Dingdong Dantes, panay ang buntot kay Marian Rivera – Gorgy’s Park

NAPANOOD KO SA Showbiz News Ngayon nu’ng kamakalawa na talagang dinumog ng napakaraming tao si Willie Revillame.

Basang-basa ito sa ulan at pati mga tao ay hindi rin umalis kesehodang nababasa na rin sila.

Kasama ni Willie doon si Sen. Manny Villar kaya obviously, ang huli ang suportado ng Wowowee host sa darating na eleksyon.

Kaya tuloy nagkaroon ng intrigang tatakbong senador si Willie at sa ilalim daw ito ng partido ni Sen. Villar ng Nacionalista Party.

Itinanggi na ito noon ni Sen. Villar at kahit si Willie ay nagsalita na ring wala siyang balak na tumakbo sa darating na eleksyon. Talagang susuportahan lang daw niya ang kandidatura ni Sen. Villar.

Pero nu’ng araw ding iyun, meron ding mall show ang cast ng Darna at in fairness, sobrang lakas din iyun at talagang napuno ang Gaisano mall na pinagdausan ng naturang show.

Pinagkaguluhan nang husto si Marian dahil malakas din pala ang Darna doon at gustung-gusto raw nila ang kuwento nito.

Hindi ako nakasama sa naturang mall show, pero may nagtsika sa akin na nakita raw nila doon si Dingdong Dantes.

Ang sabi raw ng ibang staff, meron ding event doon si Dingdong dahil may festival kasi doon sa Davao, pero ang duda ng karamihan ay baka sinamahan lang nito si Marian.

Hayagan naman ang relasyon nilang dalawa kaya wala na silang itinatago.

Masayang-masaya raw sila ngayon at suportado nila ang isa’t-isa.

KAMAKALAWA LANG AY first taping daw namang magkasama na sina Dingdong at Rhian Ramos sa Stairway to Heaven.

Nakitaan naman ng magic ang dalawa kahit may mga ilang kumokontra.

Na-excite nga ang mga staff dahil nakita agad na bumagay naman ang dalawa kahit may mga ilang kumokontra sa tandem nila.

Kahit nga si Marian, suportado itong bagong project ni Dingdong kaya ilang beses nitong sinasabi na hindi niya puwedeng pagselosan ang pakikipag-loveteam ng aktor kay Rhian.

In fairness naman kay Marian, napansin namin nu’ng taping ng birthday special ni Dingdong na Dante’s Peak, hindi na umakyat si Marian sa stage pagdating ng finale dahil ibinigay na niya ang moment na iyun kina Dingdong at Rhian.

Kahit nakakakilig ang segment sa special na iyun nina Dingdong at Marian, cute naman tingnan ang number ng guwapong aktor kay Rhian para ma-promote na ang Stairway to Heaven.

Inaasahan nilang magiging maganda ang resulta nitong Stairway to Heaven nina Dingdong at Rhian na magsisimula na sa susunod na buwan.

NAGKABALIKAN DAW SINA Jenica Garcia at Mart Escudero? Iyun ang latest na narinig namin, pero hindi pa namin nakunan ng sagot dito si Jenica na abala sa taping ng pagtatapos ng Adik sa ‘Yo.

Pero nu’ng nakausap ng Startalk si Mart, inamin nitong sinusuyo niya uli si Jenica na magkabalikan sila dahil magmula nu’ng mag-break sila, wala pa rin daw nakitang ibang babae si Mart dahil si Jenica pa rin daw ang mahal niya.

Naniniwala si Mart na sasagutin siya muli ni Jenica dahil nagtitiyaga naman daw siya nang husto na masusuyo niya ito uli.

Patapos na rin lang ang Adik sa ‘Yo kaya hindi naman daw makakagulo si Mart sa loveteam nina Jenica at Dennis Trillo.

Anyway, may Pauleen Luna naman si Dennis kaya okay rin siguro kung aminin na rin nina Jenica at Mart na nagkabalikan na sila.

By Gorgy’s Park

Previous articleSugod Shooting: Super Happy sa Everybody Hapi!
Next articleParazzi Chikka: Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi na maitago ang relasyon!

No posts to display