Dingdong Dantes, si Marian Rivera ulit ang gustong makapareha sa susunod na project! – Lolit Solis

OBVIOUS TALAGANG LOVE na love ni Dingdong Dantes si Marian Rivera dahil kahit anong intriga ng mga reporter sa kanila ni Rhian Ramos dahil maganda pa naman ang rating ng Stairway to Heaven, maingat talaga ang mga sagot nito.

Sa presscon ng Family Feud na sisimulan na niyang i-host sa darating na Lunes, tinanong ito ng mga reporter kung pagkatapos ba ng Stairway ay gusto niyang masundan sila ng isa pang project ni Rhian. Sabi ba naman, mas gusto raw niyang magkaroon sila uli ni Marian.

Tingin daw niya, marami pa rin ang nag-aabang sa balik-tambalan nila ni Marian at sana ‘yun daw ang susunod na gagawin nito.

In fairness naman kasi, nabuo ang magandang chemistry nila ni Rhian at nakikita naman sa Stairway. Pero mas type pa rin daw niyang si Marian ang makasama niyang muli. Siguro para safe na lang, ‘di ba? Para wala nang selosan at hindi pa magkaroon ng conflict sa kanila ni Marian.

In fairness naman kay Marian, all-out din ang suporta nito kay Dingdong. Nu’ng first taping ng aktor sa Family Feud, sinamahan siya ni Marian at pati si Richard Gomez na original host nito ay dumating din para magbigay-suporta kay Dingdong.

Sabi nga ni Dingdong, hihingi raw siya ng tips kay Goma kung paano ang magandang timing para halikan ang mga babaeng contestant.

Iyun ang isang gimik ni Goma sa Family Feud na type gayahin ni Dingdong para maging effective din sa mga manonood.

Bongga naman ang araw ni Dingdong kahapon. Ini-launch ito bilang bagong endorser ng National Bookstore at pagkatapos nu’n, may Thanksgiving party ang Stairway to Heaven at kinagabihan ay may maagang pa-party ang management nito na PPL ni Perry Lansigan para sa movie press.

Isa kasi si Dingdong sa nauunang magpa-Pasko sa mga movie press kaya love na love ito ng mga movie press.

MAY MGA MANGILAN-NGILANG nagbigay ng ‘di magandang komento sa paglipat ni Claudine Baretto sa GMA-7.

Sey ng ilan, naghanap lang daw ang GMA-7 ng sakit ng ulo. Pero in fairness naman kay Claudine, siguro bigyan muna siya ng chance na mali ang ibinibintang sa kanya kaya tingnan muna natin.

Excited nga raw siya dahil magkasama na sila roon ng asawa niyang si Raymart pati ang mga kaibigan niya dati sa Dos gaya nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin at Paolo Contis.

Siyempre tinanong na rin kay Claudine kung okay lang ba sa kanya na makatrabaho sa GMA-7 si Mark Anthony Fernandez.
Wala naman daw problema ‘yun at napag-usapan na nga raw nila ‘yun ni Raymart.

May asawa na rin naman si Mark at nakalimutan na nila ang nakaraan nila kaya okay lang daw na makatrabaho niya ito.

Wala pang sinasabi ang GMA-7 kung ano ang gagawin nito. Pero siguro bago siya magsimulang magtrabaho, magpapayat muna siya nang bonggang-bongga, di ba?

Since, nasa GMA-7 na si Claudine, totoo naman kaya ang tsikang balak naman daw lumipat sa Dos ni Sunshine Dizon?

Ang dinig ko, gusto nitong magpa-release sa kontrata niya sa GMA-7, pero hindi yata pinayagan kaya hintayin na lang natin ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

41 thoughts on “Dingdong Dantes, si Marian Rivera ulit ang gustong makapareha sa susunod na project! – Lolit Solis

    • Talaga. . .kailangan na sigurong mag move on na to the next level. . .Mother roles na lang. Kaya naman niya dahil may practice na siya.

  1. sus! uso pa ba yang habhabteam na yan eh halos wala na ngang nanunuod dyan eh, ipartner mo na lang si MR kay Bayani Agbayari, bagay na bagay sila!

    tapos si Dantes naman baka sakaling mag-click sila ni mommy Dionesia, she might save his career

  2. dingdong and marian… AGAIN?! baka matulad sa “ang babaeng hinugot sa aking tadyang”, dahil kung sakali ano na naman ang mga PALUSOT ng mga kapuso kung mag FLOP… AGAIN?! bwahahaha!

  3. Ibang mga love team naman, like melai at jayson ng pbb kakatuwa he he. tama na mg pa-tweetums na love team love team. Matatanda na Dingdong at Marian.

    • Even Regine V got in the act hoping that they can save it. I doubt if the ratings will go up. Darna is beyond help. Wala na. . .huli na. . .

  4. takot lng c dingdong kay marian bka bungangaan xia pag mali ang sagot nia kya super ingat sa pag sagot kung hindi wlang _________________________________? hmmm un na

  5. e2 pang isang mangaagaw oh malditang marian GMA PLZZZ lng hanap nlng kau ng ibang ipartner kay dingdong pag sasawaan din nian ni dong……..

