Dingdong Dantes, pinangunahan ang mga artist ng PPL sa pagtulong sa mga na-Yolanda

Dingdong-DantesARTIST MANAGER Perry Lansigan’s holding his PPL Entertainment Inc.’s early Christmas party for the press last Monday was the result of a series of debates among his wards kung itutuloy ba o hindi ang nakasanayan nang okasyong ‘yon.

Obviously, the reason of those who opposed the idea na magkaroon ng party ay para ipamahagi na lang ang gagastusin ni Perry at ng kanyang mga alaga led by Dingdong Dantes sa mga biktima ng Yolanda. Pero sa bandang huli, napagdesisyunan ng tanggapan ni Perry na idaos ‘yon bilang paraan ng kanilang pasasalamat sa press sa tulong at suportang ibinigay at ibinibigay nito.

Aminado si Perry that the recent party was far less lavish compared to the previous ones. Maging ang ilang kompanya raw kasi that used to give away sizeable freebies ay hindi sinanto ng bagyo sa parteng Bisaya. Still, there were loot bags that contained less items.

Pero higit pa roon ang ikinabilib namin sa simpleng salu-salong ‘yon. PPL deemed it wise to donate a small fraction ng kanilang cash gift sa press sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

Kamakailan, ikinagulat pa ni Jessica Soho ang presensiya ni Dingdong who flew all the way to Estancia, Iloilo para hatiran mismo ng relief goods ang mga residente roon. Layunin din kasi ng aktor na magpatayo ng mga classroom sa ilang paaralan doon na winasak ng super typhoon.

What made the PPL’s act of charity more noble, ibinilang nito ang press (whose names and signatures were scribbled on white boards) sa mga donor ng mga itatayong silid-aralan along with the management agency.

Sa totoo lang, hanga na kami noon pa man sa estilo ni Perry sa kanyang pakikitungo sa press ay lalo pang nadagdagan ang aming admirasyon para sa kanyang opisina, his talents included. Something that we cannot say of the other artist managers who are selective in their invitation, and insincere with her press relations!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.