Dingdong Dantes, quiet lang sa awayang Angelica Panganiban at Angel Locsin!

AYAW RAW magkomento ng mahusay na actor at isa sa lead actor ng  GMA soap na Pahiram ng Sandali na si Dingdong Dantes sa isyu na during the time na ginagawa nila ang pelikulang One More Try ay may away na naganap between Angel Locsin at Angelica Panganiban na lumabas na lang after na maipalabas ang said blockbuster film.

“Well, siguro, ang masasabi ko riyan, while shooting the movie for almost a year, I didn’t see anything para masabi ko na they weren’t in good terms.”

“In fact, ang pinaka-proof na puwede kong mai-share is that, in one of our last scenes, sa Baguio, that was, I think, November and we were complete.

“So, we even had a group shot together and it was Angelica’s birthday, and nagkaroon ng parang sort of nagpakain siya ng midnight and we were all there. They were cool.

“So, para sa akin, I’d like to say na that’s my last recollection of seeing them and seeing us, ‘yung buong cast na masaya.

“So, para sa akin, wala akong iisiping may bahid ng ano. Nun’g time na ‘yun, I didn’t see any problem.”

Ayaw rin daw isipin ni Dingdong na may tensiyon sa dalawang aktres na kanyang nakatrabaho.

“Ako, ayokong isipin ‘yun. Basta ang sa akin, I will always have a good memory of seeing us four together.”

Closed lips at ayaw rin daw nitong magkomento tungkol sa away nina Angelica at Angel, dahil wala naman daw siyang alam tungkol sa issue ng dalawa.

 

BONGGA ANG naganap na cultural presentation ng candidates ng Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search 2013 kasabay ng kaarawan ng CEO/President ng Psalmstre na si Mr. Jaime Acosta na ginanap sa Palladium Club House, Mandaluyong City, kung saan rumampa ang mga kandidato suot ang kanilang very unique at naggagandahang cultural outfit. Ilan sa mga standout sa kani-kanilang kasuotan ang mula sa Cebu, Davao, KSA (Kingdom of Saudi Arabia), Pangasinan, Bohol atbp.

Sa Saturday, Feb. 2, 2013 ng 5 p.m. sa AFP Theater magaganap ang Coronation Night, kung saan nanggaling ang tweenstar at Kapuso artist na si Hiro Magalona, Star Magic talent John Lucas, model Rohama Rearte at beauty queen Muriel Orais na pare-parehong winners ng model search na ito.

Kung dati-rati, nationwide lang ang search na ito ng Olive C, ngayon ay may representative na rin mula sa Middle East na makikipagtunggali sa mga kandidato mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kuwento nga ng CEO/President ng Pslamstre makers of New Placenta, Olive C, atbp. at birthday boy, na mas exciting this year ang mga candidate na galing sa iba’t ibang school sa buong Pilipinas at sa Middle East dahil marami raw sa mga ito ang malaki ang potential na maging artista at mabentang endorser ng mga produkto.

Ilan sa magiging espesyal na panauhin sa Grand Coronation Night ang Mr. Manhunt International 2012 na si June Macasaet, Miss Earth-Air Stephany Stefanowitz, Hiro Magalona, UPGRADE, Teejay Marquez, atbp.

 

BIG FAN pala ni Pop Princess Sarah Geronimo ang pinakabagong heartthrob na si Xavi Cruz. Ayon nga sa guwapitong anak ni Mr. Alex Cruz, bukod sa mahusay na singer si Sarah ay maganda pa ito.

Kaya naman daw given a chance na mabigyan siya ng concert sa future ay gusto nitong maka-duet si Sarah. Ito raw ang gusto nitong maging espesyal na panauhin if ever na mabibigyan siya ng concert.

Dalawa pa sa gustong maka-duet at makatrabaho ni Xavi ay ang kanyang mga iniidolo na sina Martin Nievera at Gary Valenciano, katulad ng kanyang mga idolo, gusto raw makilala ni Xavi bilang magaling na mang-aawit .

Sa ngayon, nag-a-undergo si Xavi sa iba’t ibang workshops, habang inaayos pa ang mga awiting isasama sa kanyang album na ngayong summer daw ilalabas. Most of the songs daw ay ballad, dahil ito ang forte ni Xavi.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.