Dingdong Dantes, niregaluhan ng Rolex watch ng fans – Lolit Solis

SINORPRESA si Dingdong Dantes ng mga fans niya na Dongyanatics.

International nu’ng nakaraang presscon ng libro nitong Life Story of Dingdong ng Yes magazine.

Biglang dumating ang isang officer ng Dongyanatics na galing pa ng Amerika para ibigay ang donasyon nila sa Yes Pinoy Foundation na ini-launch nito sa kanyang birthday special na Dante’s Peak.

Sobrang tuwang-tuwa ang aktor dahil ang nalikom ng fans club nila ni Marian ay umabot ng 1.2 million pesos.

Bongga, ‘di ba? Madatung pala itong mga fans nina Dingdong at nakapaglikom sila ng ganu’ng halaga para sa foundation na itinatag ng aktor.

Bukod sa 1.2 million pesos, may regalo pa sila kay Dingdong na isang bonggang-bonggang Rolex watch.

Ipinangako ni Dingdong na isusuot niya ang relong iyun sa Stairway to Heaven. Iyun na raw ang official watch ni Cholo sa Stairway.

Maraming naka-line up na projects ang Yes Pinoy Foundation ni Dingdong at malaking bagay raw iyung binigay ng Dongyanatics para makapagsimula na silang makapagbigay ng tulong sa kanilang mga recipients na mga anak ng mga miyembro ng military na namatay na on duty.

Abangan nyo pala ang launch nitong Yes Pinoy Foundation sa birthday special ni Dingdong na Dante’s Peak na mapapanood na sa darating na Linggo pagkatapos ng Show Me Da Manny.

TANGGAP NAMAN NI Direk Carlo J. Caparas ang desisyon ng Supreme Court na itigil muna ang pagbigay ng parangal ng National Artists dahil sa isinampang reklamo ng mga kumokontra sa pagpili sa kanya kasama ang tatlo pang kinukuwestiyon na napasali sa parangal na iyun.

Sabi nga niya, igagalang daw niya kung ano ang desisyon ng Supreme Court dahil iyun daw ang nasa batas. Hindi iyun batas sa kalye.

Hindi naman daw niya pinilit na ibigay sa kanya ang parangal na iyun, kundi iyun ay kusang ibinigay sa kanya.

Kaya nu’ng nagpa-presscon sila sa bagong pelikula niyang Pangarap Kong Jackpot na magsu-showing na sa September 8, nakiusap na si Donna Villa na huwag nang pag-usapan ang mga ganu’ng isyu dahil ayaw naman daw nilang isipin ng iba na ginagamit pa iyun para mapag-usapan lang ang pelikula.

May tatlong episode itong pelikula ni direk Carlo na kung saan ang bida sa isang episode nito ay si Manny Pacquiao na todo rin ang suporta sa pelikulang ito.

Doon din sa presscon ay nagpahaging na raw na malamang papasukin din daw ni direk Carlo ang pulitika.

Sabi nito, gaya daw ni Manny, makakapagbigay sila ng malinis na pamumulitika, hindi iyung marumi, Kaya pinag-iisipan daw nitong baka tumakbo siya sa darating na eleksyon.

Ang dinig ko, tatakbo raw itong senador pero wala pang kumpirmasyon mula kay direk Carlo.

Pero mukhang itutuloy daw nito kaya malamang may kokontra na naman diyan.

Hindi na yata nila titigilan si direk Carlo.

Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

loading...

81 thoughts on “Dingdong Dantes, niregaluhan ng Rolex watch ng fans – Lolit Solis

  1. mga lunatics talaga mga fans ng dalawang traydor na ito……pati yung gift daw ng mga mayayamang fans ng dalawa nakikisali eh…..hindi naman totoo…. GMA talaga palabas lang ito para nga naman sabihing hindi mga jologs fans nila……..puro kasi mga palingkera…..low class talaga, bragging too much about it showing how ignorant they are at hindi masasabing sa material na bagay masusukat ang pagkatao ng nagbigay nagmumukha lang kayo lalong mga tanga….if I know ni Hindi nga kayo makatulong sa mga kamag-anak nyo….mahiya naman kayo…..really nakakahiya yung ganyang kabaliwan ng mga fans this article is a big SHAME ON YOU!!!! you dont know how it is to live outside our country para lang mamudmod ka ng pera sa mga walang kuwenta……shame on you lunatics…