  6. Paano magka-counter offer ang dos kay Claudine, caught unaware sila na lilipat na pala si Claudine.
    masyado kasing naging kampante ang dos na dahil sa kanila na lumaki at naging loyal naman sa kanila si Claudine ( dahil for the longest time, even without a contract, she stayed with channel 2). Si Judy Ann, (same thing with Diether, AiAi, etc.); bago pa mag-expire ang mga contract ay maiingay na lilipat, kaya nakakapag-counter offer ang dos. Ang dos, kung yong mga artista na pinasikat ng ibang istasyon ay atat na atat na pinipirata, eh iyong mga homegrown pa kaya nila ang hindi pigilan (kung may paraan lang silang magagawa). Napaka-inggitero at pinaka unethical broadcasting network ata ang ABS-CBN!!!!!

  7. Matagal nang walang project si Claudine sa ABS. I heard may attitude problem daw. Maldita at Primadonna. so okay lang na lumipat sya. dapat noon pa. kasi kung gusto sya ng ABS hindi sya itetengga ng super tagal na walang project. good riddance.

  8. NAKAKASAWA NA ANG MGA PAGMUMUKHA NG MGA ETO SA TV…ALA NA BANG IBA?ALMOST EVERY HOUR MAY PALABAS ANG MGA ETO!NOTHIN’S NEW!SAME OLD SHIT!

  9. i agree good luck….kasi kay Judy Ann eh nag counter offer sila eh….kahit na ung baklitang manager nya eh walang sinabing maganda sa abs- eh di nila ni let go si Juday. Kasi nasa attitude din yan….I still remember nung mag mura yan sa ASAP…ibig sabihin ganun talaga sya!!!!

    • Puwede na rin sigurong lumipat. Tignan lang natin ang sasabihin ni Alfie Lorenzo. Alfie has the tendency to bite the hands that feed him/her. Kung ayaw niya sa ABS-CBN, bakit hindi sila lumipat nang alaga niya. Takot lang niya. . .

  10. re marian and dingdong: ano pa nga ba? wala na ba ibang ma offer ang GMA? kakasawa na ah. kakauta na.

    re claudine: wish ko lang bigyan ka ng magandang projects ng GMA. Kaso di sila ganon, cost cutting eh. Di na pinagiisipan projects nila.

  11. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

  12. masyado raw kasing pa-primadonna attitude si claudine kaya na-i-inis at na-a-asar kay claudine ang mga staff ng kanyang mga ginawang teleserye sa kapamilya.

  13. He’s taking a big risk. Maliban sa Marimar, lahat nang tele at fanteserye ni Marian ay mababa ang rating. Good luck na lang.

    • heloo, you are wrong. teleserye ni marian ay hit. siguro sinasabi mo ang babae tadyang. pag adult at matured ang teleserye pero okey rin. this is from usa. we still like and love Marian.

      • This is from USA. . .this is from USA. Do you feel the need to convince us that you are really from USA? Most often, those that LIE have to keep repeating themselves. Why do I have a strong feeling that yo are lying and that you live somewhere in Manila. Maybe Tondo ?

      • oi aq nasa america pero active aq sa pinoypaparazzi. kala mo nmn. pkta q p sau pictures q eh. kafal mo ha. gs2 mu mlman address nmin? ipakalalkal mo p IP address q. kalurky ka. sa little manila sa cali at sa filipino community sa new york klala c marian, pti d2 s michigan. kya wg kng eps jn. bsta kme wla kming pkelam smga fans n nagaaway, dhl aq, iilan lng ang gs2 qng artista, ANGEL, MARIAN AT BEA!!period.

      • what’s the difference if you are from USA darling, talo pa kayo ng mga middle East dahil kung bumunut kayo ng dollars sa wallet nyo 1 USA $ pero pag galing sa Middle East 100 USA $. so tigilan na yang from USA na yan. wala namang wawa sa usapin, hindi naman maisama yan sa lintik na rating.

      • baka naman taga tondo ka. taga USA ako pero pagdating sa mga concerts lagi madami tao at pinipilahan talaga. TFC kaya dito sa San Francisco (dami na pinoys dito ha) yung GMA pinoy walanh sinabeeeeeeeeeee

  14. sabi di daw naghihinayang ang abs sa pagkawala ni claudine ano kaya feeling ni clau? basta na lang siya idinispatsa dahil di na siya sikat at pinaglipasan na ng panahon at mas pinili pa ng abs na pasikatin ang mga pirated talents from the other channel.. oh well, may kim chiu na rin kasi! at ang dami pa nilang mga young stars na papasikatin…

    • ewan ko lang.. kung talagang gusto ng ABS na mag stay si CALUDINE e di sana nagcounter offer sila diba? pero hindi nila ginawa kasi ayaw na nila kay Claudine. pabagsak na career niya. good luck na lang sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.