DINGDONG DANTES VS. RICHARD GUTIERREZ: Sino ang pinaka-swak kay Vice Ganda?

Dingdong Dantes, Vice Ganda and Richard Gutierrez

ALMOST six months pa lang bago dumating ang Metro Manila Film Festival 2018 ay pinaguusapan na kung sino ang mga kalahok sa naturang December kaganapan.

Yes, sina Coco Martin at Bossing Vic Sotto ay gagawa ng pelikula intented for the MMFF 2018.

At si Vice Ganda, ay hindi rin pahuhuli dahil parang pangako na niya sa mga bata na kahit busy siya ay may gagawin siyang pelikula bilang regalo sa kanila tuwing Kapaskuhan.

From the grapevine, usap-usapan na dalawa ang pinagpipilian kung sino ang bagong magiging leading man ng ‘Unkabogable Box-Office Superstar” kung si Dingdong Dantes or si Richard Gutierrez.

Si Coco kasi na nakasama na niya before ay si Bossing Vic ang ka-tandem sa gagawin nilang pelikula para sa MMFF 2018.

Sa kaso ni Vice, pinagiisipan ng mabuti kung sino ang akmang-akma para makapartner ng host-comedian sa gagawing pangregalo niya sa mga bata.

Balita namin, nakarating na kay Dingdong ang balita na isa siya sa pinagpipilian.

Sa kaso ni Richard, I just don’t know kung okey ang estado niya.

Kung fan-based supporters, mas malaki at mas malawak ang suporta ng mga fans ni Dingdong, lalo pa’t ang mga DongYan fans ay always andyan to supporter their idols.

Balita namin, this July na magsisimula ang shooting ng pelikula.

As soon as we get the final details kung sino ang magiging kapartner ni Vice sa pelikulang gagawin  niya intented for the flilmfest ay ibabalita namin kaagad.

Para sa akin, kung pwedeng sina Dingdong at Richard para sa project, why not? Mas bongga na ang Vice Ganda, dalawang good-looking leading men ang makakasama sa pelikula pelikula niya.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “DINGDONG DANTES VS. RICHARD GUTIERREZ: Sino ang pinaka-swak kay Vice Ganda?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.