  2. i love you DingDong and Marian! bagay na bagay talaga kayo…Sana after darna at Stairway kayo na ulit ang magsama sa soap, im sure click na click na naman yun…

  3. Katawa naman ang iba diyan, masyadong bitter. Ano ang problema sa inyo kung may nag-regalo ng rolex at nag-donate para sa foundation ni Dingdong Dantes? Nag-solicit o nanghingi ba sa inyo? Pinilit ba kayo na maniwala? Fans niya ang nag-effort para magbigay, at happy sila sa gesture na ginawa nila. Wala akong makita na pangit sa ginawa nila, wala naman ni isa sa inyo (na nagpo-protesta) ang minolestiya nila para ma-achieve ang ibinigay nila. Simple lang naman ang ipinuputok ng butse ninyo eh, dahil hindi kayo taga-hanga, hindi ninyo matanggap na may mga fans ng isang artista na puwedeng magsama-sama para makagawa ng isang luxurious act. Humanga kayo sa gusto ninyo, walang makikialam sa inyo……….

  4. FORTUNATELY, HINDI LAHAT NG TAO SA AMERICA NA APECTUHAN NG RECESSION. KAYA NAKAKABILI PA RIN NG GUSTO NILANG BILHIN AT BINIBIGYAN NILA NG GUSTO NILANG BILHIN. AS A MARIANKNIGHT MEMBER, TALAGANG MAYAYAMAN AT PROFESSIONAL ANG MGA KARAMIHAN NA MEMBERS AMIN, I’M NOT SAYING ME INCLUDED, PERO ANG MGA SENIOR MEMBERS MAMAHALIN ANG BINIBIGAY KAY MARIAN.
    WELL, KUNG AYAW NINYONG MANIWALA EH DI HUWAG BASTA ALAM NAMIN ANG TOTOO. ANG IGNORANTENG THINKING, AKALA PURO SQUATTERS ANG FANS NI DONGYAN AT IN DENIAL KAYO NA KAYANG MAG DONATE AT MAG REGALO NG MALAKI ANG FANS NG DALAWA.

  5. Di ako isa sa fan nitong si Dingdong at Marian, pero di ko rin sila minumuhian. Mukhang sikat na sikat ang dalawang ito, at marami silang napapaligaya. Good for them.

    That said, bakit ang daming bitter sa kanila at sa fans nila na nagregalo ng Rolex? Ano naman ang pakialam ninyo sa gusto nilang gawin sa pera nila? Di naman ninakaw ang pera sa ibang tao. Libo-libo ang fans nitong dalawa… sa palagay nating around P1,000,000 ang isang simpleng Rolex na walang mga bato, kakailanganin lang ng 20,000 fans na mag-donate ng P50 para sila makabili. At siguradong may iba diyan mas malaki pa ang inabot. Pero karapatan nila yon, wala na tayong paki dun.

      • Yan ang mahirap sa makikitid at mahihina ang utak. Kung di mo kinamumuhian, agad agad ina-assume na fan ka na. Di maintindihan ang konsepto ng “objectivity” and “neutrality”. These are obviously very foreign concepts to you.

  6. DONGYAN RULES,DONGYAN ROCKS SORRY NA LANG SA MGA BITTER,DARN FLY HIGH…SA MGA BITTER BETTER LUCK NEXT TIME,MAG SOLICIT DIN KYO PARA ME PAMBILI KYO NG GIFT NYO SA MGA IDOL NYO.

    • Darna pabagsak na ang rating. LIPAD DARNA, LIPAD!!!!BUMUBULUSOK, LIPAD SABI! ! ! TOINK!!!! ARAY KU PU, BAGSAK! ! ! ! na naman?

