Dingdong Dantes, pinupuntirya si Sunshine Dizon?! – Ruben Marasigan

DUMARAMI ANG NAGKAKAGUSTO sa paingay nang paingay na tambalan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Pinoy remake ng Korean series na Stairway To Heaven.  Nagiging kapansin-pansin din ang unti-unting pagiging close na ng dalawa na nagiging ugat naman ng intrigang ikinaaalarma naman daw ngayon ni Marian Rivera.

Usap-usapan lately na napapadalas diumano ang pagtawag at pagti-text nitong si Marian kay Dingdong sa araw-araw na dumaan.  Animo’y tsini-check ng dalaga ang bawat galaw ng actor, kung nasaan ito, ano’ng ginagawa, sino ang kasama, etc. etc.

Ewan lang kung gaano rin katotoo ang karagdagang tsismis din na nasagap naming na kahit sa set daw at taping ng Darna kung saan bida si Marian, may mga pagkakataong tila balisa raw ito na parang may kung anong kinababahala o gumugulo sa kanyang isip kaya hirap mag-concentrate.

[ad#post-ad-box]

‘Yong ganda’t kaseksihang iyon ni Marian, makararamdam pa ng insecurity ang actress na baka mahumaling pa sa iba ang boyfriend niyang si Dingdong?

Parang hindi yata gano’n ang pagkakakilala namin kay Marian, huh!

ISANG VERY RELIABLE source naman ang nagkuwento sa amin— hindi raw si Rhian Ramos ang dapat pagselosan ni Marian kung saka-sakali kundi si si Sunshine Dizon!

Si Sunshine daw kasi ang totoong nililigaw-ligawan ni Dingdong Dantes.  Simula’t sapul daw kasi ay very close na ang dalawa and since then ay consistent umano ito sa pagpaparamdam.  Na every now and then ay panay raw ang padala ni Dingdong ng kung anu-anong sweet messages sa dalagang anak ni Dorothy Laforteza.

Yes! Kahit may Marian Rivera nang girlfriend si Dingdong, hindi pa rin daw natitigil sa pagpaparamdam itong si Dingdong kay Sunshine.

“Si Antoinette Taus pa ang girlfriend ni Dingdong, pinupormahan pa rin niya si Sunshine,” kuwento ng aming source.  “Kahit sa panahong si Karylle na ang girlfriend niya, o nito ngang sila na ni Marian ngayon, nagpaparamdam pa rin siya.”

Panahon pa raw kasi ng na magkakasama sina Sunshine, Dingdong at iba pang teenstars sa Viva Films, very close na raw ang dalawa as friends pati ang kani-kanilang pamilya.  Na hindi naman daw nakapagtataka dahil pareho silang taga-White Plains.

Pero kahit madalas daw magpalipad-hangin itong si Dingdong kay Sunshine, hindi umano nagkaroon ng interes ang huli na seryosohin ang panliligaw sa kanya ng binata.  Mas nangingibabaw raw kasi sa aktres ang parang kapatid lang na turing niya rito.

Gano’n pa man, talagang hindi raw paaawat sa pagpaparamdam si Dingdong kahit ilang beses na nagkaroon din ng boyfriend si Sunshine.  Even until now raw talaga.  Text nang text pa rin daw ito ng sweet messages kay Sunshine.  Lalo na raw sa mga sandaling lasing ang actor,  mas nag-e-effort daw itong mag-text ng sweet messages kay Sunshine na deadma pa rin daw kasi nga ay brother ang turing niya rito.

Ang haba ng hair ni Sunshine, huh!  Maging tinik sa dibdib kaya siya ni Darna, este ni Marian?

Hala!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

42 thoughts on “Dingdong Dantes, pinupuntirya si Sunshine Dizon?! – Ruben Marasigan

  1. clikck talaga ang rhian at ding dong.Pero pwede rin ang sunshine at dingdong..GMA 7 sana naman mag experiment pa kayo, try nyo si sunshine kay ding dong.Exciting kung magtambal ang dalawa.pero sana bago yun rhian at ding ulit.tapos try nyo na rin si heart kay ding..hehhhehheh.Sana sa pagbalik ni shine magtambal sila ni ding.we miss u shine.

  2. Mas credible ang ratings ng AGB Nielsen kac hindi cla bias. And Darna ang palagng no. 1. Noong last 2 episodes ng Tayong Dalawa cla ang lamang 2nd lang ang Darna ayon sa AGB Nielsen. So alam nyo na ngayon kaya wag kayong mag rely sa TNS kac sa kanila yan ng ABS-CBN.

