Dingdong Dantes, solo flight!

Hanggang ngayon, hindi pa rin siguro matanggap ng bonggang-bonggang DongYan fans na hindi na muna magsasama sa telebisyon ang kanilang peyborit tambalan in town – ang Dingdong Dantes-Marian Rivera team-up. Nagsimula bilang sina Sergio at Marimar at nagtapos naman bilang sina Homer at Proserfina. Sa ngayon, napagdesisyunang magkanya-kanya muna ang dalawa sa brightest stars ng Kapuso. Kung si Marian ang lulunok ng bato, ano naman kaya ang naghihintay para sa dati niyang katambal na si Dingdong?

Tsika ng aming parazzi chikadora, ito palang si Papa Dingdong ang gaganap sa papel na Cholo sa Pinoy adaptation ng hit na hit na Koreanovelang Stairway to Heaven. Infernezz, nasorpresa ang pogi nating bida nang pormal na ihayag sa SOP na siya na nga talaga ang gaganap na bidang lalake sa Stairway to Heaven. Naturalmente, dahil hindi na si Marian ang makakasama niya, naintriga ang mga chismosang kaparazzi kung sino’ng maswerteng aktres sa Siyete ang ipapares sa kanya. Malakas ang bulung-bulungan na si Jennylyn Mercado raw, huh! Hmm, mag-click naman kaya ang tambalang ‘ire kung saka-sakali? But wait! There’s more! Knows n’yo rin ba na itong si Dingdong pala ang leading man ng komedyanteng si Eugene Domingo sa upcoming launching movie nito? Naku, simula na nga ito ng “paghihiwalay” nina Dingdong at Marian. Ma-miss kaya ni Dingdong ang bagong Darna? Kayo na ang humusga!

Photos by: Parazzi Wires
by Jean Oli

Related Post

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes, solo flight!

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #72

Leave a Reply

Your email address will not be published.