  7. napaka exaggerated naman yang balita … fans mg bibigay ng Rolex ky dingdong…. RECESSION ngayon dito sa Americana kahit nga yung mga big time Millionaire hindi na gaano gumastos ng mamahaling gamit yang pa kayang mga fans ni dingdong .. sino niloko mo Lolit

    • kung ayaw mong maniwala ,bahala ka sa abuhay mo.walang pumipilit syo.basta kmi totoo ang bigay nmin na regalo kay dd at meron pa para sa yes pinoy foundation nya.ngayong walang nanloloko sayo,kung gusto mo mag imbistiga ka kung totoo nga o hindi

      • sori ka, kc 4 me ang pagmamahal sa idolo ay hindi dinadaan sa paROLEX-ROLEX noh…
        10taw???khit pa sampung rolex kaya kung bilhin, ang dami jan sa Quiapo or Divisoria…hehehe
        at ano naman ang binigay ni DINGDONG sa inyo, aber kuno???

  8. hay naku itong mga fans ni dingdong at marian napaka ingnorante o napakahambog. eh hindi nga natin siguro alan kong may kinakain kaya sila sa bahay nila tapos itong si dingdong na mayaman pa sa kanila ay binibigyan nila ng rolex na regalo sa bday niya ayyyyy nako egnorante kayo at kayo lang ang inuuto ng idol ninyo. Yong binili ninyong rolex sa idol ninyo e pag tinulungan ninyo ang talagang nangangailangan gaya ng mga bata sa lansangan siguradong malaking tulong na iyon para sa kanila. E kayo kong isa sa inyong fans ni dingdong kong nangangailangan kayo matulungan kaya kayo niya? mga hambog !!!!! kaya mga tao sa pinas kong sino yong mayaman ay mas lalong yumayaman ng dahil din sa mga mahirap gaya ng mga fans nina dingdong at marian.kaya mga fans ni dingdong at marian wlang ka class class …..

  9. ang yayabang!!!d2 sa abroad hindi ka nga pwede makahingi ng asin sa kapitbahay mo, tapos rolex pa ibibigay, JOKE ba eto??? mga ilusyunada!!!

  10. denise huag kang maniwala kasi kuripot ka,ingit ka lang kasi wala kayong unity,kaya nagugulat kayo kung may magregalo sa idol namin,ang dongyanatics, marianknights may unity kami kung paano pagagandahin ang aming samahan,nag aambag kami,kaya kayong mga haters,magaling lang kayo sa dal2 nyo,magaling lang kayong mamintas ng tao.

      • masyado mo kming hinuhusgahan,walang namimilit syo na maniwal.pero di nmin kyo katulad na puro lang pang huhusga ang kyang gawin,di nga kyo makalikop ng 10 thou,kya ganyan kyo kagalit sa aming fans ng dongyan.

      • 10 THOU, HOW MUCH IS THAT. . .APPROXIMATELY $200. KAYANG KAYA KITANG BIGYAN. PERO. . . HINDI KITA BIBIGYAN. . .ANO AKO TANGA?

    • Saka na kita sasagutin, Grace from Tondo. . .Busy ako. kailangang ayusin ko ang dorm room ko at saka tatakbo sa bookstore para bumili nang books and schools supplies. Pasukan na kasi. . .Ikaw, ano ang pinagkakaabalahan mo?

      • Nina, late rin ang pasukan ninyo? Hula ko sa time zone mo, Northern Cal ka. I go to the University of California in Santa Cruz. Ikaw? Hay naku, tapos na ang bakasyon. Heto, computer uli tayo. Do you believe this doo doo, Grace from London? Medyo mahina ang pangunawa. I don’t think he/she has any idea of how we survive here. Grace from Tondo, ginagamit mo pa ang London. Ha ha ha!!!! Tono nang pananalita mo, hindi ka pa nakakarating abroad. Good luck na lang sa ilusyon mo. Ha ha ha!!!!

  11. hahaha ang GIMIK ay ang hiwalayan ng ngiwi locsin at baba manzano tandem!

    ano say niyo MIKO sotto at OyoBoy Sotto?