  3. SHINE BLIK KNA PO PLEASE…mis k n nmin..sa UNANG HIRIT,SOP,BUBBLE GANG AT TINIK SA DIBDIB….SANA NEXT PROJECT MO,PGBALIK MO TELEBABAD PO ULIT….

  4. SA 22O LNG SOBRANG GUSTO NMIN C SHINE SA TINIK SA DIBDIB…TAAS NG RATINGS HA…NUNG INIWAN NYA…MIS K N NMIN PO…PGLING K HA…THE BEST EVER, MAGANDA,MABAIT, TALENTED…AY SOBRANG TALENTED PLA….LHAT YTA NG ROLES KYA NYA GAMPANAN…HOPE TO SEE YOU SOON ON TV….GET WELL PO…GODBLESS AND MORE POWER TO YOUR CAREER….BLIK K N AGAD HA…..BAGAY KAU NI DONG..,,

  5. Infairness bagay c DINGONG AT SUNSHINE…dati p kya ung issue na un…at take note c shine ang pinakaunang crush ni Dong sa showbiz…D B BONGA….SHINE MIS K N NMIN…get well soon po..BLIK k n AGAD…GODBLESS

  6. HUH LAOS NA SI MARIAN RIVERA! PLASTIC AT TAKLESA! YAN ANG NAPALA NYA MABABA ANG RATINGS NG DARNA COMPARE SA “DAHIL MAY ISANG IKAW”(ECHO AND TIN) AT “LOVERS IN PARIS”(PIOLO AND KC) HUH NUMBER 1 ANG DOS! MANG-AAGAW KA KASI NG BF KAYA MAS MATAAS ANG RATINGS NG TELESERYE NILA “KARYLLE”—VERY BEAUTIFUL INSIDE AND OUT..INTELLIGENT PA,DI TULAD NI MARIAN DI MARUNONG MAG-ENGLISH HAHAHA

  7. wala na bang maisulat ang mga writers kaya gumagawa na lang ng istorya??

    hindi man ako masyadong fanatic ni marian very obvious naman na hindi totoo itooo.

    ANG CHEAP NGA TALGA!!!!

  8. I just want to express my comment regarding about ‘ugali’ issue of Angel Locsin. For the sake of those who have no idea about the ugali of Angel, i am not throwing a judgement to her (because its god’s business not mine) but hope this will be a ‘constructive critism’ coz as far as I knew she has an issue of abortion from the late actor and second is disowning her ‘labandera’ mother and turning her back to the people that mold her etc. This is for everyone information. As a star, millions of people idolized, adore, cherish etc them so they must be careful with their dealings/actions (no one is perfect).

    • ay sus alam na ng buong bayan yan since lumipat siya ng network biglang nagsulputan at araw araw nsa balita me kumalat pa nga kuno sex video e2 masasabi ko sayo tungkol sa nanay niya hindi totoo yan dahil me friend ako na isa sa mga tinatawag na angels ni angel locsin yung nanay niya plagi niyang kasama…yung mga sinasabi mong isyu kulang pa yan marami pa pero sorry nlang mas marami ang naniniwala sa kanya…besides ur a marian fan based from ur comment below so paniwalain mo nalang ang maka-marian at mga taga-kamuning mapapasaya mo sila…2010 na next year ppl magppalit na nman ng presidente…move on

  9. yung mga haters dito akala mo magagaling na sila. tanungin nyo konsensya nyo kung nakakabuti ba sa inyo yung mga pinag sasabi nyo.

    Ang galing manghusga pag sila naman ang hinusgahan daig pa ang ahas na naputulan ng buntot.

  10. ska hello kung hindi umalis c angel sa siete wlang marian rivera ngaun tandaan nyo yan mga marianatics!!pasalamat pa cya kay angel at napansin cya kung hanggang ngaun c angel asa siete pa frozen delight cya hahahaha

  11. kung laos c angel baket napapansin pa rin un kakayahan nya sa pag arte,ska wala sa balat yan wla sa kinis yan asa inner beauty ng tao yan at kung ano tlga ang ugali ng tao!! c angel pure filipina c marian half lng yan kya mejo gumanda ang lahi nya un lng!!!

