Dingdong Dantes, walang ‘k’ na best actor?!

OLA CHIKKA! NOONG Sabado ay ginanap ang 24th Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Resorts World Manila, Newport City sa Pasay. With a total of 53 awards, 28 ang naiuwi ng ABS-CBN habang 15 sa GMA, at ‘yung iba ay napunta sa TV5, Net 25, UNTV 37, QTV 11 at Studio 23.

Sa lahat ng awards, isa sa pinakamaraming nagtaas ng kilay ang pagkapanalo ng Kapuso star na si Dingdong Dantes bilang Best Drama Actor for TV. Pinataob niya ang acting skills nina Jericho Rosales, John Estrada & Sid Lucero (Dahil May Isang Ikaw), Coco Martin (Kung Tayo’y Magkakalayo), Gerald Anderson (Your Song: Isla) at Piolo Pascual (Lovers in Paris). Wala ngang sinabi ang ito sa Stairway to Heaven ni Dingdong, kaya siya ang nagwagi para sa kategoryang iyon.

Marami ang nagtaka kung bakit siya ang nanalo samantalang napakagaling nilang lahat at mga sikat na sikat pa. May mga nagpo-post sa Twitter sa tabloid sa internet na nagkukuwestiyon sa pagkapanalo ni Dingdong. Ngunit para sa akin, hindi natin basta-basta bale-walain ang kanyang talent pagdating sa pag-arte, dahil ilang teleserye at pelikula na ang kanyang pinagbidahan na talaga namang pumapalo sa rating.

Nitong nakaraan lang nabahiran ng bad image ang career ni Dingdong nang maging jowa itong napakaprangka niyang girlfriend na si Marian Rivera. Huwag na nating ibalik ang past ni Dingdong, pero marami talaga ang nagalit kay Marian matapos lumabas ang balitang siya ang pumalit kay Karylle na ex-girlfriend ni Dingdong.

No offense kay Marian pero tingnan n’yo naman, naging Best Drama Actor for TV siya sa teleserye niyang Stairway to Heaven kung saan si Rhian Ramos ang kanyang kapareha. Makes sense, ‘di ba?

Mukhang umuusbong ang career ni Dingdong nang wala sa piling ng kanyang jowa, dahil mayroon na naman siyang bagong teleserye sa Kapuso Network na pinamagatang I Heart You, Pare kasama ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez. Mukhang mas marami pang awards ang maiuuwi ni Dingdong sa mga susunod na panahon. Kaya let’s wait and see na lang!

At hindi lang iyan! Si Dingdong ay isa rin sa mga nominees sa 15th Asian Television Awards sa kategoryang Best Performance by a Drama Actor. Bonggascious, ‘di ba! Hindi lang pang-‘Pinas ang karisma at talento niya, maging hanggang ibang bansa umaabot na rin. Go Dingdong! Make our country proud!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong multi-talented male personality na hindi lang kilala sa kanyang talent kundi maging sa kanyang natatagong lihim ay nasisiwalat na rin?!

Ang chikka kasi ng aking parazzi girl, nakasama niya itong si male actor sa isang shooting at amoy na amoy niya ang hindi magandang amoy ni actor. As in sa kabila ng kanyang kaguwapuhan, nagtatago ang masangsang niyang amoy. Yuck! Turn off!

Ngunit hindi lang iyan, dahil habang tumatagal ay lumalala ang situwasyon ni aktor dahil hindi lang sa katawan, maging bibig niya ay hindi na rin kaakit-akit ang amoy! Shocks! May BO na, bad breath pa. Tsk tsk tsk!

Kilala n’yo na ba siya? MULTI-TALENTED ACTOR. Gets?!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 – 12:00 nn, upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30 – 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

20 thoughts on “Dingdong Dantes, walang ‘k’ na best actor?!

  1. kayo talaga bakit galit na galit kayo kay aswarding? bakit naman kasi sineseryoso nyo yung mga sinasabi nya? may kredibilidad ba yan para maapektuhan kayo ng husto sa mga write ups nya? tignan nyo ng ayung hitsura nyan kung dapat patulan yan? kapag nagsuntukan kayo nyan lugi kayo kasi wala ng masisira jan eh..ang match ay si aswarding at cristingle fermin kasi parehas silang sabog ang mukha… ahahhahahaha ahahahhaha ahahahhaha

  2. ya I don’t get it either. I have seen some of the episodes of stairway at wala namng amazing s acting n DD