  12. sa mga ayaw maniwala.walang pumipilit sa inyo basta kming mga fans ng aming royal couple eh palaging nandito para mapasaya ang mga idol nmin.sa mga mapanghusgang readers dto sorry na lang sa inyo at totoong geniune rolex watch ang gift ng mga dongyan kay dong at isang limitted edition na versace bag ang kay marian.at ung 1.2 million para un sa yes pinoy foundation ni dingdong dantes.oh di ba sosyal?

    • alam mo ba kung ano ang pinag sasabi recession kaya sa Amerika sa palagay mo ba mayroon fans mag bibigay ng versace bag at rolex sa panahon ng kagipitan sa Amerika ngayon …

    • alam mo ba kung ano ang pinag sasabi mo recession kaya sa Amerika sa palagay mo ba mayroon fans mag bibigay ng versace bag at rolex sa panahon ng kagipitan sa Amerika ngayon …

      • nagbigay na po o naibigay n po kina marian un…
        hindi nmn ntin pera ang ginmit n pambili nun so y bother dba?

        and ung cnsbi mong recession s amerika
        care b ng mga fans nila dong un if dey want 2 give special
        s idols nila…d ibili mo rin ng gnun ang idol mo….hihihi

        ayaw n ngang sbihin nila dong at marian ang regalo
        i2 lng c lolit ang sulat ng sulat eh.
        wehhhhhhhhhhh

    • Sometimes, one as ignorant as you. is inclined to believe anything. Mahirap kasing i-explain sa mga ignoramus na impossible. . .kaya, bayaan na lang silang mag ilusyon. . .Mga tanga. . . .

  13. yes,me post bday party ang dongyan at sa isang class lang nman na venue ginanap ng mga dongyan fans,sa greenhills lang nman at sponsor lahat yan ng dongyan fans,pati caterings.lahat eh gagawin ng dongyan fans para ke marian at dindong kya kung sino ang me rekalamo eh magreklamo kyo sa barangay,ganyan nmim kamahal si marian at dingdong.

  14. ask ms. eugene domingo how she was surprised at the catering sponsored by dongyanatics.org for her bday on the set of kimmy dora.

  15. the rolex watch and the versace bag bday gifts from donyanatics aren’t the first ones from their fans. LV bags were given to marian as gifta from fans when they went to u.s. expensive perfumes, tshirts and a lot more, aside from bouquets especially ordered given each time they are guesting at SOP and fans are there. sorry if u guys are disturbed by that. but thats how it is. if you can’t beat them, might as well join them!

    and mind you, dong and yan have a personal approach to all their fans. attending parties hosted for them every now and then. and both made sure they know the names and remember the faces of active members they often interact with. and this is why their fans loves them.

    • e kung yang mga aroganteng nagbibigay ng mamahaling regalo ay tumulong na lang sa mga naghihirap sa pinas imbes na ibigay sa mga herodes na meron namang pinagkakakitaan, mas me napuntahan ang mgandang gesture na pag reregalo nila. me pa-u.s. – u.s. pa binili, e karamihan dun na nabibili sa mall, peke din, gawa china. katulad din ng nabibili sa quiapo. so sa mga stupid fanatics na walang magawa sa pera, shame on you!

      • matagal na akong tumutulong, e ang mga tulad mong hambog? tumutulong sa mga artista kesa sa mga nangangailangan. shit!

    • Hindi ‘ko naniniwala. Sila nga rito, hindi maka afford nang Timex, Rolex pa kaya? Promo lang. Gusto lang ipakita na may class KUNO ang fans ni Dong at Marian, kasi, mostly, fans nila palengkera/palengkero rin.

    • may napala ba sya baka nga hindi na natandaan nung pinagbigyan ng gift ang name nung nagbigay… hay tama nga mas mabuti pang sa charity nalang binigay noh.

    • Agree. Hindi nga makabayad nang mortgage ang karamihan sa pinoy rito, Rolex pa ang ireregalo? Ano ka, bangag? The truth is, if one can afford to give a very expensive gift here in the US, I can assure you that they are those that are very involved in their careers and have no time to be fanatics. Ako, may oras ako sa internet, kasi, na lay off ako. But my unemployment insurance is not enough to pay for my mortgage and credit card debts. Get real. . .

