Dingdong Dantes plays Zuma in new GMA teleserye

KAHIT NAG-DIE DOWN na ang isyung pagmumura ni Bayani Agbayani sa nakabanggaan niya sa parking lot ng The Fort at napatotohanang minura kasi siya, kaya hinamon lang niya ng suntukan ang isang kasama nang nakabanggaan niyang sasakyan, eh, paano na nga ba?

Maaalis ba ‘yon sa Youtube? Ang alam namin, ang nag-upload lang no’n ang puwedeng magtanggal no’n sa Youtube, pero siyempre, ‘yun na ang pinakaganti ng mga mokong: ang manatili sa Youtube ang madilim na video na ‘yon na nagmumura at naghahamon ng suntukan si Bayani.

Hanggang sa paglaki ng mga anak ni Bayani at marunong na silang mag-internet, makikita nila ‘yon. Kaya ang pinakakonsuwelo na lamang ni Bayani roon, ang magagandang comments at pagdedepensa sa kanya ng mga respondents sa ilalim ng video na ‘yon sa Youtube.

Saka nasa’n na ang mga taong ito? Kung sila’y may puntong ipinaglalaban, ba’t hindi sila lumantad at ireklamo nila si Yani? Ba’t nga ba?

Kasi nga, alam nila sa kanilang sarili na “inisahan” nila si Bayani na walang kamuwang-muwang na ito’y high blood at ang mga kalaban, kunwa-kunwaring maaamong tupa, pero in-edit naman nila ang portion kung saan minura si Bayani, kaya nag-react lang ang komedyante.

Nasa’n na kaya sila ngayon, ‘no? Parang pinerahan lang din nila si Yani ng P6,000 para sa sobrang kapirasong bangga at ginago pa nila sa Youtube.

Kawawang Bayani.

IN FAIRNESS, ANG daming na-curious kay Dingdong Dantes nu’ng malaman ng fans na gaganap itong Zuma sa ipo-produce ni Carlo Maceda, ha?

Juice ko, kinatatakutan si Zuma, pero baka ang ending nito’y maglapitan pa ang mga bading at babae kung ang Zuma naman ay si Dingdong Dantes, in fairness.
Mas gusto nilang (I mean, kami pala–joke!) na matuklaw ng ahas ni Dingdong kesa layuan ito.

Kaso, parang wrong timing naman ang publicity na ito na itinaon pa talaga sa pag-uumpisa ng Zorro ni Richard Gutierrez. Nakita na ng mga tao ang hitsura ni Zorro na nakamaskara.

Mas curious naman ang mga tao na makita si Dingdong na may dalawang ahas sa balikat at kulay green lang ang katawan.

Mabuti na lang at hindi ang GMA-7 ang pagbibintangan sa paglalabas ng release na si Dingdong ang gaganap na Zuma. Or else, maririnig na naman natin ang rumerepekeng tinig ni Tita Annabelle Rama.

But in fairness, huh! Napanood na namin ang Zorro, guwapo si Richard, in fairness again. Hehehe!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa DWIZ 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G! by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Dingdong Dantes plays Zuma in new GMA teleserye

  1. bagay siya talaga kay zuma, perfect role for him, he’s really a replica of zuma laging may bitbit na ahas, go gma!!!

  2. korek ang GMA walang ibang pwedeng ipalabas kundi mga remake kya ayan hindi nag-rate…eh sa ABS-CBN talagang orig ang story hindi remake kung meron man hindi ganun karami di ba?…

  3. Hay naku, in fairness sa supporting cast ng Zorro e superb ang acting. Nakakaloka lang yung bida, iisa ang expression ng mukha kahit nagagalit-umiiyak-nalulungkot-nagugulat….Dapat title nito ZORRI inde ZORRO…. yun lang….

  4. Sa totoo lang ala kwenta etong ZORRO…luma na ang kwento kumbaga gasgas na ang istorya!!!ala na sila maisip na palabas!

  5. Just want to comment on BAYANI AGBAYANIS’ war freak video.Kaya naman siguro nakapagmura yung mga nakaaway ni Yani dahil sa mga paglalait nya aside from na settle nya na eto and yung mga malulutong niyang mura.At baket nung niyaya si Yani ng lalake na sa Crame sila mag kaayusan ng maayos eh instead sinigawan nya etong BAKLA ka…di kaya naduwag lang si Bayani dahil narinig niya yung word na Crame?I hope this is not the end of his career…

  6. kaw ha bat ka nanood ng Zorro ehh May Bukas pa yung show mo tapos yung Tayong Dalawa ehh mas maganda naman dyan sa Zorro…………..Sumbong kita kay Maam Chaaro……..ooyyy………….joke…………Ate Ogs

Leave a Reply

Your email address will not be published.