Tanda Ba News?: Dingdong Dantes: Prized talent ng Kapuso Network

MODEL, ACTOR, DIRECTOR – ano pa kayang larangan ang gustong suungin ni Dingdong Dantes? Hindi mawawala sa listahan ng mga sikat na aktor natin ngayon ang pangalan niya. Laman din ng iba’t ibang endorsements ang guwapong mukha at matipunong pangangatawan ni Dingdong. Kaya naman isa sa most sought after endorsers and actors ang Kapuso star.

Bata pa lang, paborito na sa commercials si Dingdong. Nine years old siya nang unang makita sa commercial ng isang gatas. Naging miyembro rin siya ng dance group na Abztract. Nu’ng 17 years old na siya, nabigyan ng break sa acting sa teen-oriented show ng GMA-7 na T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado), ang very successful program na nag-launch din sa career nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, at Onemig Bondoc.

Sa TGIS ipinakilala ang character ni Dingdong na si Iñaki. Kasabay ng ‘kilig’ ng mga kabataan noon sa role niya, unti-unti na ring nakilala ang pangalan ng aktor. Dito na rin nabuo ang loveteam nila ni Antoinette Taus – on- and off-screen. Kaya nagkasama rin sila sa mga pelikulang Honey My Love So Sweet at I’m Sorry My Love. Sa telebisyon, marami ang tumutok sa dalawa sa teleseryeng Anna Karenina. Nang magdesiyon si Antoinette na mag-abroad para subukan ang kapalaran niya sa Hollywood, nabuwag ang loveteam nila at nagsimula na ang solo career ni Dingdong.

Taong 2002, sa soap opera na Sana Ay Ikaw Na Nga, ipinareha naman si Dingdong kay Tanya Garcia. Pero hindi masyadong kinagat ang loveteam ng dalawa. Nagkasama pa rin sila sa Twin Hearts noong 2003, pero sadya yatang walang magic ang samahan nila.

Aside from acting and modelling, ipinamalas din ni Dingdong ang husay niya sa hosting. Ilang Binibining Pilipinas pageants ang natoka sa kanya. Ito ang nagbukas ng pinto kay Dingdong para maging host ng reality search ng GMA-7 na StarStruck. Siya rin ang naging host ng suspense-thriller TV series na ‘Wag Kang Kukurap. Napasama rin si Dingdong sa blockbuster movies tulad ng Magkapatid at Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Of course, sino ba naman ang makalilimot kay ‘King Ybrahim’ ng Encantadia? Nabigyan din si Dingdong ng pagkakataon na maging direktor sa TV fantasy series na Atlantika.

Naging talk of the tinseltown naman ang love affair nila ni Karylle. At pinag-usapan nang husto ang naging hiwalayan nila.

Most recently, napanood si Dingdong sa Dyesebel, Marimar, at sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Marian Rivera, at sa pelikulang Moments of Love bilang leading man ni Iza Calzado.

Dingdong is indeed, one of the most prized talents of the Kapuso network.

Click to enlarge.

loading...

3 thoughts on “Tanda Ba News?: Dingdong Dantes: Prized talent ng Kapuso Network

  1. Anung Talent? Hindi nga marunung umarte yang c Dingdong!!! Iba’t-iba eksena pro iisa lng reaction ng mukha, pasalamat cia gwapo cia (noon) dagdagan pa ng issue na “syota” nya c Marian mas lalong walang kakwenta-kwenta. Mas Maganda cguro turuan nya na lng c Marian ng GMRC at ng may magawa nman clang makabuluhan sa mga buhay nla….

  2. Tanya Garcia? ano ng nangyari sa kanya? e di ba isa syadun sa mga pinasikat ng syete na hindi rin naman marunong umarte? wat happened to her na?

Leave a Reply

Your email address will not be published.