Dingdong Dantes, ready to wed Marian Rivera!

 

VERY PROUD ANG aktor na si Dingdong Dantes na sa ikatlong taon at ikatlong pagkakataon, sa kanya lang nangyari, siya muli ang kinuha ng Men’s Health Magazine para maging cover boy nila para sa June issue.

Now that he’s 31, physically fit, emotionally and financially stable, ito na kaya ang time na maisip na ng aktor ang mga bagay na hindi lang para sa sarili niya kundi ‘yung sa magiging partner niya?

“Naniniwala naman ako na 30s is the time to get married. 31 pa lang naman ako so, meron pa akong nine years para makapaghanda. Kung ready, yes. But still, marami pa ring mga bagay na kailangang ayusin and get my mind focused on.”

Tinanong nga ang aktor kung hindi pa ba nila ito pinag-uusapan ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera?

“Hindi pa naman. We still have commitments to fulfill. Every once in a while nata-touch lang in conversations like this.”

Minsan daw kasi, natanong si Marian kung ilang anak ang gusto nitong magkaroon. Isang dosena nga ba?

“Sabi niya ‘yan, ha? Sige. Ako, sabi ko noon apat lang, eh. Ngayon puwede na ang marami.”

At his status now, Dingdong is looking forward na rin daw to growing old. Masarap daw kasi ang tumanda.

At kaya naman siguro lubusang paghahanda na ang ginagawa niya, pati na ni Marian eh, parang gaya nu’ng sinasabi ng isang kanta na “I Wanna Grow Old With You” ang drama.

 

KARYLLE IS HAVING the time of her life!

Soon, she will embark sa pagkakaroon ng musical, ang The Kitchen Musical, na sa Singapore kukunan. Sabi nga nito, she will be locked up there in a way para nga sa puspusan nilang pag-aaral ng kanilang mga roles in the said musical.

Pero bago siya umalis ng bansa very soon, kung saan mga apat na buwan siya mawawala, natapos muna niya ang shoot naman niya sa London, UK at Amsterdam ng mga video para sa bagong campaign ng Philips, ang “Nigel and Victoria” kung saan si Karylle na ang napisil nilang maging bagong Victoria para sa nasabing campaign.

May rason na si Karylle para hindi na rin mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Minsang nadulas ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla tungkol sa kaganapan sa pagitan nila ng kasintahang bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon.

Pero sabi ni Karylle, wala pa raw siyang planong lumagay sa tahimik. Kung nasaan man ang level ng pagiging close nila for comfort ngayon ni Yael eh, siya raw makikita sa kanyang latest album.

So, nasa liner notes ito?

“You have to read between the lines. Sorry, ha? Wala ba akong kuwentang kausap? Kasi, I couldn’t really define it pa. Hindi ko kasi nilalagyan ng label kung anuman is going on between us. Basta nandu’n siya.”

Isa pang nadagdag sa pag-ngiti ni Karylle ang natapos nang annulment ng kasal ng kanyang mga magulang (Zsa Zsa and Dr. Modesto Tatlonghari), na kung ilang taon din niyang ininda.

“Not naman overjoyed. But of course, happy lang na the healing can start na. Kasi, in speaking terms na rin sila. I’m just happy na when I told my Mom kung pwede lang after ko na maka-graduate niya i-file the annulment, pumayag naman siya. Nakita ko rin how she got devastated with the original plans with her wedding so now, nasasabi ko na I’m happy dahil lahat magiging masaya na rin finally.”

Kaya nga, kahit pansamantala siyang mawala sa bansa, Karylle knows na mawawala na ang agam-agam sa dibdib niya, lalo na sa mga mahal niya sa buhay!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

8 thoughts on “Dingdong Dantes, ready to wed Marian Rivera!

  1. siguro naiinggit kayo kaya nagagalit kayo kung pakasalan man ni dingdong si marian. wala yatang boyfriend itong si MARIAN na nangagaya pa ng pangalan ni MARIAN GRACIA. heheheh.. pangit ito malamang.

  2. I PITY DINGDONG!!!! IT’S THE BIGGEST MISTAKE HE’LL EVER MAKE!!!! CMON, YOU CAN DO BETTER THAN THAT!!!! MARRYING MARIAN RIVERA IS NOTHING BUT A SUICIDE!!!!!

  3. Hala hala! Gusto cguro ng isang toh eh sya ang pakasalan ni Dingdong kaya nagpupuputok ang butsi! Hahahahaha! kalokaaaa!

  4. bagay sila, pareho silang OA. magpakasal na kayo tapos manirahan na kayo sa ibang bansa. wala naman kayo pareho kwenta kung umarte.

  5. ok lang bagay naman sila,pero sana yong pagka mamaldita ni marian bawasan nya,do maganda sya pero nasa loob ang kulo.keep up the good work nlang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.