Dingdong Dantes, trainer ni Marian Rivera sa Darna!

NGAYONG ARAW NA magsisimulang mag-taping ang Darna ni Marian Rivera, pero bago ‘yan, nagkaroon muna sila ng workshop kasama ang ibang villainess na sina Iwa Moto bilang Valentina at ang iba pang kontrabida na sina Nadine Samonte at Krissa Mae Arietta na pumalit kay Isabel Oli.

Excited na siyempre si Marian pero ang isa pang excited ay si Dingdong Dantes na tumutulong sa bagong Darna ng mga stunts na gagawin nito.

Nu’ng nagkaroon nga ng trade launch ang GMA-7, si Marian ang finale at rumampa nang naka-Darna costume.

Marami ang nakapansin na mas magaling kumilos si Marian kesa kay Angel Locsin. Kahit athletic nga si Angel, iba raw ang movements ni Marian na parang sanay na sanay na sa fight scenes.

Sabi nga nila, bukod sa training na ibinibigay ng GMA-7 kay Marian, tumutulong din si Dingdong at tutok raw ito sa training ng dalaga.

Kaya mukhang lantaran na ang relasyon ng dalawa at sabi nga ni Marian, hayaan na lang daw sila sa ganu’ng sitwasyon. Ibigay na raw natin sa kanila ‘yun ni Dingdong, huwag na raw silang kulitin kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.

Sa Agosto na magsisimula itong Darna at inaasahang babalik ang sigla ng primetime Telebabad ng GMA-7.

Hindi nga gaanong maganda ang pagsisimula ng Rosalinda, pero unti-unti naman itong tumataas lalo na’t lumabas na si Carla Abellana.

Ang Adik sa ‘Yo naman, masaya na ang takbo ng kuwento kaya pataas nang pataas na rin ang rating nito.

Pero tingin ko lang diyan, babawi nang husto GMA 7 ‘pag nagsimula na ang Darna ni Marian.

PAGKATAPOS LUMABAS NI Mommy Dionesia Pacquiao sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, ang dami nang mga programang tumatawag sa kanila para i-guest ito.

Kuwento ng talent coordinator ng isang variety show, tumawag daw ito sa handler ni Mommy Dionesia para imbitahing mag-guest ang ina ni Manny Pacquiao. Ipinasa raw nito kay Mommy Dionesia ang telepono at kinausap raw nito ang talent coordinator.

Naloka ang TC dahil sinabihan daw siya ni Mommy Dionesia na celebrity na raw siya at hindi raw siya basta-basta nagge-guest sa TV shows, dahil marami pa raw siyang gagawing commercials.

Bongga ang lola n’yo, ‘di ba?

Feel na feel na raw kasi ni Mommy Dionesia ang pagiging celebrity mom, pero ayaw naman daw niyang mag-showbiz. Sobrang maintriga raw ang showbiz kaya okay na raw siya sa mga commercial na ginagawa niya.

In fairness naman kay Mommy Dionesia, tatlo na yata ang na-shoot niyang commercial at malapit na itong i-launch.

Meron pa raw ibang interesado pero bongga na yata ang presyo ng ina ni Manny Pacquiao.

Anyway, ang unang produktong ilu-launch ni Mommy Dionesia ay isang matamis na pagkain at kasama niya rito ang buong pamilya ni Manny.

Meron pa siyang sabong panlaba at isang food supplement. Kaya sabi nga niya, kahit hindi na raw siya humingi ng datung kay Manny. Pero sey naman ni Manny, magbibigay pa rin siya sa kanyang ina.

Sey rin ni Mommy Dionesia, gagastusin daw niya sa mga apo niya ang kikitain niya sa mga commercial.

Related Post

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5294 stories on this site.

loading...

One thought on “Dingdong Dantes, trainer ni Marian Rivera sa Darna!

Leave a Reply

Your email address will not be published.