Dingdong Dantes, puro ‘thunders’ na ang leading lady

HAPPY SI DINGDONG Dantes for his nomination as Best Drama Actor sa Star Awards For Television which will be held at the Resorts World this Saturday, November 13. Ito’y kaugnay ng mahusay na performance niya sa Stairway To Heaven na pinagtambalan nila ni Rhian Ramos.

First acting nomination ito ni Dingdong na sa ngayon ay nahulma na nga bilang isang seryosong aktor. Sa katunayan, marami rin ang pumuri sa naging performance niya sa katatapos pa lang na Endless Love, kapareha ang kanyang real life sweetheart na si Marian Rivera.

Next na gagawin naman ni Dingdong ay ang seryeng pagsasamahan nila ni Regine Velasquez. At magsisimula na raw sila ng taping. Nasa preparation stage raw sila ngayon at ang dami umanong exciting na mangyayari.

Mukhang puro mas may edad sa kanya na parang mga ate na niya ang natotoka ngayong maging partner ni Dingdong.  Dahil bukod kay Regine, magtatambal din sila ni Kris Aquino sa isang pelikula naman.

Natawa si Dingdong bago nakapag-comment. “Nababagay naman sa istorya,” aniya. “Lalo itong gagawin namin ni Regine, ‘yong is-torya, akmang-akma talaga.

“Tungkol sa movie’ng gagawin namin ni Kris, wala pa akong information na masasabi about that. Kasi ‘yong story eh, kini-create pa lang.”

Ang bunso ni Kris na si Baby James, may pauna nang pahayag ng pagtutol sa pagsasama nila ng actress-TV host sa pelikula. Talagang diretsahang sinabi ng bata sa media minsang kasama ito habang ini-interview ang mommy niya na – “I  don’t like him (Dingdong)!”

Of course, hindi dapat seryosohin ang pag-ayaw na iyon ni Baby James kay Dingdong dahil bata nga ito. Pero natanong din namin ang aktor kung ano ang kanyang reaksiyon.

“Naiintindihan ko naman iyon. In fact kung nando’n ako sa posisyon niya, eh… maaaring gano’n din ang sasabihin ko.”

May plano ba siyang i-please o i-PR nang konti si Baby James for the child to understand na work lang naman ‘yong sa kanila ng Mommy nitong si Kris?

“No, I’m sure ano… wala rin kasing naging chance para siguro makasama niya ako o makilala niya ako. And, uhm… I mean siyempre, Bimby (Baby James), he was raised very well, eh. So… I have no objections sa kung anong sinabi niya.”

If in case, nagsimula na ang shooting nila at isinasama-sama ni Kris sa location nila ang bata, will he go out of his way na maging close sila ni Baby James?

“Uhm… hindi naman. Ano naman kasi ako, eh… kung ‘ando’n siya, siyempre, bilang mahilig din naman ako sa bata, kung okey siya sa akin eh, ‘di… puwede kaming maglaro. Rerespetuhin ko naman iyon, eh. ‘Di ba?”

Tungkol naman kay Sam Pinto, hindi pa rin ganap na humuhupa ang pagkakaugnay ng pangalan nito sa kanya. Kahit pa pareho na ni-lang binigyang-linaw na wala namang katotohanan ‘yong mga isyung nagli-link sa kanilang dalawa.

“Isang misteryo pa rin sa akin kung saan nanggaling ang mga ‘yon. Dahil kahit siya (Sam) naman mismo, nagsabi ring hindi totoo, eh.

“’Yong sa Party Pilipinas… nagkita lang kami. Pero ‘yong may mga iba pang detalyeng sinasabi, kakaiba na. So… at least nililinaw ko lang.

“Ni hindi nga kami nagkakausap, eh. Hi and hello lang kami. Kaya nga nagtataka ako kung bakit gano’n.”

Pero totoo nga bang pinagselosan si Sam ni Marian?

“Hindi, eh. Alam din naman niya ang totoo. At saka okey kami. Okey ang relasyon namin ngayon. Kumbaga, masaya kami ngayon. So parang wala rin namang dahilan para magselos. At saka ayoko ring magkaroon ng gano’ng klaseng usap-usapan.

“Nagagamit ako? Well… bukod sa gano’n, mas gusto kong alamin kung saan nanggagaling siguro. Kasi from there, saka mo malalaman kung ano talaga ang objective, ‘di ba?

“Mahirap din namang mag-accuse kaagad, eh. ‘Di ba? I don’t wanna accuse naman.”

Pero the fact na iisa ng manager sina Sam at itong si Bela Padilla na nagkaroon din ng mga maintrigang isyu sa kanila ni Marian, hindi nga maiiwasang isipin ng iba na parang merong gano’ng factor nga ng gamitan.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKaren Davila, walang lulugaran sa Singko
Next articleHunk Actor na Miyembro ng All-Male Group, Bugaw ng mga Young Actor!

No posts to display