  16. pede ba kung gusto talaga nilang makatulong manong yung talent fee nilang dalawa ni valentina ang ibagay mismo sa foundation noh…..puhleaseeeeeee…….duhhh…
    at wag sabihing professional kuno mga fans nila pede ba lahat ng artista may kanya kayang fans at nangaling sa kung saan saan antas ng buhay…may mayaman at mahirap….makikita talaga ang suporta ng fans pag willing itong gumastos sa mga movie at concert ng mahal ang bayad pati narin sa mga produktong kanilang iniindorso…dito makikita kung talagang ginagastosan sila ng fans….pede ba….baka nga galing lang yan sa GMA noh……wahahahahaha…eh ikaw ngang fans ka naki share ka ba?………………ng pangbayad sa rolex tapos nakikisawsaw ka…..mga fans daw…….pleaseeeeeeeeeee… plastik mo….

    • kung ayaw nyong maniwala,walang pumupilit sa inyo.totoo lahat sinabi ni lolit,infact isa ako sa mga milyong milyong fanatics ng dongyan all over the world.marami ang me pera sa mga fans ng dongyan kya wag na kyong mainggit.visit our website.www.dongyanatics.org.

  17. c dingdong talented may ibubuga nmn tlga xa,hnd nmn xa parati papogi points lng marami xa napapasaya,at hnd nmn niloko ni dingdong c karylle,tingin ko lng ang nkipag break c dingdong kc na feel nya na mhal na nya c marian,bagay nmn tlga cla ni marian!

  18. tanga talaga mga fans ngayon ung kakainin nalang nila ibibigay pa sa mga idolo nila, di nila alam kung di babayaran mga yan sasayawan at kakantahan ba cla ng libre ng mga yan? papapasukin ba cla ng libre sa sinehan pag nalaman na nagbigay sila ng ambag para sa rolex ng idolo nila? besides di naman dapat iniidolo ang mga taksil na tulad ni dingdong dantes noh. hindi ako fan ni karylle pero ginawa nilang kawawa yung tao. may karma din yan, im sure 1 foot lang ang taas ng lipad ni marian, dapat syan nalang si valentina, hindi sya tumigil hanggang hindi nya nakukuha si dingdong na hindi marunong magmedyas, eeewwww!

  19. ung iba kc akala lht ng fans ng artista…byaran lng
    dnila alam kramihan dyan puro professional na npa2sya ng
    mga artista. kya dapat b4 comment…research muna.
    wag manghamak ng kapwa ng dnmn nki2la2

    cguro way nrin ng fans club nila marian n ipamukha s ibang nagsa2bi na bayaran cla…now dey know na mas myaman p pla cla kay marian at dong. dba bongga!!!

  20. ay bonga ang mga dongyanatics fans club,yong mga haters dyan,gulat kayo nohhhhh.kung pintasan nyo ang idol namin ganon na lang,,yong idol nyo asan na,kahit nga singkong duling wala,kaya tumahimik kayo dyan okey.

  21. huag nakayong makialam sa rolex ni dong,mahal lang talaga nila ang dongyan kaya kahit gaano pa kamahal yan masaya cla,bonga ang mga fans nila nohhhh,

    • hindi pagmamahal yan, KATANGAHAN po iyan Sir Gilbert!!! Bongga nga ang mga fans kayod kalabaw para may pambili ng regalo sa mga fans! eh ang tanong ano ba ang naibigay nila sa inyo? iyong mga shows nila na kumikita naman cla…cno niloloko mo, eh di sarili moh!!!

  22. marian’s gift from dongyanatics intl is a versace limited edition purse. while dong is the rolex. wag kayo magulat, ganito magregalo ang mga fans nila, LV bag for Marian, expensive perfumes, even they sponsor caterings and parties. Ganon nila kamahal ang DONGYAN.

    So, the P1.2M donation from them is di na rin nakakagulat. Yes, international and local active members of their fan clubs are mostly professionals. Aside from students, doctors, lawyers, CPAs spearhead their groups.

    Yan ang charisma ng Marian Rivera at Dingdong Dantes tandem.

