Dingdong Dantes, nakakadismaya

ANO NA ANG mangyayari sa iyo, Dingdong Dantes, ngayong magkaiba na kayo ng proyektong ginagawa ni Marian Rivera?

Hindi ko talaga alam kung ano ang nakain ng mga taga-Siyete para paghiwalayin ang tambalan n’yo. Siguro kasi, pati sila aminadong nagsasawa na ring palaging mukha n’yo ang nakabalandra sa telebisyon. Nakakatawa lang dahil sa dinami-rami ng oportunidad na p’wedeng ibigay sa iyo, dance album pa. Dingdong Dantes Experience? Ano ‘yun? Wala kaming dapat na ibang maranasan mula sa iyo kundi dismaya at kabiguan.

Pagkabigo. Pasayaw-sayaw at pakanta-kanta ka na lang dahil alam naman ng lahat na hindi ka naman kagalingan sa pag-arte. Meron ka pa talagang nalalaman na pelikulang kasama si Eugene Domingo? Dingdong Dantes ka na, 3rd sexiest man of the world, tipong magpapalitrato ka lang nang nakahubad – bayad ka na, tapos bigla kang bumaba sa lebel ni Eugene Domingo? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, hindi kikita ang kalokohang iyan. Ganu’n ka na ba kadesperado para maipaalam mo sa mga tagasubaybay mo na kahit pa’no meron kang pinagkakaabalahan? Ang tindi siguro ng kapalit na hiningi mo kay Piolo Pascual para sa pelikulang ito para napapayag ka.

Pagkadismaya. Hindi mo maikakailang hindi maganda sa tingin ng tao sa nangyaring paghihiwalay n’yo ni Karylle dahil hindi lingid sa kaalaman namin na may kinalaman talaga si Marian. Iba ang sinasabi mo sa ipinapaliwanag mo. Ang chicken curry na niluluto ni Marian para sa iyo ang makapagsasabi na totoong may relasyon kayo. Siyempre papangit ang tingin ng tao sa inyo kung aaminin nga naman ninyo na may relasyon kayo. Hindi nila inaamin ang tungkol sa pagiging sila dahil parang nagpatalo ang Siyete sa sugal sa tambalang Marian-Mark Anthony Fernandez at Dingdong-Rhian Ramos. Wala na lang sisihan dahil mukhang hindi maganda ang kahihinatnan nitong ginagawa nila.

Dingdong, bakit ka nga pala nakikialam sa costume ni Marian? Inggit ka? Huwag kang mag-alala, hindi naman masyadong halata na gusto mong makasali sa Darna. Binigyan ka na ng Stairway to Heaven ‘di ba? P’wede mo nang pagtiyagaan ‘yan kahit na pareho kayo ni Marian na nag-remake lang ng palabas.

“Siya ay mas importante pa sa salitang importante?” Mukha mo. Ang tamis-tamis lang talaga na sa sobrang tamis, nasusuka na kami. Habang tumatagal, mauuwi rin ‘yan sa pagkaumay. Ang galing lang talaga ninyong paniwalain at paikutin ang fans n’yo. Iyan nga ang talento n’yo, ang mambola at hindi ang umarte. Sana epektibo pa rin ‘yan kahit magkahiwalay na kayo pero mukhang hindi.

Kaya, Dingdong… ayusin mo!

By Chiksilog

loading...

14 thoughts on “Dingdong Dantes, nakakadismaya

  1. sa nagsulat nito:

    mag-ingat ka sa pagsasalita dahil mabuting tao si dong at kaya siya gumawa ng album at nagkaroon ng movie with eugene eh dahil gusto niyang magexplore sa mga talents niya na alam kong wala ka!!!

  2. kawawa naman ang fafa dingdong ko, kinawawa
    ng bwakang-inang nagsulat ng putanginang article
    nato! FUCK YOU KA!! GO TO HELL!!! BWAHAHAHHAHA!!!!!

  3. parang burat naman nagsulat neto!
    HELLOOOO!! look at pioling na pinagmamalaki
    mo! pabagsak na ang badush nayon! kaya nga
    hayan oh! kumakapit nalang kay kc concepcion para
    bumangon ang career na wala ng patutunguhan at
    ipagduldulan sa madlang people na hindi sya
    badush which is such a desperate move to make a noise.

    atleast si dingdong di nya na kailangan gawin ung
    mga ginagawa ni pioling ngayon dahil sya ay MAY
    CAREER PARIN at may patutunguhan ito at isa pa
    LALAKING-LALAKI SYA NOH!!!

  4. love you dong kahit magkahiwalay pa kayo ni marian pareho namin kayo susuportahan kahit anong proyekto pa yan basta para sa inyong dalawa nandito kami palagi.Dongyan forever and ever!

    • ang kapal nman ng muka n smulat nyan sau dong ..wag kang manwla jan naiinggit lang yan sau kc ang gwapo mo..hehehehe…kaya dong wag kang paapekto…. kht kau pa ni marian sa personal wala silang pakialam kc buhay nyo naman yan,,,, diba…atchaka bagay naman kau sa personal…

  5. never p kUh nkakabali ng album ng khit na sino, kC pede nMn magdownLoad sa internet..perO nUng ni-Launch ni dong ung aLbum nYa, firsT tym akUh na-engganyo bumiLi..Kc Orig at kakaiba eHh.. tPoz super cuTe p nung notebook. suoer narrow-minded nMn ng nagsuLat ng article n2..kala nYa ung iniisip nYa, iniisip din ng nsa paligid nYa.

  6. wala nmn kwente ang nagsulat nito..pinapahalata nya na galit sya kila dingdong & marian!..
    naging manunulat ka pa nmn,sana di nalang.. DAPAT ITONG MANUNULAT NATO ANG UMAYOS..
    UMAYOS KA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.