Dingdong Dantes, ready nang mag-propose ng kasal kay Marian Rivera?!

ISANG BUWANG MAWAWALA ng Pilipinas ang mag-sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa buwan ng Mayo, para sa series of concerts nila with Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa USA at Canada.

Pero bago pa mawala, magsu-showing muna ang romantic comedy film nila under Regal and GMA Films, ang You To Me Are Everything sa May 5 kung kaya’t hindi naman sila mami-miss ng kanilang solid Dongyan fans na miss na ang kanilang favorite loveteam sa big screen.

Noon ay nakunan sila ng Paparazzi sa Singapore na nagsi-shopping at nakaakbay. Ngayon ba’y handa na silang sundan muli ng photogs kahit anuman ang gawin nila sa US at Canada?

“It’s okey, kasi wala naman kaming balak na gawing hindi maganda, e. So kumbaga, kung may makakita kung saan man kami pumunta, okay lang ‘yun. Kumbaga, rock and roll! Ha-ha-ha!

“Iba ‘yun at saka sa ibang bansa pa, bibiyahe kami. Hindi mo alam kung nagtatrabaho ka ba o nagbabakasyon, masaya,” sagot ni Dingdong.

Curious ang fans nila kung may plano na nga ba silang magpakasal, lalo pa ngayon na open na sila sa kanilang relasyon. Nagsalita rin kasi si Dingdong na “gustung-gusto” na niyang magkaanak katulad ng good friend niyang si Paolo Contis.

Baka raw kasi sa ibang bansa pa sila magpakasal nang biglaan?

“Isa siyang sensitive matter para pag-usapan and kung ano man ‘yong gawin namin, responsable naming ita-tackle ang mga bagay. Mahal namin ang Pilipinas, at kung matuloy man ‘yun, dito gaganapin ‘yon, ‘di sa ibang bansa,” seryosong chika ni Dingdong.

“Magkaibang bagay ‘pag nanggaling ‘yong udyok o kaya ‘yong idea from other people, maaaring dahil ‘yon ang nakikita nila o ‘yon ‘yung pananaw nila. Iba rin ‘yong galing sa amin kasi we don’t see things like others do.

“Pero at the end of the day, ang pinakamalakas na senyales o basehan, e, ‘yong tamang panahon, ‘yong tamang pakiramdam. And siguro it will all be based sa isang magandang signal from God and du’n ako umaasa talaga,” saad ng alaga ni Perry Lansigan.

Para kay Dingdong, ang pagpo-propose niya for Marian eventually ay isang seryoso at personal na bagay, kaya feeling niya ay magiging “weird” kung idedetalye niya sa media at sa publiko ang naiisip niyang sorpresa, lalo na’t for sure eh, makakarating ito kay Marian.

“Ako kasi, ‘pag nag-isip ako ng isang bagay, talagang nagiging memorable. Ganu’n na lang, iwan muna natin at that.”

Pero ang latest, patuloy pala ang communication ni Dong at ang ama ni Marian na based sa Spain. Tuloy ay hindi maiwasang kulitin ng entertainment press si Dingdong kaugnay sa proposal at engagement.

Sa latest phone conversation nila ng ama ni Marian, ano’ng pinag-usapan nila?

“Wala naman. Tinanong ko lang kung kelan siya darating. Baka matuloy pa rin naman… Ia-update niya raw kami.”

SINCE NAGSALITA SI Dingdong na type nito ang magka-baby in a responsible manner, natanong tuloy ng press sa You To Me Are Everything presscon si Marian, tungkol sa reaksiyon nito.

“Naku, baby! Siyempre, hindi ko naman sinasabing ayaw ko. Sinasabi ko nga, gusto ko dose kung puwede, ‘di ba? Kasi, solong anak ako, so gusto ko talaga marami. Wala namang problema.

“Mahirap kasing pangunahan mo. Mas maige ‘yung relax, enjoy. At least kung dumating ‘yung point na ‘yun, at least, na-surprise ka, happy ka. Hindi ka nag-expect ng kahit na ano,” paliwanag niya.

May pressure ba sa kanila ni Dingdong dahil maraming tao ang umaasang sila ang magkakatuluyan?

“Ayokong isipin na nape-pressure, siguro matutuwa na lang. Kasi, gusto nila na mangyari sa amin ‘yun, which is gusto rin naman naming mangyari sa totoong buhay, ‘di ba? So, happy kami para sa mga nag-iisip na mga tao para sa amin.”

For feedback, e-mail us at [email protected].

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleClickadora: Mag-ano? (Alex & Toni Gonzaga)
Next articleSugod Shooting: You To Me Are Everything

No posts to display