Dingdong Dantes, namula nang makasama at makadikit si Angel Locsin

NAIKUWENTO NI Direk Ruel Bayani nang dumalaw sa set ng pelikulang One More Try si Angel Locsin ay nag-blush daw si Dingdong Dantes nang makadikit ng actor si Angel para sa look test pa lang.

Sina Dingdong, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Angel ang lead role sa nasabing movie under Star Ci-nema.

Sabi ni Direk Ruel, look test pa lang daw na pinagtabi niya sina Dingdong at Angel ay namula na ang actor. Kaya naitanong tuloy ni Direk Ruel kay Dong kung anong nangyari?

“Kinausap ko si Dingdong, sabi ko, “bakit?” sabi niya, “direk nagba-blush ako, eh. Direk ang tagal ko na kasi siyang gustong maka-partner. Ngayon lang natupad.”

Depensa naman kaagad ni Direk Ruel sa ginawang pagbubulgar, wala raw ‘yung ibig sabihin. Dingdong was only super excited daw kasi hindi nangyaring magkasama sila ni Angel noong kapwa pa sila nasa GMA 7.

Kaya ayun nang magkadikit at pinagtabi niya sina Dingdong at Angel, namula ang actor. Eh, test look pa lang ‘yun. Paano na kaya kung magkakaroon sila ng kissing scene sa nasabing movie.

Inamin daw ni Dong kay Direk Ruel, first time daw nitong nakaharap at nakasama si Angel kaya hiya ang naramdaman nito noong umpisa.

Inamin din ni Dingdong na noon pang magkasama sila sa GMA 7 ay gustung-gusto na niyang makasama si Angel na hindi nga nangyari.

Tinanong tuloy siya (Dingdong) ni Direk Ruel kung bakit nga siya namula?

“Siyempre, ano, pangit naman kung kumportable na agad ako, ‘di ba? Eh ganoon, natural reaction na hindi ka comfortable. So, kinabahan ako tapos siyempre, diyahe rin dahil una pa lang kayong nagkaharap. O akbayan mo, parang ano, ‘di ba?”

Ngayon lang napatunayan din ni Dingdong kung gaano ka-professional na actress ni Angel pagdating sa kanilang trabaho.

Sa movie ay ginagampanan ni Dingdong ang role na husband ni Angelica habang si Angel naman ang kanyang ex-girlfriend na papasok ulit sa kanyang buhay.

 

WALA RAW dapat ipag-alala si Judy Ann Santos at ‘di raw dapat itong ma-pressure sa magiging resulta sa box-office ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako na entry sa Metro Manila Film Festival 2012.

Buo ang tiwala ni Sen. Bong Revilla na muling hahataw sa takilya ang kanilang entry movie dahil kumpletos rekados ang movie na puwede sa lahat – bata, matanda, beki, t-bird atbp.

Paglilinaw rin ni Sen. Bong na iniba nila ang role at istorya ni Juday sa movie at hindi replacement sa role at istorya na character ni Ai-Ai delas Alas na nag-back-out dahil ‘di raw pinayagan diumano ng Star Cinema.

Samantalang inamin din ni Sen. Bong na pinayagan na nilang pasukin ng isa pa nilang anak na  teenager ang showbiz na mala-TGIS ang dating ng serye sa GMA 7.

Noon una, ‘di nila pinayagan ito dahil pag-aaral ang priority bago ang showbiz. Dahil ‘di naman pinabayaan ang pag-aaral at nakapagtapos ng high school at ngayon ay patungo na sa college.

Payag na silang mag-artista ito basta wala munang boyfriend at pag-aartista at pag-aaral muna ang priority bago pag-ukulan ng pansin ang pag-ibig.

Nangako naman sa magulang ang teenager na ‘di mag-aasawa kaagad tulad ng ginawa ng kanyang Ate Inah na maagang nag-asawa.

Naniniwala rin sina Bong at Lani na tutuparin ng anak ang pangako kaya pinayagan nilang pasukin nito ang pag-aartista dahil talagang hilig nito ang pag-arte sa harap ng camera.

Samantala, patuloy pa rin isang Kapuso talent si Sen. Bong dahil pumirma uli ito ng kontrata sa GMA 7 kamakailan. Kaya patuloy pa ring mapapanood ang isa sa inaalagaan at laging binibigyang-oras at araw ni Sen. Bong na maglaan ng taping para sa kanyang show na Kap’s  Amazing Stories na mapapanood na every Saturday at 7:30pm.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Dingdong Dantes, namula nang makasama at makadikit si Angel Locsin

  1. Ngayon ko lang nakita to. Indi totoo na first time magkaharap ni dingdong at angel dahil sa twin hearts ng gma palang magkasama na sila noh. Pati sa mulawin the movie! Hai naku !

  2. ano nga kasi ang guwapo kay dongdong dantes? ang mga luwang mata at pekeng ngipin na implants? at kubang maglakad? sa totoo lang kung hindi kay marian rivera di naman siya pang leading man pang contrabida siya.

    • exactly,yung katawan ni palengkera mukhang pang nanay dahil bukod sa humaba ang mukha yung susu naman nya abut hanggang beywang na,yan kasi ang sanhi sa pagiging araw2x sa pagtambay sa conco ni dodong dantes lol

  3. naku ptay si Marianita. Malamang bukas makalawa, break na sila ni Dong. Bye Marian Rivera, balik ka na ulit sa ex mo. hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.