  12. If this is true that Dingdong is madly inlove with Sunshine Dizon and the pregnancy issue that rapidly spreading, then there is no doubt that Dingdong Dantes is the father. True or not this is a very bad media hype coz not all listeners/readers etc are genious to understand the real story. especially the children that praise and adore him. He will completely loose his wholesome image – he should also take note that he has sisters – playing around with gullible girls will be a life time sufferings. I just hope and pray that she will not play around the innocent heart of Marian Rivera who by serendipity fall inlove with him. Remember a saying that person come to our lives in 3 categories; for a reason, for a season and for a lifetime. A human instinct can predict (if Marian comes to his life as the above or else let her go).
    Marietta from Dubai

  13. d ako maka marian pero reading this article OA. kaya lalong patay ang showbiz industry having this kind of cheap reports.

  14. angel laging iniiwan ng mga lalaki hahah……….baka like nyo si dingdong kay angel?………hay naku…….managinip na lng kayo hinding hinde papatol si dingdong sa bilasa na….bwahahah,,,,,,,type nidd ung maputi at makinis ang balat …di kagaya ng idol nyo puro peklat,,,,,,,,,,,

    • patawa ka nman dapat nga c angel ang partner nya sa marimaw pero di yta feel ni angel kc bka masapawan ang boobs nya ni dingdong, yung mga hunks at hearthrobs sa asap sabi k angel pinapasaya mo kami d2.. ikaw ang managinip ng gising fyi sabi nya sa isang mag interview siya ang ayaw pang mag-work then pagkatpos ng pahinga nya hectic ulit ang schedule nya…yan ba ang laos khit hindi visible sa tv dami pa ring endorsement at in-demand cover ng mga mags at lhat yta ng showbiz blog siya ang most commented

  15. san na b ung idol nyo bwa hahah,………antay ng project? kawawa naman……………palibhasa falling star………..

  16. wow sukat talaga si marian daming inggit hahah……….masyang nasaya mga fans ng laos…….kahit ano ipagsigawan nyo hinding hinde nyo mapapabagsak si marian………………..

  17. alam nyo ba na si marian at dingdong ay live in na.
    may nkapag chika lng saken dhil un friend ko isa sa admin ng rockwell at sila nanunuluyan ngaun,si marian daw tlga ay isang palengkera kung kausapin nya daw ang mga tao dun as in prang wlang pinag aralan totoo ito at wlang halong biro ha?nagulat ako sa ugali nya gusto ko pa man din cya dhil sa angking kagandahan at mukang mabait sa kapwa nya un pla nagka mali ako..

  18. nku marian dapat dika malaos bka mgaya ka k karylle kung me kapiling ng iba si dingdong ikaw nman ngayon ang ngingiti sa isyung buntis, gimik na nman yan ay sus kapag balik tambalan na nman sila ni marian itsa pwera na yang c rhian gus2 lang pasakayin ni wilma galvantot pra kuno love triangle dala ka nga nman c rhian sa popularity ng dalawa then another starlet in kamuning is shining, two birds in one stone…

  19. SUSSSSSSSS,Ganyan nman tlaga yang dingdong n yan e lahat ng makapareha gustong ligawan pra gamitin e..SOBRANG USERRRRRRRRRRRRRRRR TLAGA!

  20. Ay, sus! Rhian-DD? Wala na bang ibang gimik? Pag ganito ang gimik ng isang TV show, malamang lamang flop-china sa ratings kaya gumagawa ng ingay. HAHAHA!

  21. Paliit na ng paliit ang lamang ng Darna sa May Bukas Pa. Darating ang araw, baka mas mataas pa ang rating ng Stairway kesa sa serye ni Marian. eh di lalong maglupasay sa selos ang maldita hahahaha

    Pano naman kase, papangit ng papangit ang kwento ng Darna. Ang lampa ng heroine natin, walang powers, at super inlab kaya iyak na lang ng iyak hahahahaaha

    Di bale, busog naman sila ng supply ng San marino tuna dahil kahit mga respetadong aktor like Eddie Garcia pina paendorse na nila

    GMA talaga ang hilig hilig sa delata hahahahahaha

  22. hahahaha ngayon pa ba alam ni Marian na hindi naman siya se-seryosohin ni Dingdong, hindi pa yan nagsasawa sa mga Babae…ngayon nagsasawa na yan sa kanya hanap na yan ng iba…tssk tskkk…hayan karma!

  23. Hindi imbento. Insecure si Marian dahil ginawa rin niya ang mangagaw. Ang dapat mangailangan nang gimik ay ang Darna. Pababa nang pababa ang rating. Si Marian, kailangan na ring gumimik. Ang huling movie niya, flop.
    Flopsina Queen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.