  3. I watched all the shows na sinabi ng writer and nakita ko umarte yung mga nominees. Siguro ang malaking factor din ng pagkapanalo ni Dingdong is yung program, kasi maganda yung Stairway to Heaven and malakas. Iba nga ang acting ni Dingdong dito. Gulat nga ako eh, kasi kita mo sa facial expressions niya yung emotions. Yung last show niya with Marian (forgot the name) his acting wasn’t really good. Natabunan siya ni Dennis and although alam ko naman ang ending..I was still rooting for Dennis’ character..hahha! Dapat nga ata sa iba naman ipareha si Dingdong, distansya muna kay Marian and vice versa para both of them can learn from others and also develop their acting skills na iba ang pareha. Kasi kapag silang dalawa parang wala lang..kampante na kasi sila sa isa’it-isa at parang they don’t give enough acting. Obserbasyon ko lang iyon :)

  4. DingDong door bell vs Richard dah murderer? Ay sus DingDong siyempre! Just because sikat sa pananakot ang moneyger/nanay ni Richard eh magaling siya sa acting? SUS! Pareho sila ni Aljur Abrenica walang ka expre-expresyon sa acting. Mukha ka pa ring amateur Richard–parang hirap magsalita!

  5. GOSH! si Dingdong nanalo???! ni hindi nagbabago yung mukha kung miiyak o tumatawa. This is reaaly F*CKED up.

  6. hala kahit anong sabihin nyo, time na ni Dingdong na magshine talaga noh!!!!! Excuse me lang ha, Dingdong is one of the best actors now a days, kung ayaw nyo sa kanya, hwag nyo syang sisiraan, Mga writers talaga na to, mag lalagay na nga ng heading eh puro pa mga negative, pagdating talaga kina Marian and Dingdong puro mga nega ikinakabit kahit ultimo sa mga headings naku, isa lang talaga ibig sabihin nito, mga detractors talaga kayo ng Dong Yan!!!!!OMGoks lang tabloids nga ito hehehe. Pero alam naman natin na sila talaga mga sikat ngayon, NAMAN!!!! THE FACT NA MARAMING INTRIGA, THAT’S THE ONLY TRUTH NA SIKAT-NA SIKAT NGA SILA, KASI SILA LANG ANG NAKIKITA NILA…..HAY NAKU TALAGA NAMAN OH…….

  7. TANGINA mo swarding na mukhang naaagnas na bangkay dahil insecure na insecure sa kagandahan ni Marian dahil alam nyang ni kalingkingan ni Marian hindi nya maabot!! bwahahaha!! baklang aswang!!pwede ba kung pupurihin mo si dong eh di purihin mo!! pero wag na wag mong sasabihan ng kung ano ano tungkol kay Marian!! alam naming bakla ka,insecure,nabubulok ang ugali,walang kwentang writer ecc…pero sana naman wag mo ng ilantad kasi base sa paninira mo kay Marian lantad na lantad ang pagiging INSECURE na bakla mo eh!!bwahahahaha!! take note: maaaring nanalo si dingdong ng hindi kasama si Marian….pero sya ang dahilan at naging inspiration ni Dong para makuha yon!! at isa pa: yun bang babaeng nakapareha ni Dong na nagngangalang (RHIAN) eh nakakakuha ng award??!! hindi naman ah!! so ano pang silbi ng dahilan na nanalo si Dong na iba ang leading lady kung yung kapartner nga nya dun (Rhian) eh hindi marunong umakting!!

  8. hindi ako agree sa pagkapanalo ni dong, dahil mas maramng magagaling na actor, siguro nagkabayaran kaya nanalo.

  9. magtaka kayo kung si piolo ang manalo sa LOVERS IN PARIS na nakakatawa ang pinaggagagawa nila dun ni KC, lalong lalo na yang si KC malasadong umarte. tama lang na si dingdong ang manalo napakagaling niya sa stairway to heaven.

    • May balak daw ang ABSCBN gawin ang “Lesbians in Paris 2″ kesyo daw nag hit daw sa masa. Naku kinikilabutan ako!!!

  10. winner sya dun sa stairway to heaven!
    kasi hindi nya kasama c marian.
    pag kasi kasama nya c marian puro pacute lang cla!

  11. i agree!
    wala pa syang “K” na best actor
    hindi pa sya gnun kagaling umarte kahit matagal na sya sa showbiz…
    i think mas deserving un mga kalaban nya for best drama actor!

  12. ay,oo nga pala no!hindi napansin ang talent ni dingdong sa mga drama series nya with marian pero nang ipareha cya ni rhian,panalo agad ang acting nya!well,parang mhahawa ka kasi kpag baduy umakting ang kaparaha mo lyk marian!

  13. mga panget na baklang writers at mukhang aswang na gaya ni cristy fermin ang mga super nega kay marian, bitter sa kanilang mga pamumukha..