Dingdong Dantes, naudlot ang paglabas ng serye dahil sa sunog

ANG LAKING dusa namin sa GMA-7 dahil sa nangyaring sunog ha?! Mabuti na lang nu’ng sa Startalk namin nu’ng Sabado, may aircon na sa studio kaya hindi kami gaanong nahirapan.

Pero ilang araw ding walang aircon sa mga opisina at hindi pa nagagamit ang kabilang building dahil sa ang dami pang inaayos. Ang sabi raw medyo matatagalan pa ng ilang linggo.

Mabuti nga hindi na replay ang napapanood dahil nakapag-edit na at naayos na rin naman ang post-production.

Ang isa sa apektado, ang bagong drama series ni Dingdong Dantes na Genesis na dapat ay may presscon nu’ng nakaraang linggo pero hindi natuloy dahil sa hindi nga makapag-edit at mainit pa nga nu’n sa studio.

Tuloy, hindi ko na alam kung kailan na ba talaga ito magsisimula. Ang alam ko, ngayong araw na ang start ng Genesis pero na-move yata ng susunod na linggo.

Tamang-tama, tapos na rin n’yan ang My Husband’s Lover. Tatapusin nga raw ito ng isang malaking concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Sabado.

Ngayong linggo ang last taping days nito at maraming surprises daw na mapapanood sa pagtatapos nito. Ang isa sa surprise sa ending nito ay ang participation ni Ryan Agoncillo. Nag-taping na siya nu’ng nakaraang linggo at malaki raw ang partisipasyon niya sa ending. Alamin na lang natin kung bading din ba ang role dito ni Ryan.

Bakit kaya si Ryan ang kinuha ng GMA-7 sa ending ng MHL? Ibig sabihin, magiging Kapuso na siya?

Naku! Maraming magaganap na malalaman natin sa susunod na linggo. Abangan n’yo na lang!

 

NAKATUTUWA NAMAN si Vic Sotto dahil suportado naman si Pauleen Luna sa indie film na ginawa ng alaga ko na kasali sa nakaraang Quezon City Film Festival na ginawa sa Trinoma.

Nu’ng kamakalawa ng gabi ang gala night ng pelikulang Gaydar na pinagbibidahan ni Pauleen kasama sina Tom Rodriguez at Rafael Rosell.

Open na nga sila sa kanilang relasyon at nu’ng tinanong daw ng mga reporter kung ano ang plano nila ni Pauleen, sabi niya hindi naman daw niya itatago. Ia-announce naman daw niya kung sakaling meron na.

Naku, day! Ganu’n na kaseryoso si Bossing kay Pauleen? Siya na nga kaya ang huling karelasyon ni Bossing.

At least sure na sure na’ng future niya kung kay Bossing siya, ‘no!

Siguro naman okay na sa pamilya ni Pauleen dahil dati ayaw talaga ng Daddy ng alaga ko.

Sabi raw ng ilang taga-Bulaga, ang laki raw nang ipinagbago ni Bossing Vic nu’ng naging sila ni Pauleen. ‘Yung dating supladong image ni Bossing sa mga staff, ngayon ay ibang-iba na raw. Magandang impluwensya si Pauleen kay Bossing?

Tingnan na lang natin, ‘day!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Dingdong Dantes, naudlot ang paglabas ng serye dahil sa sunog

  1. Naku waley to for sure! Ung last nya na pinalabas ng December last year, me mga times na PURO PLUGGINGS lng ng shows ng GME ang commercials! Nyahaha!

    • Shunga! Ganyan talaga pag December, mahina ang ad placements sa parehong network. Ubos na kasi ang ad placements na nakabook for the year. Kaya nga bihira angteleserye na naguumpisa sa December dahil kulang ang ads.

    • Madam Auring ang peg? hakhakhak! Huwag mong itulad yan sa Primetime Bida na sunod sunod ang kamalasan kaya halos linggo linggo may natitigok na teleserye. hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.