    Goodluck to Dong’s foundation. may it reach to more less priveleged youths. Keep it up!

    • Ilusyonado kayo. Pinag mumukha ninyo kaming tanga. Althea, sa pananalita mo, wala kang magawa sa buhay kundi manood nang soup opera pag tapos ka na sa paglinis nag kuwarto nang amo mo. Di ba?

      • kung ayaw mung maniwala walang pumipilit syo.at alam nming sa takbo na yong comment ay against ka sa donyan.well irerespeto ko ang iyong opinyon pero d kmi ilusyonado at para malaman mo mas magugulat ka sa next news ng mga donyanatics fans,me malaking surprise ang gagawin nmin para kay marian at dingdong kya ngayon plang mag ready ka na sa big events na un.good luck na lang syo at sa idol mo.

      • hay naku lolit, dito sa america, meron ngang tinatanggap na unemployment ang mga nali-layoff pero it doesn’t even enough to cover the mortgage payment. AT ung severance package naman (kung meron) ay equivalent lang ng 6 months to 1 year of employment ng isang empleyado ang tinatanggap namin dito.

  23. stupid pala kau, support nila yon kay dingdong para sa yes foundation magbbnefit nyan ung mga anak ng militar na mga ulila. basahin nyong mabuti bago kau mag comment!

    • ikaw ang stupid at basahin mo rin mabuti ang column ni lolit. Ang sabi ni dingdong or should i say pangako ni dingdong ay isusuot niya ang relo sa stairway to Heaven, so anong foundation ang sinasabi mo? siguro ung 1.2M ang mapupunta sa foundation na sinasabi mo pero ung relo ay personal na gamit ni dingdong, duh!!!! o eto, i copied/pasted it for you..
      Ipinangako ni Dingdong na isusuot niya ang relong iyun sa Stairway to Heaven. Iyun na raw ang official watch ni Cholo sa Stairway.

  24. maraming walang makain sa pinas, yun ang dapat nilang pagtuunan at bigyan. si dingdong ay mayaman na at hindi niya kailangan ang rolex, kayang-kaya niyang bilhin iyon.

    • personal money ng fans nya yun ang masama kung galing sa kaban ng taong bayan. as the article stated that 1.2 M for the foundation so sa mabuti rin mapupunta ang pera. yung sa relo naman the fans has all the right kung magkano at kung sino ang bibigyan nila. kahit mamahalin pa ang relo kasi as i said personal nilang pera yan.

    • dey just give it as a gift 4 dong…un ang kligyahan nila
      wala n taung mga2wa don…nd 4 ur sentiments n mrming ngahi2rap s pinas…trabaho ang kailngan nila d 2long na pera mula s kung cno pamn…
      dey give 1.2M 4 d foundation is dat enough 4 u pra msabing nkatulong nrin cla s cnsbi mong…walang makain s pinas?

    • Maski rito sa America, marami ring magugutom kung wala na ang unemployment insurance nila. Dahil sa economy, marami ang nawawalan nang trabaho. Maski nga mga puti, naho homeless na ngayon dahil sa kawalan nang trabaho. Ito pa kayang mga kababayan natin na maraming kamaganak na umaasa sa Pinas nang tulong nila. Ano ang uunahin, Rolex ni Dingdong o pagkain nang mahal nila sa buhay. At iyon namang manga professionals dito na talagang kumikita, iba ang pinagkakaabalahan. Wala silang oras sa mga arti artista. Huwag na kayong managinip nang gising. Hindi lahat nang readers ay tanga. Ako, estudyante kaya bored at may oras mag web. Pero, malapit na ang pasukan. I’m getting ready to fly back ang leave in my college dorm again. Walang TFC o GMA7. Computer ang libangan ko. Kaya, fans ni Marian at Dingdong, huwag naman ninyong isipin na tanga kami at maniniwala sa mga ito.

      • koerk ka na, tumpak pa!!! no doubt bakit hanggang ngayun mahirap pa rin ang pinas… dahil na rin sa fans kuno na abo kung mag isip!!!

        bka pa nga utang yung ROLEX kuno…

Leave a Reply

Your email address will not be published.