung wala ka nang mahagilap na bagong kwento, e di mag-imbento ka na lang! ay wag, wag ka na lang magsulat, hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.