Dingdong Dantes, nag-iikot na para matulungan ang mga biktima ni ‘Yolanda’

Dingdong-DantesNAKALULUNGKOT, NAKAPANGHIHILABOT ang iniwan ng bagsik ng bagyong Yolanda na sumalanta sa Kabisayaan.

Mabuti na lang at nakapaghanda tayo nang mabuti. Pero ang isa sa nakalulungkot, pati ang evacuees na buong akala nila ay safe na sila dahil nakapag-evacuate, nadale pa rin.

‘Yung ang nangyari sa Tacloban, Leyte kaya ang dami pa ring casualties at nakalulungkot talaga.

Ang maganda lang sa ating mga Pinoy, nakahanda rin ang lahat para tumulong.

Halos lahat ng network ngayon, may telethon para makalikom ng sapat na salapi para sa mga nasalanta ng bagyo. Kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong.

In fairness sa mga taga-showbiz, talagang all-out ang suporta nila at kahit sa anong paraan ay tumutulong sila.

Active na naman ang Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes na nagsisimula nang mag-ikot para makatulong sa Kabisayaan.

Medyo mahirap lang ngayon dahil sarado pa ang mga airport sa mga lugar na sobrang nasalanta ng bagyo, kaya naghihintay lang sila ng tamang pagkakataon na makatulong.

Dingdong-DantesSinubukan ngayon ng Startalk na i-research ang mga taga-showbiz  na galing sa lugar na nasalanta ng bagyo.

Si Tom Rodriguez pala ay taga-Samar, pero sa Amerika siya lumaki. Kaya lang nagtagal din siya sa Samar, kaya bukod sa English, matatas din siya mag-Tagalog.

Hindi pa namin alam kung may mga kamag-anak siyang naapektuhan ng bagyo kaya kapapanayamin pa siya namin.

Ang isa sa pinag-alala ng lahat ay si Cristina Gonzales na matagal nang naninirahan sa Tacloban, Leyte dahil sa kagawad siya roon at bilang maybahay ni Mayor Alfred Romualdez.

May mga narinig kaming balitang kumakalat, pero walang may nagkumpirma kaya mahirap na.

Ayokong isulat dahil mas mabuting kumpirmahin muna natin, ‘di ba?

Kaya abangan natin ang mga susunod na magaganap dahil patuloy pa ring nangangalap ng mga balita roon ang mga reporter natin at halos nagbuwis sila ng buhay para lang makapagbigay ng balita sa atin.

 

MALAPIT NA palang magsimula sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ng bagogn drama series na pagsasamahan nila sa GMA-7.

In fairness, nandiyan pa rin ang mga follower nila at excited na nga sila sa muli nilang pagsasama.

Tamang-tama, pareho silang single at kabi-break lang sa mga dyowa nila kaya tuloy kinikilig na mga fans nila na magkabalikan sila.

Pero pareho silang nagsabing wala silang binabalikang ex kaya malabo na ang balikan. Kaya tingnan na lang natin.

Sabi nga ni Jennylyn, espesyal daw si Mark sa kanya kaya baka roon siya masira.

Pero sabi naman ng aktres, ayaw raw muna niyang ma-involve kahit kanino dahil kailangan daw niyang magpahinga muna pagkatapos ng break-up nila ni Luis Manzano. Kaya focus muna siya sa anak niyang si Alex Jazz.

Si Mark naman ay naka-focus sa trabaho at sa pag-aalaga ng mga arwana niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Dingdong Dantes, nag-iikot na para matulungan ang mga biktima ni ‘Yolanda’

Leave a Reply

Your email address will not be published.