Dingdong Dantes, natupad ang pangarap na makasama si Nora Aunor sa serye

Dingdong-Dantes-Nora-Aunor“DREAM COME true. Walang himala!” ang eksaktong nabanggit ng guwapong aktor na si Dingdong Dantes nang finally ay makumpirma ang balitang makakasama niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa faith-serye niyang Pari Koy sa GMA 7, na muling na-extend na naman ang airing sa Kapuso Network.

Mahigit isang buwan kasi ang nakararaan ay naging maugong ang “chika” na malamang ay mag-guest si La Aunor sa nasabing primetime program ni Dingdong, pero wala pang kasiguraduhan ang lahat at that time.

Noong mga araw na ‘yun ay ka-text ng writer na ito si Dingdong.

“Dream ko ‘yan,” ang text message ni Dingdong sa amin noong nasa planning stage pa lang ang nasabing Nora Aunor guesting sa Pari Koy.

“Hindi lahat ng actors of my generation is privileged to work with her. Dapat ay matuloy ito! Let’s make that happen!” sabi ng Kapuso Primetime King.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na kumpirmado na ang masayang balita. Maganda ring birthday gift para kay Dingdong (August 2 siya nag-birthday) ang pagkakatuloy ng guesting na ito ni La Aunor.

“Grabe, sobrang saya ko at excited kami lahat sa show! Dream come true ito for me. Walang himala!” natatawang pahayag pa ni Dingdong.

Mismong ang business manager na si Boy Palma ang nagkumpirmang special guest nga si Ate Guy sa Pari Koy. Unang nakausap ni Palma ang director ng serye na si Direk Maryo J. delos Reyes na nag-endorso naman sa isang executive ng programa sa kanya para sa negosasyon ng offer para sa guesting ng Superstar.

“Nagkita kami ni Direk Maryo sa Music Box and asked me kung puwedeng mag-guest si Guy and I said na okey lang, basta hindi maaapektuhan ang shooting ng ‘Kabisera’. Then, pinatawag ni Direk Maryo ‘yung Executive Producer na si Darling. Kami ang nag-usap sa lahat ng dapat pag-usapan. Inayos namin ang sked at negotiation. And finally, heto at may taping na kami. Everybody happy!” masayang kuwento ni Palma.

Tatlong araw raw ang taping ng multi-awarded actress sa Pari Koy – August 5, 10, at 12 (na-move, dapat sana ay ngayong araw, August 3) at masayang-masaya raw si Nora dahil huli niyang nakasama si Direk Maryo sa Naglalayag ilang taon na ang nakalilipas. Noong Dekada sitenta at nobenta ay maraming memorable films din ang pinagsamahan nina Direk Maryo at La Aunor. Masaya at excited rin si Nora dahil first time niyang makakatrabaho si Dingdong sa isang proyekto.

Samantala, maganda ang naging ratings ng guesting ni Nora sa Karelasyon sa GMA rin, kung saan nakasama niya ang anak na si Lotlot de Leon at apong si Janine Gutierrez, kumpra sa rating nu’ng katapat na show sa kabilang istasyon.

Malamang ay isa rin ito sa factors ng pagkakatuloy ng guesting ni Nora sa Pari Koy.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleWillie Revillame, 2 linggong pahinga ang game show
Next articleDennis Trillo, nagpapaka-good boy para iwas-intriga

No posts to display