Dingdong Dantes, nagtipid sa kanyang birthday?!

 

WALANG MAGARBO O malaking selebrasyon si Dingdong Dantes kaugnay ng kanyang birthday kamakailan. At choice umano niya ito for a change.

Nag-road trip lang daw sila nang konti ng girlfriend niyang si Marian Rivera, kasama ang iba pang malapit sa kanya. They went out of town na ayaw na niyang sabihin kung saan. Basta somewhere daw in Luzon na hindi kalayuan sa Metro Manila .

“Nag-call lang kami kung sino ang gustong sumama. Tapos convoy-convoy. Marami-rami rin naman ang sumama,” aniya. “And ang importante, ‘yong mga nandon ay ‘yong mga gusto kong makita at makasama.”

Ano ang gift sa kanya ni Marian?

“Marami siyang regalo. May isa siyang matinding regalo sa akin na ayoko nang sabihin kung ano. Pero ‘yong pinaka-memorable ay ‘yong presence niya. ‘Yong pagluluto niya ng mga napakasarap na putahe para sa aming lahat. May caldereta, may sinigang, at kung anu-ano pa.”

Hayyy! Ang sweet naman pala ni Marian!

Ganyan ba ang iniintrigang on the rocks na raw ang relasyon?

HAPPY SI CHRISTIAN Bautista na nagkaroon siya ng pagkakataong makauwi ng Pilipinas para sa premiere ng kanyang Indonesian-produced movie. ‘Yon nga lang, he was just here for a couple of days at pagkatapos ay balik na kaagad siya sa Singapore kung saan he’s doing Kitchen Musical.

“I’m happy that  I’m  back,”  aniya sa interview namin. “It’s good to be here. And this is important to me… itong movie na ito. It’s really close to my heart.

Nangiti siya nang matanong namin kung kumusta na ang kanyang lovelife.

“Lovelife ko… I’m single. Ah… I don’t believe in long distance relationships. That’s why I usually don’t start relationship.”

Kung gugustuhin niya, puwede naman siyang makahanap din ng special someone habang nasa Singapore siya, ‘di ba?

“Why not?  Uhm… you know if you fall inlove in one country and if your love is stronger than the distance, that’s it.  So siguro… hindi ko pa nakikita ‘yon.”

Si Garie Concepcion na anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, medyo inili-link sa kanya ngayon. What’s the real score ba sa pagitan nila?

“I’ve heard about that!” na ngiting sabi ni Christian. “Nakita ko siya sa Twitter. Tapos in-interview raw siya ni Kris (Aquino), sabi bagay kami.

“I haven’t really met her. I wanna meet her. I hope I do.

“Pero… what’s so funny with Kris is sini-set up niya ako palagi. Ha-ha-ha!

“But I adore her. I love Kris.”

Kumusta sila ng ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go?

“We’re okay. We’re friends.”

For sure, nabalitaan niya tungkol sa break up nina Rachelle Ann at John Prats?

“When I was in Singapore , nabalitaan ko nga na break na sila. I was sad. I was sad. Kasi… any break up is hard.

“Pero kami naman ni Rachelle, lagi kaming magkaibigan. Whether meron siyang boyfriend o wala. Yeah, nagkakausap kami. Kuwentuhan lang. Kumustahan lang.

“Hanggang kailan ako loveless? We’ll ne-ver know. Sa ngayon, e… I don’t wanna rush into anything.”

Ganyan?

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Dingdong Dantes, nagtipid sa kanyang birthday?!

  1. dapat lng n mgtipid kaya hndi tayo umaasenso ng husto kc msma p ung ubos biyaya sa huli ay naktanga diba…isipin nlng ntn n mrming ngmmhal sa knya at andyn ung mga taong mhl sya un ung pnka msyang parte s atng buhy…

  2. At may prinsipyo na tao si Dingdong, kinuha sya ng maraming politician to campaign for them in exchange for millions of pesos, tinanggihan niya dahil sa pinsipyo nya at nag campaign siya sa pnoy admin for free. Sana bigyan sya ng dakilang asawa na mabuting inpluwensya sa kanyang good heart sa pagtulong sa kapwa. At agree ako sa yo eye of the tiger.

  3. HANGA ako ke dingdong sa pagbigay niya ng sapatos sa dalawang magkapatid na nag-aaral sa mababang paaralan, ang sapatos na iyon na ginagamit ng kuya tapos pagka uuwi yung sumunod naman ang gagamit. Iisa lamang ang sapatos nilang ginagamit sa school kaya ang ginawa ni dingdong binigyan sila ng tig-iisang pares ng sapatos at ang pinaka matindi sa lahat. Nagpagawa siya ng bahay para sa nanay ng dalawang magkapatid. House and Lot ang binigay ni dingdong sa kanila sa araw ng birthday niya. Kaya para sayo dong. SALUDO AKO SAYO PARE. Sa panahon ngayon bihira lamang ang tutulong para makapag bigay ng bahay at lupa sa sariling bulsa.

  4. Agree ako sa pagtipid, sa economiya pa naman ngayon na maraming nagugutom at sayanging lang yong pera, ang ipakain sa mga kaibigan at mga reporter ay ibigay na lang sa mga pulubi na mas kailangan pa nila kesa doon sa mga kaibigan at reporter na mas nakakain araw araw. I like Dingdong for supporting several good causes.

Leave a Reply

Your email address will not be published.