Dingdong Dantes, pinilit maka-graduate

courtesy of Instagram: therealmarian

courtesy of Instagram: therealmarian0000

MARAMI ANG nagtanong kung bakit sa Bacolod nag-graduate si Dingdong Dantes.

Nu’ng Linggo lang kasi ang graduation niya sa West Negros University sa kursong Business Administration major in Marketing.

Dumalo ang mga magulang ni Dingdong at siyempre si Marian Rivera na proud na proud din sa boyfriend niya.

Magkasama pa nga sina Marian at ang Mommy ni Dingdong na pumunta ng Bacolod para dumalo sa naturang graduation.

Ngayon sa mga nagtatanong kung bakit sa Bacolod, sabi ni Dingdong noon pa siya nakapag-enroll du’n dahil may kakilala yata siya du’n, at mataas naman ang standard ng school na ‘yun.

Sabi ng aktor, walong taon daw niyang binuno ang kursong ‘yun para makapagtapos lang.

Pakonti-konti lang siya ng units dahil abala naman siya sa trabaho niya rito, hanggang sa napagtiyagaan niya at nakapag-graduate.

Sabi nga niya nang nakausap ito ng Startalk, “Kaya ako nagpursigeng makatapos. Ika nga nila: ‘kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maramihan dahilan.”

Congratulations kay Dingdong sa panibagong achievement niyang ito.

Pagbalik ni Dingdong, magiging abala na siya sa preparasyon sa bagong drama series niya sa GMA 7 na Dalawang Mrs. Real.

Hindi pa yata nabuo talaga ang casting, kaya hindi pa sila nakapagsimula.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Dingdong Dantes, pinilit maka-graduate

Leave a Reply

Your email address will not be published.