Dingdong Dantes at Marian Rivera, ‘di panghabambuhay ang relasyon

Dingdong-Dantes-Marian-RiveraHINDI MAITATANGGI na walang puwedeng humarang sa pagmamahalan ngayon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Laging magkasama ang dalawa kapag wala rin lang ginagawang project o pelikula. Nitong Holy Week, magkasama muli ang dalawa sa Japan at doon ay parang mag-asawa na nagliliwaliw ang dalawa.

Pero kung pagbabasehan at paniniwalaan ang naging hula ng isang sikat na manghuhula kay Marian, imposibleng maging habambuhay na ang pagmamahalan nina Dong at Yan.

Hula kasi kay Marian, magkakaanak ito pero hindi si Dingdong ang magiging ama. At take note, hindi lang isang anak kundi tatlo or apat na anak daw na hindi pa rin ang actor ang ama.

Bago hinulaan si Marian na naganap sa Imperial Palace ni Mother Lily Monteverde noon, ayaw ng actress magpahula dahil natatakot ito sa magiging kalalabasan ng magiging hula sa kanya. Pero kahit labag sa loob, nangyari pa rin ang hula.

Kung pagbabasehan at titingnan naman natin ang masayang relasyon nina Dong at Yan, malabong mangyari o maganap ang nakagugulat na prediction sa sikat na actress. Well, sana, mali ang naging hula kay Marian ng sikat na manghuhula.

Samantalang malapit nang umere sa telebisyon ang Dalawang Mrs Real serye na first time na pagsasamahan nina Dingdong, Maricel Soriano at Lovi Poe sa GMA 7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Dingdong Dantes at Marian Rivera, ‘di panghabambuhay ang relasyon

    • Baka pag nag-asawa na sila,pati mga kasambahay awayin, siguradong ang kasambahay na tanggapin nila ay mga lola na para walang away, ahahahahahahaha

    • wahahahahha nyaahahha mga imoral yakkk mga artista sa kamuning nag iyotan na kahit di pa mag asawa yahahahahhhaahha wahahahhaha mga hayok sa laman ano bang gagawin nila sa japan kundi mag iyotan hahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.