Dingdong Dantes, May Dengue?!

NABALITAAN KONG NAKALABAS na ng St. Luke’s Hospital si Dingdong Dantes pagkatapos itong magkasakit at minu-monitor pa rin kung may Dengue ito.

Nu’ng nakausap ko ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, hindi pa rin daw niya masabi kung talagang Dengue ito dahil marami pa raw tinitingnan ang doktor. Sana nga raw hindi Dengue, pero bumababa daw ang platelet counts nito.

Kaya pala nagmamadali si Marian nang nagkita sila ni Bela Padilla nu’ng nakaraang Martes dahil kailangan niyang tumuloy sa hospital para bantayan si Dingdong.

Pero sa gitna talaga nang pagkakasakit ni Dingdong, nagagawa pa nitong magti-text sa mga kaibigang press para magbigay ng statement ng suporta nito kay Marian.

Mabuti’t napagharap na sina Marian at Bela kaya siguro tapos na ‘yun. Wala nang magsasalita sa kanila at tapusin na lang ang taping ng Endless Love.

Nag-aalala lang ngayon ang mga taga-Endless Love dahil kailangan na sana nilang mag-taping, pero hindi pa rin daw puwedeng mag-taping si Dingdong, dahil kailangan pa nitong magpahinga at patuloy pa ring minu-monitor para tuluyan na siyang gumaling.

Kailangan din niyang magdagdag ng timbang para hindi naman siya magmukhang may sakit sa Endless Love.

Naku! Pagaling ka na Dingdong dahil maganda pa naman ngayon ang mga susunod na eksenang gagawin n’yo sa Endless Love.

UMIIWAS SI RAYMART Santiago na pag-usapan ang tungkol sa isyu nina Claudine Baretto at Angelica Panganiban dahil nasa abogado na raw nila ito ngayon.

Tinanong naman ng Startalk reporter namin kung may demandahan na ba kaya nasa abogado na ito. Wala pa naman daw. Pero alam ko, inaayos na lang nila ito nang tahimik para hindi na lumaki pa lalo ang gulo.

Basta nasa asawa pa rin siyempre ang suporta ni Raymart at maayos naman daw silang nag-uusap na magkaibigan, na ang tinutukoy nito ay sina Derek Ramsay at itong si Martin Castro na nadamay sa isyu nina Claudine at Angelica.

Ang pagkakaalam ko, inaayos na ito ng mga taong malapit sa kanila at nagkakasundo na ang kanilang mga abogado.

Sana nga hindi na matuloy sa demandahan at maging okay na sila uli.

Si Raymart naman ay tutok na lang daw muna sa trabaho at hindi na muna pinapansin ang mga ganitong intrigang pinasok ng asawa niya.

Todo-promote na lang siya sa bagong serye niyang Bantatay na papalit sa timeslot ng Langit sa Piling Mo pagkatapos ng 24 Oras.

ABANGAN N’YO BUKAS sa Startalk ang isang pasabog namin tungkol sa isang Kapuso talent na ikakasal daw ngayong araw.

Hindi pa namin masabi kung sino ito dahil kinukumpirma pa ng mga staff namin, pero may nakapagsabing magkakaroon ng kasalan ngayong araw kaya abangan n’yo na lang kung makukunan ito ng Startalk.

Sa totoo lang, kahit ako hindi ko pa alam kung sino itong magpapakasal. Siyempre, nakatutok pa kasi ang lahat sa nalalapit na kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na sa December na nga raw naka-schedule.

Abangan n’yo na lang bukas!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Dingdong Dantes, May Dengue?!

  1. ….endless love DD & MR…

    …hmmmm, don’t know kung sinong paniniwalaan ko, si claudine o si angelika… hay…

    …. ay ganun, kasal na pala si angelu….

  2. paging abs-cbn, sana pumasok sa kukote nyo na sa hollywood, kung kelan tumatanda ang isang artista ay dun nagiging in demand at lalong gumagaling. bigyan nyo sana ng magandang role at mahabang exposure ang mga veteranang artista dahil sa kanila matututo ang mga baguhan ngayon, same with gma 7. sana gawin nyong example sina jacklyn jose, gina pareno, anita linda na kahit mga may edad na ay lalong humuhusay at humahakot pa ng award maging sa ibang bansa. basta, naiinis talaga ako kung bakit napakaaga ng pagkawala ng character ni mark gil sa magkaribal.

  3. hay naku naiinis ako sa kung sino man scriptwriter ng magkaribal. kung kelan nagagandahan ako sa role ni mr. mark gil bilang isang mabait na ama at handang ayusin ang buhay ng mga anak, saka pinatay. andami namang characters sa magkaribal na walang kwenta gaya nung role ni toffe calma at rs francisco na mga intrimitidang bakla, bakit ke mark gil pa? hindi nyo na iginalang ang isang premyado at magaling na aktor. ewan ko sa inyo.

  4. ang plastic mo sarah geronimogusto mo lang kumuha ng bodyguard kasi ayaw kana ngayon malapitan ng mga humahanga kuno sayo nag imbento pa kayo ng tatay mo na keso may nag tangka sa tatay mo pero ang totoo palabas mo lang kasi umaarte kana mukha kasi kayong pera ng pamilya at nag iinarte kana ang ugali mo sarah at si lolit,cristy fermin at wellie iisa pareho sinungaling at plastic

Leave a Reply

Your email address will not be published.